Dec 25, 2007

Pasko naman

Madalas nating gawing dahilang ang pasko para gawin ang mga bagay na malamang ay mas mabigat sa kalooban nating gawin sa ibang pagkakataon. Maraming magkakaaway ang nagkakabati, mga luhong napagbibigyan at biglang dumarami ang tao sa simbahan. Hindi man ito ang totoong kahulugan ng pasko ay nasanay na tayong gawin itong rason para makuha ang gusto natin. Kung ako ang diyos ay titisurin ko ang mga tao at sasabihing bakit ba paimportante kayo? Birthday niyo? Painom naman jan! Pero hindi ganoon ang diyos kaya swerte talaga tayo. Hindi ko pa nagagamit ang aking "pasko naman" card ngayong taon. Wala naman akong gustong ipabili at wala rin naman akong nakaaway. Kaya sandali ko munang babasagin ang aking katahimikan sa pamamagitan ng post na ito dahil pasko naman.

Hindi kaiba ang paskong ito sa mga pasko ng mga nagdaang taon. Ako ang nagluto para sa Noche Buena dahil pagod na ang lahat sa isang taon na pagkayod. Ito lang ang tanging panahon na makakapagpahinga ang pamilya ko ng isang buong araw at hindi kailangang gumising ng maaga para magtrabaho. Ito lang ang araw na kahit paano ay matitikman nila ang buhay ko. Siguro ay tipikal na simpleng pamilyang negosyanteng Pilipino kami. Maagang gumigising ang lahat para makapagbukas ng kanikanilang mga tindahan. Mula sa lolo at lola hangang kay Mama at sa lahat ng mga kapatid niya. Magkakape sa umaga at magkakape uli sa hapon pagkatapos ng isang araw na trabaho. Madalas kong tinitignan ang liksi at sipag nila sa pagtatrabaho at madalas na napapawari kung bakit parang iniwasan ako ng kasipagan na dapat ay naroon din sa dugo ko. Kung paanong hindi ko natutunang maging katulad nila. Madalas ko na lang iniisip na siguro ay darating ang araw na magagaya rin ako sa kanila. Alam kung iyon din ang madalas nilang sabihin sa kanilang sarili. Sa pagkakataong ito ay hihilingin ko na huwag akong pagsabihan tungkol sa kasipagan, determinasyon at disiplina dahil sa mga nabanggit ko, tutal, pasko naman.

Tulad rin ng mga nakaraang taon ay lalo pa nating pinayaman ang mga kompanya ng cellphone sa pagpapadala ng pareparehong mga mensahe ng pagbati, pasasalamat at simpleng pagpapapansin lang. Madalas kong pinagiisipang maigi ang ipapadala kong text message tuwing pasko. Iyon lang ang kaya kong ibigay kaya pinaghuhusay ko na. Sabi ko nga sa profile ko ay madalas sa pasko at bagong taon lang ako magtext sa mga kaibigan kong matagal ko ng hindi nakikita. Ang kaibahan ngayon ay bukod sa pagtetext sa mga kaibigan ay nakaharap ako sa computer at nagsusulat ng entry para sa mga kaibigan at kakilala sa loob at labas ng internet. Sa inyong lahat, maligayang pasko. Sa mga malayo sa mga mahal nila sa buhay, ipinapaabot ko ang aking pagmamahal at hangad ko na sana ay dumating ang pasko na makasama niyo na ang mga taong rason kung bakit kinailangan ninyong lumayo.

----------------------------
Maraming salamat kay Chuvaness para sa kaniyang e-card at free ad dahil ako ang kanyang
swerteng ronito. Salamat din kay Kotsengkuba para sa pagiging daan para makarating ang tag sa akin at higit sa lahat kay iRonnie para sa kaniyang oras at pagod para lalo pang mapalaganap ang pagkakaibigan ng mga bloggers ngayong pasko. Salamat at muli, maligayang pasko sa inyo!

To my Ronita Sharon Cheong, Maligayang Pasko from sunny Tuguegarao!

14 comments:

Ronnie said...

maging masaya nawa ang iyong pasko bro! ^_^

Anonymous said...

tsk... Dapat talaga eh araw-araw pasko para masipag ka na at nakakapagblog ka pa.

Anti-social din pala ako. Pero sa personal yon.

Maligayang Pasko Idol! at 3rd degree friend mo din si LA LOPEZ hahaha

Anonymous said...

maligayang holidays,my labs! =D

Lena said...

merry christmas tsong! happy new year

~chuvaness
mynosebleed.com

Anonymous said...

putek
nagbalik ka
maligayang pagbabalik

maligayang pasko
:)

pusa said...

pahabol ng merry christmas... bloghopping from malen :)

ps. i really liked your abad post

Abad said...

Ignoramus, 2nd degree, kakilala ko din yung pinsan niya, kaklase ko dati. haha.

magandang ako, hoy chito ano ba sa sikretong relasyon ang hindi mo maintindihan. naman oh. haha, merry christmas din. lasengga ka alam ko, kaya malamang may hang-over ka pa ngayon.

ironnie, malen, xienah, pusa, maligayang pasko rin sa inyo!

The Wandering Deity said...

Ay ang bata bumalik. Sorry namiss ko to ha. Busy ang lola mo eh. Cinareer ang trangkaso during the holidays.

Marami ka bang napamaskuhan? Pero, teka, marami ka bang ninong at ninang? Speaking of which, susulatan ko yung mga ninang at ninong ng anak ko. Nitabla anak ko eh, ni singkong duling wala man lang nagbigay.

Happy New Year. Pray ko next year, GAGRADUATE KA NA!!!! Yayyyyyyyyyyyy!

Anonymous said...

woohoo nagpost ka din hahah sa new year din ah! dahil "new year" naman ahehe bakit kasi nagstop-stop ka, balik ka na! :P belated merry christmas! ;)

Anonymous said...

Pahabol na bati ng maligayang pasko
at maligaya ako na ikay nagbalik! :)))

Anonymous said...

Abad, hingi mo ko ng autographed picture ni IDOL doon sa 1st degree friend mo. hahaha... Naninigurado lang ako. Baka kasi hindi kayanin ng powers ni grace na humingi non e sayo nalang ako aasa. hahaha...

Link mo naman ako. may bago akong bahay. http://lobo.idlip.net

salamat tsong IDOL.

Abad said...

the diety, wala nga akong napamaskuhan eh. May balak ka bang bigyan ako?

The Wandering Deity said...

ay shempre sige promise. paguwi ko, punta ako diyan sa bayan mo, dalhin ko pasalubong ko saiyo ha. promise!!! pero magaral kang mabuti!

Anonymous said...

Hello Abad, maligayang pasko kahit late na!

Advanced Happy New Year na din! Maligayang pagbabalik na din pala, hehe.

Siguro nga dapat araw-araw mong isapuso ang pasko para nga magblog ka palagi, hehe.