Oct 16, 2007

Kakain ka ba kung ang dinuguan sa hospital cafe ay naka-categorize bawat blood type?

Mahigit isang linggong naospital yung kapatid kong si Buldang dito sa Tuguegarao kaya madalas ako sa ospital this week. Salamat sa Diyos at magaling na siya ngayon. Sino ba kasi ang nagpauso ng dengue? Tama sila, hindi lahat ng uso mabuti. Dapat hanapin mo yung bagay sayo. Labo?

Kaawa-awa naman ako, natatawa ako sa sarili kong kastupiduhan. Parang kaninang madaling araw, hindi ako makatulog, naisip kong itext ang lahat ng kakilala ko ng " Tulog ka ba? Please textback if yes." Nung isesend ko na nalala ko paubos na load ko. Kaya tumawa na lang ako magisa. Malamang kung sinend ko yun may magrereply, magaling ako pumili ng kaibigan eh.

Akala ko wala ng kuwenta yung previous posts ko. Kaya ko pa palang magsulat ng mas basura tulad nito.

4 comments:

graceless said...

uyy buti magaling na sha :) magkabuhok pa naman kami. haha labo :P

buti pa ikaw pag gumagawa ng basura post, may dating pa din. eh ako. basura kung basura. haha. uy abad sembreak na namin :)

Mikhail de Rivera said...

Basura...
Smokey Mountain ressurected?

Abad said...

Kuya Mik hindi ko na yata naabutan ang smokey mountain. ahaha.

Anonymous said...

pangit nga ng nausong un noh,, dami din tuloy gnagawa s ospital nun... labo nga...