Jul 10, 2007

Medyo Late na



Nakita ko 'tong picture na to sa friendster kanina, at andami kong naalala.

Ang tunog ng ID validation machine,

ang kaba pag alam mong late sa klase ni Ma'am Macapagal,

ang hiyawan ng mga kaklase ko pag nakita nila akong maagang pumasok,

ang amoy ng room (oo, may amoy yun),

at higit sa lahat, ang upuan ko.

Not.(a la Borat) Syempre ang mga kaibigan ko.

Nakailang room na ako pero iba ka pa rin room 105 ng St. Raymond's Building, pano ba yan? Sa teleserye na lang ni Claudine at Piolo kita makikita? Star ka na pala eh.

Jul 9, 2007

Rock-Rakan 2007 a hardcore expression of the SABian spirit. Theme namin yan last saturday, socialization daw. Bumaha ang gym ng mga taong naka itim, akala nga nung iba may lamay. Syempre hindi mawaala ang eyeliner, leather pants, chucks, emo hair saka eyeliner pa ulit. Kahit ano na lang basta naka eyeliner ok na. Meron din syempre yung mga totoong rakista, simple pero rock. Syempre andun din ako, parang napipilitan lang. Nakikinig naman ako sa rock, pero para magmukhang rockstar? Malabo.

Dahil nga rock ang theme, madalas itaktak mo saka sige ikembot ang naririnig. Astig no? Rock na rock.

Jul 3, 2007

Paulit ulit

Araw araw, pakiramdam ko pumapasok ako sa sine sa kalagitnaan ng palabas. Hindi ko makuha ang sinasabi ng mga tauhan kasi hindi ko naman nasimulan. Kailangan kong magpanggap na nakukuha ko ang istorya para hindi naman masayang ang binayad ko. Pero ang totoo, umuuwi akong naguguluhan at litong lito.

Minsan naiisip kong umalis na lang. Umalis nanaman. Dun naman ako magaling. Ilang tao na ba ang kinailangan kong iwanan? Ilang relasyon na ba ang kinailangan kong pansamantalang putulin? At pagkatapos ng lahat kailangan ko nanamang magsimula at maging baguhan sa ibang lugar. Kaya nga siguro Dayo ang palayaw ko, kasi lagi na lang akong dayuhan.