Feb 12, 2008

Busy ako

Hindi ako makapaniwalang nabasag na ang tulog-kain-school-tulog-kain-sigetuloglang routine ko. Wala na nga akong oras maginternet. May bago akong raket, gumagawa ako ng chocolates. Huwag kayong magalala, hindi ko naman kinakain lahat kaya kumikita pa rin ako. Babalik ako pagkatapos ng Valentine's. Marami pa akong bebentahang mga taong may love life. Pakyu sila.

Ang dami kong chocolates, wala naman akong bibigyan. Pinupulutan na lang namin pag lasing na kami. Ang sagwa ng lasa!

Expected Comment:

Wala kang pagbibigyan? Bigyan mo ako! :)

21 comments:

pusa said...

marunong ka gumawa ng chocoloate? bigyan mo ko! :D hehehe

Anonymous said...

masyado kang bitter, baka maging mapait yung tsokolate mo. Hahaha!

Cordillera Blogger said...

Aha! kaya pala hindi ka nagpakita nung nasa tuguegarao ako...sana nagbenta ka malapit sa conference namin...papatok sana ang binibenta mo...Tatapatan mo pa ang binebentang Padday Na Ybanag Cacao Balls...haha! Masarap pala ang Chicharabao at Alcala Carabao Milk Candy...Karton2 ang binili ko...yung sinuggest mong longanisa Ybanag masarap din....too bad abad...nabigyan ko na sana ng mukha si abad enriquez sa blog kow...jejeje...padala ka naman ng tsokolate...nyehehehe

graceless said...

naunahan mo ko sa comment ko. i hatechu. :) sasabihin ko pa lang sana na ako na lang bigyan mo haha, kasalanan ko, nagpo-po din kasi ako sakanya kase mas matanda sha saken. :P hindi ako nagpapacute wag kang umano. heyyy i miss you. sana magpakita ka naman sakin di yung puro sa kanila na lang. sa balentayms dalawin mo naman ako oh. haha.

Anonymous said...

inemail ko na sayo ang address ko, mag-eexpect ako sa 14 bwahahah jok.. wala ako dito sa 14, pupunta ako ng ibang planeta, wala balentayms dun :P

Anonymous said...

malapit na ang pasko, pengeng chocolate! hahaha!

KRIS JASPER said...

Chocoholic po ako.

tulala.si.ako. said...

may talento ka pala sa pag gawa ng tsokolate.. akalain mo! padalhan mo naman ako dito abad!

Anonymous said...

kaya pala tagal mong nawala. okay yan ah, daming bibili nyan for deyr swithearts this valentayms. sana naisip ko din yan.

kung may matitira penge ha?

Anonymous said...

ako, nde umiinom. pero gusto kong kumita. hehe

FerBert said...

wow! penge...
nakita nga pala kita sa Fster..
wala lang.. hahahaha

The Wandering Deity said...

oist, nasa Friendster ka? bakit ende mo ko ni-add?

masarap naman pulutan ang chocolate ah. lagi ko nga inom vodka tapos chaser ko chocolate. sarap naman eh. acquired taste lang yan!

happy valentine's!!!

mwahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

Maru said...

yun ba yung tsokolate na ipinapahid sa katawan tapos dinidilaan? uyyy! exciting yun! penge!

atto aryo said...

ako, di manghihingi. me request lang ako. padalhan mo naman si ......... on my behalf. saka na bayad pagbalik ko, :-)

Dakilang Tambay said...

lakas ng tama ng chocolate sa alak. hehe. penge naman ng chocolate. hehe

Anonymous said...

chocolate ang pulutan nyo? uhhmm di ko pa natry yun ah!

hehe! baka nga pumait yang tsokolate mo sa kabitteran mo.

Abad said...

Pusa, chocolate molding lang.

Coldman, may bittersweet chocolate talaga akong benta kaya ayos lang.

Mojo, magkaka-diabetes ka na pag pinadalhan pa kita ng tsokolate, ubusin mo muna yang milk candy mo. :)

Grace, ikaw nga ang hindi nagpapakita sa akin, malapit lang naman ang Valenzuela sa Dapitan hindi ka pa makadaan. haha.

lilmiz, saang planeta ba yan? sama ako.

kris, that makes two of us.

Aleth! May blog ka na! Congrats!add kita sa links ko.

Monaco, huwag ka ng manghingi ang dami mo namang pera. kaya mong bumili ng karton karton. :)

Camille, kumikita ka naman na diba?

Ferbert, hahaha sinearch mo ko.

The diety, hindi naman vodka ang iniinom namin, matador saka gsm blue. try mo pag uwi mo dito. haha.

Maru, Sana nga!

Aryo, sure! malakas ka sa akin e.

Dakilang tambay, malakas nga ang tama.

gasti, sobra na nga ang kabitteran ko daig pa ang ampalaya.

Bukas na ako magbobloghop. Salamat sa lahat ng dumaan. :)

Anonymous said...

Abad, may chocolates pa ba?

Pang-valentines lang ba ang production ninyo nun?

Anonymous said...

^ bakit sancho, may pagbibigyan ka na ba? =P

pulutan ang chocolate? buti di nagka-WWIII sa tyan mo.

Anonymous said...

Hello how was there.. I find some interesting topic in this site about txtmates, but ive found someone in txtmate.com. She is beautiful and were getting married.

anthonet said...

hi chocoloate mzta u ibay mo sa mga matanda na wala ngiping [hahahahahahahaha]??????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????/?chocoloate mo/