tumitingin lang ako sa Menu ng isang bagong bukas na restaurant. Gusto kong sumubok ng bago kaya pinili ko ang kakaiba sa pandinig. Asian Studies. Hindi ang maling kurso ko ang naging dahilan ng pagkakasipa ko. Ang punto ko lang ay maliwanag na hindi ka nagiging wais pag ang sinagot mo sa barkada mong nagtatanong kung bakit ang kurso mo ang napili mo ay dahil “Maganda pakingggan.”
Pagkagraduate ko, saan na ako kukuha ng panggimik?
Ito ang madalas nakakalimutang tanungin sa sarili nila ng mga estudyanteng papasok sa kolehiyo. Kung umaasa ka na suswertehin ka na lang dahil pagkatapos ng apat na taon ay biglang tataas ang pangangailangan para sa mga nagtapos ng kursong natitipuhan mo ay malamang nagkakamali ka. Magtanongtanong sa mga kakilalang nagtapos ng kaparehong kurso kung hindi ba sila gaanong nahirapang makahanap ng trabaho. Tandaan na kaya ka pumasok sa kolehiyo ay para makahanap ng magandang trabaho pagkatapos.
Kaya ko ba?
Mahirap sagutin ang tanong na ito dahil madalas kung hindi sobra ang bilib natin sa sarili ay wala tayong ideya sa mga bagay na kaya nating gawin. Kung hindi ka mahilig sa math o science ay maaari mo pa ring hanapan ng gamit na praktikal ang mga bagay na kinahihiligan mo. Kung kaya mong manood ng tv maghapon at wala kang alam gawin kung hindi pintasan ang mga nakikita mo sa tv ay baka nababagay ka sa mga kursong tumatalakay sa media. Aktibo ka ba at parang may opinyon sa lahat ng bagay? Baka pwede kang luminya sa sining at panitik. Adik ka ba sa computer games? Maaari mo yang maging puhunan para makatapos ng kursong may kinalaman sa computer at technology. Lagi ka bang bida dahil sa pang matindi mong porma at sense of style? Baka sa fine arts ka makahanap ng kursong babagay sa iyo. Maganda ka ba at may talent sa pagkanta, pagarte o pagsayaw? Bakit ka pa magaaral? Magartista ka na lang.
Kung wala ka pa ring napulot na kapakipakinabang sa lahat ng naisulat ko ay huwag mawalan ng pagasa. Bukod sa wala naman talagang natututunan sa akin ang mga mambabasa ng blog na ito ay bata ka pa at punong puno ng potensyal. Lahat ng bagay, kung gugustuhin, ay maaaring matutunan. Wala ka mang maisip na kagalingan mo ngayon ay sigurado akong darating din ‘yon sa iyo dahil ang college ang isa sa pinakamagandang lugar para makilala mo pa ng lubusan ang sarili mo. Maaaring dito ka magsisi kung bakit ka bumili ng cd ni Hannah Montana at mandiri sa pagbili mo dati ng notebook na may picture nila Kim Chiu at Gerald. Maraming bagay na kung ngayo’y akala mo’y hindi mo magagawa ang kayang kaya mo palang gawin.
Ano mang kurso ang mapili mo ay tandaan na ang higit na mahalaga sa lahat ay kung gaano ka kapursigido para matapos ang napiling kurso. Sa aspetong yan, ikinalulungkot kong hindi na kita matutulungan.
Abangan ang mga susunod pang post na tatalakay sa exams, mga propesor at unang araw ng klase.
29 comments:
Wow, nice words. Isang malaking patama sa akin dahil ako ay magiging isang baguhan sa kolehiyo.
At nga pala, salamat sa pagbisita sa blog ko. I'll be looking forward to your posts as well :)
Ym me - Ignoramousism@yahoo.com
Tuturuan ko kayo kung papano mamili ng kurso.
Nga pala, 10 taon na akong tambay.
Welcome back! Excited ka ba sa pasukan? summer pa naman. Joke lang.
Tumpak ang mga sinabi mo. Ako nga iba ang gusto ko sa kinuha ko.
Abangan ko ang part 2 ng post na 'to.
“What do you want to be when you grow up?”
haha, kapag ito ang nababasa ko sa slum note, naiisip ko lang; " may nagsagot ba na gusto nilang maging katulong balang araw?
naiinggit ako sa mga taong bata pa lang ay malinaw sa kanila kung ano ang gusto nila sa buhay.
pareho tayo kambal maglilimang taon na ako sa kolehiyo kung kelan malapit na akong gurmaduate saka ko naisipang lumipat ng kurso. Hindi ko alam kung hanggang ilang taon pa ko sa kolehiyo basta alam ko kinailangan kong iwan ang una kong kurso dahil hindi na ako masaya at hindi ko nakikita ang sarili kong mapapakinabangan ko ang una kong course.
Yun naman talaga ang mahalaga eh.. dapat masaya ka sa ginagawa mo at dapat eh pagkagraduate mo eh suguraduhing may panggigimik ka.. bwahahahaha..
ang tagal mong nawala! at maganda ang iyong comeback post, mukhang madami namang matututunan ang mga bata sa mga sinulat mo dito.. hehe!
anu naman kaya ang laman ng part 2 ng post na to??? aabangan ko! :D
kevin - saktong sakto nga sa'yo.
igno - para kang naghahanap ng bibiktimahin.
batang wxyz - salamat. may iba ka pang blog? bakit welcome back? naligaw ka na ba dito dati?
kris - may kilala akong gustong maging labandera noong grade 1.
watusiboy - ako din!
fb - may balak ka yatang daigin ako sa schoolhopping a.
linglingbells - maraming salamat! sana nga may matutunan sila.
magaling. kaya paborito kita eh. :))
naaalala ko noong mag aapply ako sa kolehiyo, talagang hirap na hirap ako sa pagpili ng kursong kukunin ko. ewan ko ba kung maganda ba yung epekto na walang pressure na manggaling sa magulang dahil kapag tinatanong ko sila kung anong gusto nila ang sagot nila, "bahala ka na anak."
siyempre, may napagtanungan akong reliable kung kayat heto ang nakuha kong kurso at sa kabutihang palad naman ay nakatapos ako, sa tamang oras at panahon.
maiintindihan ko naman ang mga estudyanteng tumatagal sa kolehiyo at hindi lang naman yan dahil sa pagbubulakbol o hindi pagseseryoso sa pagaaral. Malaking porsyento diyan ang hindi agad natatapos dahil sa kahit nasa kolehiyo na sila ay hindi pa rin sila sigurado kung anong gusto nilang maging paglaki nila.
at maswerte lang din ako dahil ang nakuha kong kurso, ay medyo sakto sa panlasa ko.
idadagdag ko lang sa mga tips mo, dapat isaisip ng mga pumipili ng kurso ang kaligayahan, interes at kung makakamit nila ang pinakamataas sa hirarkiya ni maslow. mahirap makinig sa isang tao na hindi ka interisado sa mga pinagsasasabi niya. at mahirap tapusin ang isang bagay na may sama ka ng loob sa ginagawa mo.
yun lang.
nung maliit ako sabi ko gusto kong maging scientist.
tapos sa school, least fave ko naman ang science.
sa totoo lang, psychology ang gusto kong course. pero nung nagffill-up na ako ng form para sa entrance exam, nursing ang pinalagay ng nanay ko. ayun. imbes na maging doktora ako balang araw eh magiging nars ako. haay.
abad, salamat sa tyaga mong magbasa ng blog ko..hehehe..
astig ang entry na yan..
ako kasi nagsisisi sa kinuha kong kors.. hehehe
ingatz
parang gusto ko mag aral uli ha ha
gusto ko embalming naman!
dapat iniisip na kung ano ang gusto paglaki.
wow si abad gising pa. ako tailor ang una kong gusto maging. sa accounting ako bumasak.
nanay ko ang pumili ng kurso ko.. nung nasa 2nd year college ko, napag-isp isp ko na gusto kong maging piloto, kaso ang mahal pala magpalipad ng airplane. tsk tsk
Hello how was there.. I find some interesting topic in this site about txtmates, but ive found someone in txtmate.com. She is beautiful and were getting married.
kuya, tagal mo nang hindi nag oonline ah. :)
oo nga pala may bago akong tahanan!
astig kuyang kuya ang dating mo ngayon ah?!
"I want to be a doctor!" Yan ang madalas na maririnig mo sa mga bata ngayon. Kahit noon pa man yan na ang popular na sagot. Yung iba nagtagumpay, yung iba naman iba ang dinoktor - papeles sa gobyerno, ITR, term paper, at kung anu ano pa! LOL
Ako? Nagkamali din ako. Nag gingineer pero hindi naman nagamit. Napadpad sa hotel business at ngayon jobless! Ha ha ha.
Nga pala Abad. Paki palitan naman link ko sa sidebar. Paki palitan nung bago kong domain (naks).
Salamat pre.
nice read! haha! ang ganda kasi patama to sa utol ko... ;)
-
wei
kelan ba i-post ang part 2? next year? joke.
Ayos to ah. Dapat magawan to ng flyer kasi must-read ito ng mga freshmen.
kdr, salamat. hirarkiya pala ang tagalog ng hierarchy. astig.
krisjasper, under science pa rin naman ang work mo ngayon.
noime, pwede ka pa din naman maging doktora.
jhaynelou,thanks,np.
abou, at gusto namang magtrabaho ng mga nagaaral.
mia, pwede ka pa namang matutong magpalipad ng eroplano mia, magpayaman ka muna sa pagiging nars.
coldman, oo nga eh, kung makapagpayo ako parang ang wais ko naman sa buhay.
monaco, you don't need to work, mayaman ka naman na.
wei, salamat!
batang wxyz, haha malapit na.
lawstude, salamat. hindi na yata kasya sa flyers to. haha.
Nakaka-miss tuloy mag-college... hindi ko tuloy masusubukan itong mga tips na ito... ahehe!
parang n-miss ko bigla ang college life ko...
padaan po sa bahay nila...
Dear Kuya Abad,
wala akong masabi. puwede rin ba humingi ng advice sa iyo?
sir abad, pabago naman po ng link ko to
http://kritiksosyal.blogspot.com
:D thanks po ah
Mainam talaga ito Abad, mahusay. kung napaaga ang pagpopost mo nito malamang isa na akong matagumpay na trabahador na nagmamay-ari ng sarili kong malaking kumpanya.
Kaso lang hindi eh, hirap ako dito sa trabaho at kadalasan hindi ko gusto ang nangyayare.
Sana naging abugado na lang ako o di kaya eh artista kahit wala naman akong talent.
Post a Comment