Aug 30, 2007

Bakit madalas brownout sa probinsya?

Dahil walang kuryente nagpunta ako sa mall para sa aircon. Balak ko ding umattend ng church ng maaga mamaya para sa aircon, at walang kinalaman ang aircon sa kuwento ko. Ang tagal ko ng hindi naguupdate, nahihiya na ako sa naguumapaw na dami ng readers ko. Kaya sa inyong dalawa, hello.

Bukod sa pagpraktis ng tamang accent para sa "Caritan Hi-way 'nong?" para hindi mataga sa presyo ng mga tricycle driver, nagbabasa na ako ngayon ng books pag free time ko. Hanep no? Akala ko nga hindi ko kaya, pero pagkatapos magdugo ng ilong ko nakayanan ko din. Napipikon ako dati sa mga assignment na nagrerequire ng mahabang basahan kasi maikli lang ang attention span ko. Nabibilib nga ako dati sa mga mahihilig magbasa. Lagi ko na lang hinihintay na maging pelikula yung mga libro na ayon sa mga kakilala ko ay maganda. Kaya kung naghahanap ka ng bagong hobby ay inirerekumenda ko ang pagbabasa. Umpisahan mo muna sa maiikli tulad ng drug literature sa loob ng kahon ng gamot, o kaya terms and conditions sa likod ng bus ticket o kaya naman yung sagot ng katabi mo pag exams at nangangapa ka ng sagot. Ganun lang din ako nagsimula eh.

4 comments:

graceless said...

for the first time today natawa ako. haha. at dahil yun sayo! for the first time this month natawa ako abad at dahil yon sayo. hello din galing sa napakarami mong fans at isa ko dun. si china ba yung isa?

wehh pumunta ka na sa birthday ni gerald. please? hehe. yung kapatid mo magbbirthday pa next year. si gerald, baka wala ng celeb with us next year kasi "magtatrabaho" na kami. madami ng mawawala. huhu

Abad said...

gress! buti naman kung ganun! si chito yung isa, yung madalas kasabay mong magcomment, pero pwede na din si chi.

gustong gusto ko pumunta, ayaw ng kapatid ko. haha. oo nga pala gagraduate na kayo, magkikita pa din naman tayo bago kayo grumaduate. i miss you all!

Anonymous said...

ako bibliophile na may ADD.hahaha..welcome to the club. =]

Anonymous said...

wehehehehe, asteeg. cmon abad kip on reading!!!^^,