Kasama ko sila Mark at Mikhail noong isang araw. Hindi ko madalas makita ang dalawang kaibigan kong yun dahil madalas silang busy at pareho silang Bibbo kids. Si Mark ay pulitiko sa eskwelahan namin at bida sa iba't ibang activities tulad ng paggawa ng bahay,pagsave kay mother earth, pambababae, pagpapacute sa mga 1st year at ilan pang importanteng mga bagay. Si Mikhail naman ay abala sa VCF, sa munisipyo bilang legislative assistant at sa mga negosyo niya na unan, pampatulog, pharmacy, graphic design, dvd, pasaload, cook, yaya, lava. Ako naman ay madalas ding abala sa, ah. Pagaaral? Edit ko na lang mamaya. Marami silang opinyon sa politics, current events, gadgets, at media at marami naman akong alam sa.. ahh. Edit ko na lang din mamaya. Minsan ay intelektwal ang pinaguusapan namin kaya madalas ay nagkukunwari na lang akong nakakasunod kahit minsan ay wala akong alam o pakialam sa tatakbong presidente sa 2010 o sa pamamalakad ng mga opisyal sa Tuguegarao. Hindi ko alam kung paano nila natatagalan ang kababawan ko. Wala kaming pinagkakasunduang mga bagay pero masaya kami laging magkakasama.
Hindi ko na maalala kung paano napunta sa relihiyon ang usapan namin. Nabanggit ko tuloy ang isa sa mga lihim na pangarap ko na hindi ko pa natutupad. Bago ko sabihin yun ay iisa-isahin ko muna ang mga natupad ko na.
Una ay ang magpamigay ng leaflets sa mall. Nagawa ko na 'to dati sa RP sa Ermita. Kinuha ko lahat ng leaflets ng Burger King sa Dapitan (na bookstore na ngayon. Mas kailangan ng burgers ng mga estudyante kaysa sa libro mga sira!) saka ko binaon sa RP. Naalala ko pa ang excitement ko noon. Mabilis kong naubos ang mga leaflets kahit pa may ilang tumangging tanggapin ang pinamimigay ko. Kung sa palagay niyong hindi pa kayo nakakasubok ng rejection ay subukan ninyong magpamigay ng leaflets.
Pangalawang pangarap ko naman dati ay ang maging elevator operator. Natupad ko na rin 'to ng minsang mag-host kami ng seminar sa CFAD building ng uste. Dahil late nanaman ako ay nasa itaas na ang mga kaklase ko para sa seminar ng makarating ako sa lugar. Pagpasok ko ng elevator ay saktong walang nakaupo sa upuan ng operator. Hindi ko alam kung may elevator operator talaga sila o hulog talaga ng langit ang upuan dun. Saktong hindi ako naka-uniform ng araw na yun kaya siguradong hindi ako mapapagkamalang estudyante. Naka necktie kasi ako para sa seminar, medyo overdressed para maging elevator operator pero pwede na rin. Nakailang akya't baba pa lang ay nagsawa na ako. Sa maikling panahong 'yon ay nakaramdam ako ang weird sense of control ko sa mga nakasakay at nakarinig ng ilang putol ng kuwento ng mga estudyante tungkol sa mga propesor at kaklase nila. Parang malungkot ang trabahong yun. Andun ka lang maghapon, manik-manaog. Ang tyansa mo lang na makapagusap ay pag sinabi ng pasahero ang palapag na destinasyon nila. Hindi pa nga yun matatawag na conversation dahil wala naman talagang masyadong pwedeng isagot sa mga salitang "3rd floor." Pano mo naman bibigyan ng variety ang sagot mo? Hindi ka naman waiter para sabihing "excellent choice sir" o kaya jeepney driver para sabihing "third floor? seven fifty boss pag estudyante." Hindi ka din lrt2 para aliwin ang sarili mo sa pagsabi ng "We are now reaching the third floor, paparating na sa ikatlong palapag. Next floor, 4th floor. Susunod, ika-apat na palapag."
At ang panghuli nga ay ang nabanggit ko sa kalagatnian ng pagkain namin ng pizza nila Mak at Mik noong isang araw. Ang pagtatag ng sarili kong relihiyon! Kumikitang kabuhayan talaga yon. Isang kasal isang araw, solb na. Malabo pa ang plano pero ang pangalan ng samahan na itatatag ko ay ang Abadista. Minungkahi naman ni Mik na kanta para sa aking samahan ay "Abad namin" Iniisip ko din kung puwede ang "Abad ginoong Mari....mar, aw!" Alam kong ngayon pa lang ay gusto niyo nang makisapi pero hindi pa plantsado ang plano. Sasangguni muna ako sa katolikong eskwelahan ko kung pwede akong magtatag ng sarili kong samahan. Sa ngayon ay diyan muna kayo sa sariling ninyong relihiyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
24 comments:
Buti hindi you had abad ei, ang kanta ng samahan. hahaha... Maganda siguro kung samahan palang na parang el shaddai ang itatag niyo para alongside muna sa relhiyong Katoliko para makapagipon ng supporters. Tas tska niyo na baguhin ang dogma.
balak ko din magtatag ng sarili kong reliiyon ang Ferbertismo kaso lahat ng inalok kong sumali, umayaw, kulang ako sa karisma...
anak ka ng--di ko kinaya ung 'abad ginoong mari..mar,aw!'
hahaha.
rinig ko pag abadista,karne lang pedeng kainin? =D
bentang-benta ko jan.pasali!
sali ako sa abadista......
pangalan pa lang halatang halata na sa kakulangan at kasalatan! h aha ha!
Ang relihiyon bang ito eh naglalayong turuan na magtimpla ng tamang lasa ang mga tao ng powdered juice at taktakan ng sangkaterbang cyanide at betsin ang juice at sabay-sabay na iinumin? Kung ganun nga eh di kasama na ako dyan!
Akala ko namang kanta eh yung katono ng kay Michael Jackson na "You know Abad, Abad, you know it!!!". Tigidigtigtiss...
Masaya ding maging taga-abot ng bayad. Araw-araw ganun ang trabaho ko. Minsan lang ako magkaroon ng karilyebo. Yung mga may mabubuting puso lang siguro ang papalit sa ginagawa ko.
gagu ka bad
natawa ako
hahahah
pero nasubukan ko na
yang 3 nayan
:)
Nasubukan ko naring maging elevator operator sa uste, pero sa Central Library at sa AB Building.
And believe it or not, nakapagtayo narin ako ng sarili kong relihiyon.. Pero kagaya ng mga atheist, hindi kumikita yung relihiyon ko--non-prophet kasi.. ^_^
Oo nga pala, I'm inviting you and all your readers to join Blogifreshify! the Electric Itlog Blog Refresh Contest. Isang pasasalamat sa mga bumibisita. More details on my Blog: http://et-log.blogspot.com/.. ^_^
basta pag planchado na ang plano, go ako jan ha! hehe.. :)
Pag okay na yang relihiyon mo, kontakin moko, apply ako preacher. hehehe.
Buti ka pa, natupad na halos lahat ng pangarap mo. Ako, pangarap ko sumali sa wowowee, pero di ko kaya ang pumila.
Btw, isa rin sa mga pangarap ko ang magtayo ng relihiyon. Pero dahil ramdam kong mas marami ang aanib sa yo, sasali na lang din ako sa pagiging Abadista. Pero dapat appoint mo ko as senior minister at 50-50 tayo sa kita. Deal?
tanginang pangarap talaga yan. benta all the time. didnt you want to become an LRT operator also? hoyyyy penge ng chocolates mo ha.. hahahahahahah wala ng mapapadala sayo si yenyen, ok lng????
lam mo inisip ko na rin yan dati. magandang pagkakitaan yan, tingnan na lang natin lahat ng nagtatag ng relihyon dito mayaman na.
kung tuloy yan sosyo ako ha? kahit treasurer na lang. hehe
syanga pala. anong sunod na linya dun sa "abad ginoong mari"?
napupuno ka ng garci? LOL
ano ba benefits pag sumanib ako sa relihiyong yan? hahah
ayoko ang nagbibigay ng leaflets pero mas ayaw ko ang isang relihiyon na may bitbit na love offering.
i-update mo kami kung planado na lahat bout sa kulto mong itatag at iparehistro kita sa SEC.
ang balak ko naman ay gibain lahat ng mga itatayong relihiyon, at yung iba pang nagbabalak na magtatag in the future. masyado na kasing madami. wala namang business permits. tsk.tsk.
i'll be the destroyer. watch out for me. harharhar. n_n
pag naitatag mo na relihiyon mo pa-convert ha? Oist, di ko alam basta sa victoria hotel daw ako magsstay eh...ano ba maganda jan sa tugue? balita ko mainit jan?
alam mo, talagang maraming yumayaman for putting up their own church. yung pastor namin dati, i remember nung grade 4 ako, parati yun suot niya bellbottom na white pants at barong na parang niharbat sa kabaong.
tapos after twenty years ha, meron na shang harley at bahay na ten rooms sa laguna. oh di ba bongga? paano kaya nangyari yun? anyway, we stopped going to his church on my 6th grade, kase sabi ng nanay ko, mukha daw pera si pastor. hahahha!
sali ako diyan sa religion mo ha. shempre ako ang Diosa. bwahahha!!!
today is my 3rd month in blogging. ill be happy to see you there
sori OT :D
ang taas naman ng mga pagarap mo lols
natry ko na rin yang mamigay ng leaflets nung eleksyon pero yung elebeytor operator hindi pa...di pwede rito sa building namin kasi mahigpit andami camera.
gusto ko rin magtayo ng relihiyon eh pero saka na yun..uunahin ko muna yung bugawan business ko.
Ur so cool. LOLs.
baka kelangan mo ng branch d2 sa UK, pwede rin..
This post made me laugh again.
Hope it's ok if I link u up.
Ako rin gusto kong maging elevator operator. Hehe.
Nung pinagawa nga kami ng short story sa Retorika, 'yun ang ginamit kong character. Hehe!
Igno, Hindi ko na nga maalala kung ano ang dogma. Narinig ko na yata yan sa Theology.
Ferbert, Kaayaya-aya naman kasi masyado ang pangalan ng samahan mo.
Bebegel, hayup pinanindigan mo na talaga ang bebegel. Krass ka ng mga prends ko, sabi ko lalaki ka. Walang naniniwala. Congrats! Epektib na talaga ang upera. Ayos yung karne idea mo.
Kingdaddyrich, hongano.
Sancho Delubyo, Huwag ganun, paano ako kikita kung magpapakamatay na kaming lahat? Hindi iko alam yang kantang yan tol. Michael Jackson Fan ka pala a.
Xienahgirl, Tatlo?? Nakapagtatag ka na ng relihiyon?
Electric Itlog, sayang talaga hindi ko naabutan yan. Ang ganda pa naman ng prize.
Linglingbells, welcome na welcome ka!
Ice, ayos! Saan ba yang pintuan nyo.
Aryo, 50-50? malabo. 90-10 na lang. 90 sakin. Malay mo isang araw magtawag ang wowowee ng mga bloggers para maglaro, matutupad na rin ang pangarap mo.
Grace, Hindi ako yun si chi yata. Wala kang chocolates!
Monaco, Hindi pa man, may kasosyo na ako. tsk.
lilmiz, diretso ka sa langit!
Redlan, sige ikaw na ang bahala sa mga papeles.
Holy Kamote, Hayup Ka. Bagay. Bakit mo naman gigibain.
Jesus, sige join ka lang.
The diety, iidolohin ko yang pastor niyo. Yayaman din ako.
Kris Jasper, Salamat! Sige, ni-link din kita.
Poli, Subukan mo, hintayin mong magbreak yung operator sa lib.
Hello how was there.. I find some interesting topic in this site about txtmates, but ive found someone in txtmate.com. She is beautiful and were getting married.
Post a Comment