Jun 21, 2007

First time mo?

Koleksiyon ng mga first day ko sa eskwela.

UST
From:
LSRtambayan.tk
Posted December 15, 2005

First day of school. Di syempre excited ako, feeling ko ang laki laki ng campus. Naghintay kami ng isa, dalawang oras. Walang dumadating na prof. Tapos finally may pumasok na, in time for our third period. Naka maroon na polo shirt, mukhang medyo bata pa. Ang bungad niya,

"Isa lang ang pinakaayaw ko, yung mga nalalate! Sa klase ko, bawal ang malate! Is that clear?"

Sa isip ko,lagot!

"Yes sir." Sagot namin.

Tapos pina pass na yung reg form. After a few minutes, may pumasok kaming classmate, babae, medyo mataba, super maingay. Pinatayo siya ng prof, nagusap sila tapos sabi ni sir

"Class, can you please tell her what i have just told you earlier"

"Bawal ang malate"sabi namin.

"Sorry po sir sa las pinas pa po kasi ako galing" palusot nung classmate namin na maingay.sinampolan ngayon ni sir ng pagalit. bla bla bla bla. eh matapang yung kaklase ko, sinagot niya yung prof,

"Sir eh sa las piƱas pa po ako galing! Ikaw sa lacson lang, pano ka naman malalate? Besides, first day pa lang naman ng classes, wala pang ginagawa!"

"Ha? sumasagot ka? Eh kung i-singko ko na kaya yang grade mo? Hija, first year ka pa lang ganyan ka na sumagot!!"

"Sir, hindi mo yun pwedeng gawin! Subukan mo! Magrereklamo ako sa dean! Wala pa tayong ginagawa singko na?"

"Get out!! I want you out of the room!! Now!!"

Sobrang galit na si sir, nakakatakot. Kinakabahan na kaming lahat. Pero matapang yung classmate ko.

"Sir magrereklamo ako sa dean!"

"Hindi ako natatakot sayo, magreklamo ka kung gusto mo, sasamahan pa kita.

"Tapos lumabas talaga yung classmate kong babae, nagdabog. Sa isip-isip ko, ganito ba talaga sa ust? After nun sumunod si sir sa labas. Syempre kuwentuhan kami sa room

"Sobra naman yung babae"

Biglang pumasok sila sa room, yung prof saka yung babae saka mga anim pang iba.

"Kami ang artistang artlets! And we'd like to welcome you to the faculty of arts and letters!"

hahaha!Nagago kami sa first day pa lang!!!! Pag nakikita ko sila sa school naaalala ko yung ginawa nila, iniisip ko"Gagong to, tinawag ko pang sir, estudyante lang naman pala". Artistang artlet yung theater group sa college namin. Nagannounce sila na meron daw audition after class. Ang last word nung prof kuno eh
" wag kayo magalala pwede ang malate dito!!"

At least ginawa nilang uber memorable ang first day of school ko.



ESA
From:

LSRtambayan.tk
posted June 6, 2006

1st day of classes! Nagmamadali akong pumasok sa room. Nakaupo na lahat.

ako: Good afternoon, Sorry ma'am i'm late

prof: Good afternoon, name please?

ako: Abad Enriquez

prof: Abad ....is that your first name?

ako: Opo.

prof: (went over the list for a while)you're not in my list,are you sure your not from the 1:30 class?

ako: Yes ma'am, is this general psychology?

prof:Yes, ok i'll just check it on later.

Umupo na ako sa likod, nag-hi sa mga nakilala ko na nung orientation. After a minute binasa ko yung schedule ko. Lagot. Tama yung prof, sa next class pa pala niya ako!Tumawa na lang kunwari ako sa upuan saka sinabi ko sa kanya na 1:30 nga pala ako.

ako: Ma'am sorry, sa next class pa pala ako.
prof:(smiling) Ok, see you later.

Lumabas ako, nagtatawanan yung mga classmates ko, err, yung akala ko mga classmates ko.haha. Naghintay ako sa labas ng one and a half hours. Buti na lang mukhang malaking tambayan yung school.Pagpasok ko sa nung 1:30, sabi nung prof

"Welcome back!"

Kaya nung nagcheck siya ng attendance kilala na niya ako. Hayy. i think i might like it here. haha.



LSR
From:
A friendster message to a high school friend

Tinanong ko yung lalaki sa harap, sabi ko,

"Kuya, sinong prof natin?"

"Ah, Ako."

haha. kababain.(nakakahiya) Ang tanga ko talaga, nakikita ko lang kasi sya dun nung high school tayo, teacher na pala sya ngayon.




At kung akala niyo ay hindi pa natatapos ang kapalpakan ko, think again.

SPUP
June 12, 2007

10:00 am pa lang asa school na ko. Syempre first day kaya kahit maaga ako ng thirty minutes ok lang. Sobrang init, pakiramdam ko nilelechon na ko. Umakyat ako sa second floor at chineck kung may tao na sa room ko. May tao pa sa room 206, masyado pa akong maaga. Bumaba na lang ako saka naghintay sa silong ng mga puno habang patuloy na tinotosta ng araw. After 30 minutes, bumalik ako sa room 206 para tignan kung umalis na yung mga tao. Andun pa din, lumakas na yung duda ko na ito talaga yung klase ko.

"Ma'am there are people" sabi nung kalbo sa likod, saka tumawa kasabay ng mga barkada niya. Papasa na pala akong "people" kahit isa ko lang.haha.

"Good morning ma'am, Management 101 po ba 'to?"

"Yes, kanina ka pa palakad lakad dyan e bakit ngayon ka lang pumasok?"

"Ay, sorry po akala ko po kasi 10:30 pa."

"Sige, take a seat."

Kahit pang apat na beses na first day of school ko na 'to ay kinakabahan pa din ako. Umupo ako sa likuran, pinakamalapit sa pintuan.

"Do you know these people?" sabay turo sa mga kaklase ko.

"No ma'am."

"Kayo, do you know him?"

"Hindi po",tawanan ulit.

"They keep on calling you kanina eh, hindi na nila ako pinapansin nung nagpapabalikbalik ka dyan sa corridor. Baka you were classmates from your other classes?"

"Hindi po, transferee po ako, first time ko pong papasok ngayon."

"Eh bakit ka nila tinatawag?"

"Hindi ko din po alam."

Ang labo.
---------

Hindi ko alam kung magkakaroon pa ko ng panglimang first day. Pero sana naman huwag na. Nakakapagod din. Kaya kung may magtatanong sakin kung "First time mo?" Isa lang ang sagot ko. Hindi ah, puta I'm a pro.

5 comments:

graceless said...

i'm super bored! hehe waaaah abad panalo tong post na to! naalala ko tuloy yung first day natin.. haha!

Anonymous said...

peborit ko ung UST pers day.haha.

sosyal.
apat na pers day.gusto ko din!

so i take it,di ko na dapat itanong ang pers day mo nung elem sa lsr.ilang dekada na ba un? =D

benta!
hintay ulit ako post.hahaha.

Abad said...

grace! oo nga, kamiss, i-hi mo ako sa lahat! pasalubong niyo ni chi!

Chini!! haha, la salette, baka kahit ikaw di mo na maalala. Kumusta na yung chef mo jan? nakalimutan na natin mag message sa friendster, yaan mo, one of these days.

andami kong readers! mga dalawa.

Anonymous said...

wahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaahaha,................. ang kulet!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! yaan mu ipagkakalat ko tong blog mu,...

Anonymous said...

hhehehe panalo ah...