tumitingin lang ako sa Menu ng isang bagong bukas na restaurant. Gusto kong sumubok ng bago kaya pinili ko ang kakaiba sa pandinig. Asian Studies. Hindi ang maling kurso ko ang naging dahilan ng pagkakasipa ko. Ang punto ko lang ay maliwanag na hindi ka nagiging wais pag ang sinagot mo sa barkada mong nagtatanong kung bakit ang kurso mo ang napili mo ay dahil “Maganda pakingggan.”
Pagkagraduate ko, saan na ako kukuha ng panggimik?
Ito ang madalas nakakalimutang tanungin sa sarili nila ng mga estudyanteng papasok sa kolehiyo. Kung umaasa ka na suswertehin ka na lang dahil pagkatapos ng apat na taon ay biglang tataas ang pangangailangan para sa mga nagtapos ng kursong natitipuhan mo ay malamang nagkakamali ka. Magtanongtanong sa mga kakilalang nagtapos ng kaparehong kurso kung hindi ba sila gaanong nahirapang makahanap ng trabaho. Tandaan na kaya ka pumasok sa kolehiyo ay para makahanap ng magandang trabaho pagkatapos.
Kaya ko ba?
Mahirap sagutin ang tanong na ito dahil madalas kung hindi sobra ang bilib natin sa sarili ay wala tayong ideya sa mga bagay na kaya nating gawin. Kung hindi ka mahilig sa math o science ay maaari mo pa ring hanapan ng gamit na praktikal ang mga bagay na kinahihiligan mo. Kung kaya mong manood ng tv maghapon at wala kang alam gawin kung hindi pintasan ang mga nakikita mo sa tv ay baka nababagay ka sa mga kursong tumatalakay sa media. Aktibo ka ba at parang may opinyon sa lahat ng bagay? Baka pwede kang luminya sa sining at panitik. Adik ka ba sa computer games? Maaari mo yang maging puhunan para makatapos ng kursong may kinalaman sa computer at technology. Lagi ka bang bida dahil sa pang matindi mong porma at sense of style? Baka sa fine arts ka makahanap ng kursong babagay sa iyo. Maganda ka ba at may talent sa pagkanta, pagarte o pagsayaw? Bakit ka pa magaaral? Magartista ka na lang.
Kung wala ka pa ring napulot na kapakipakinabang sa lahat ng naisulat ko ay huwag mawalan ng pagasa. Bukod sa wala naman talagang natututunan sa akin ang mga mambabasa ng blog na ito ay bata ka pa at punong puno ng potensyal. Lahat ng bagay, kung gugustuhin, ay maaaring matutunan. Wala ka mang maisip na kagalingan mo ngayon ay sigurado akong darating din ‘yon sa iyo dahil ang college ang isa sa pinakamagandang lugar para makilala mo pa ng lubusan ang sarili mo. Maaaring dito ka magsisi kung bakit ka bumili ng cd ni Hannah Montana at mandiri sa pagbili mo dati ng notebook na may picture nila Kim Chiu at Gerald. Maraming bagay na kung ngayo’y akala mo’y hindi mo magagawa ang kayang kaya mo palang gawin.
Ano mang kurso ang mapili mo ay tandaan na ang higit na mahalaga sa lahat ay kung gaano ka kapursigido para matapos ang napiling kurso. Sa aspetong yan, ikinalulungkot kong hindi na kita matutulungan.
Abangan ang mga susunod pang post na tatalakay sa exams, mga propesor at unang araw ng klase.