Ang post na ito ay para sa Project Lafftrip Laffapalooza ni badoodles ng Kwentong Barbero .
Ang totoo niyan ay mahirap akong patawanin kaya medyo nahirapan ako sa paggawa ng post na ito. Isa o dalawa sa mga ito ang ginamit kong batayan sa pagpili:
Una syempre ang humor. Gusto ko ay yung hindi haha-funny lang na blog. Dapat ay may makukuha pa rin ako habang tumatawa. Pangalawa ay ang oras na ginugugol ng mga tao sa likod ng mga blogs. Dapat masuklian ang atensiyon na binibigay nila para mapasaya ang mga tulad kong lasing sa tulog dahil sa kawalan ng pagkakaabalahan. Kasali din sa pagpili ko ang posibilidad na makasali ang mga blogs na ito sa top ten para siguradong kasali ako sa raffle. Wais 'to. Hindi ko isinali ang mga mga blogs na kaibigan ng blog na ito dahil hindi ko kayo kayang i-rank at hindi dahil hindi kayo nakakatuwa para sa akin. Ang totoo niyan ay hamak na mas naaliw talaga akong basahin ang blogs ninyo. Ito ang limang napili ko:
1. Mr D. - Kakikita ko lang sa entry ni Xienahgirl at natawa kaagad ako kaya number one 'to para sa akin.
2. Gagopolis - Babalik-balikan.
3. Maruism - Mahusay, dapat asa TV ang blogger na ito.
4. Chona Mae - Siguro ay wala ng pakialam ang blogger na ito kung manominate siya. Naalala ko lang na ito ang nagpapatawa sa akin dati kaya inonominate ko pa rin. Mas gusto ko talaga ang classic na inday. To Chona, you said you are come back soon? When will your site be construct? Me and my friend is miss you.
5. Inday - Dahil mahal ng lahat si Inday.
Sali na rin kayo! Suportahan si Badoodles! Para sa karagdagang impormasyon ay magpunta lang sa page na ito http://kwentongbarbero.com/project-lafftrip-laffapallooza/
Maraming salamat kay Badoodles para masayang project na ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
sige na
nga iboboto ko na siya
bati naman kami
ni inday e
:)
abaddddddd! pa-kiss nga! hahaha! maraming salamat sa boto.
Sino bang magandang iboto abad?
maru, welcome. kiss lang? haha.
shopi, kahit sino. gayahin mo na lang boto ko. haha.
abad ano to? hahaha chona maaaeee! we love chona mae! :D
nawala lang si walongbote nagkaganyan na kayo haha.. pano pa pag nagsulat ulit xa.. joke.. I go for billycoy nakakaputok ulo mga sinusulat nya..
gusto ko si poli.
Sige sige.. gaya nalang ng gaya. Copy paste ko nalang yung post mo.
abapu! wag kang magpapaniwala kay xienah sumisipsip lang yan hahhahaa. salamat sa pagboto pero may panahon ka pang magpalit ng mga iboboto hahahha.
abaaad! nabasa mo na to?
http://www.kepwek.blogspot.com/
nakakatawa din na nakakainis kasi parang ang tanga tanga na nya masyado. haha. pero mas nakakatawa pa din si chona talaga. :)
hapi new year din poh. =]
gusto kong pumunta jan sa SPU Tuguegarao, tga diyan kasi ung minahal kong txtmate.
Post a Comment