Jun 27, 2007

Church at inuman

Apat na oras lang ang klase ko sa isang araw, kaya kailangan kong magisip ng paraan para hindi matulog na lang sa mga natitira kong oras.

Umattend ako ng church nung isang linggo. Hindi catholic church ah, yung charismatic. Alam kong mahirap paniwalaan lalo na't kung alam mo na ang huling bisita ko sa simbahan ay nung march pa ng minsang mapadaan ako sa harap ng La Salette para bumili ng mamisong pancake sa harap ng simbahan at makita ako ng brad ng tatay ko sa fraternity nya (K of C). "Oh! Abad, magsstart na ang mass, pumasok ka na, anjan yung tatay mo." Wala na akong nagawa kundi pumasok.

Yung mayari ng bahay na tinitirahan ko ang nagaya sa akin sa church last thursday. Wala naman daw mawawala kung sasama ako, madami daw ako makikilala saka may aircon naman daw dun kaya malamig. Hindi ko alam kung sa aircon ako nakumbinse o sa mga makikilala. Dalawa lang kasi ang wall fan sa school ko, yung isa nakatutok pa sa prof, kaya nung narinig kong malamig dun, pumayag na ako. Ibang iba yung atmosphere nung pumasok ako sa loob ng church, ang sasaya ng mga tao, kung hindi yun simbahan iisipin mong nakadroga sila. Nagkakantahan na sila ng naabutan ko, kinamayan ako nung iba ng makita nilang bago ako. Syempre hindi pa ako makasabay sa mga kanta nila kaya para malibang ay inisip ko na lang ang magiging reaksyon ng mga barkada ko nung high school kung isasama ko sila dito. Malamang magmura yun pag nakita nila ang mga taong nakasama ko sa VCF. Hindi naman sila sobrang relihiyosong mga bata, baka tulad ko andun lang din ang iba sakanila para maglibang, o bigyan ng panahon ang diyos. Lahat naman tayo kailangan ng diyos sa buhay natin. Kung titignan ko ang mga panahon na nalito ako sa mga prayoridad ko sa buhay, yun din yung mga panahong nakalimutan ko ang diyos.

Kinabukasan pagkatapos ko umattend sa church, nagaya naman ng inuman yung kaklase ko. Syempre, payag agad ako. Umalis ako ng Manila para maka iwas sa sobrang bisyo pero basta pumapasok ako at nagaaral, ayos lang naman siguro ang uminom paminsan minsan.

Aaminin kong natatawa pa din ako minsan sa mga kasama ko sa church pero nagenjoy ako. At babalik uli ako bukas kahit na nagaaya nanaman ng tagayan ang kaklase ko. Susunod na lang siguro ako pagkatapos ng church. Kung kaya ko ngang makipag umagahan sa tagayan, bakit naman ako manghihinayang sa isa o dalawang oras ko para sa kanya?

3 comments:

graceless said...

Lahat naman tayo kailangan ng diyos sa buhay natin. Kung titignan ko ang mga panahon na nalito ako sa mga prayoridad ko sa buhay, yun din yung mga panahong nakalimutan ko ang diyos.

Kung kaya ko ngang makipag umagahan sa tagayan, bakit naman ako manghihinayang sa isa o dalawang oras ko para sa kanya?


- syet tinablan ka abad! :)) pero seriously.. pag nakadinig/ nakaattend ka sa mga ganun.. imposibleng hindi mo marealize ang mga dapat mong marealize.. ang galing. :D

Abad said...

gres! oo nga, pero matagal ko ng narealize yan, kailangan ko lang maalala.

Anonymous said...

hey abad^^, im happy na narealize mu yun,.. kkatuwa ung pgging honest and realistic mo, for not being afraid of what others may say or think,.. cmon cmon keep it up wehehehe,.. di na kita xadong nkkita sa church ah hehehe,... tabi tau ulet pag pnta ka ah,..