May 16, 2008

Lab Letter

Hindi nagtagal, ang mga musikang pinapakinggan mo ay pinapakinggan ko na rin. Ang mga awiting kinakanta mo ay inaawit ko na rin. Ang mga pinapanuod mo ay pinapanood ko na rin. Ang mga paborito mo ay naging paborito ko rin. Ang mga tawanan natin. At ang ngiti mo, mga salita ng labi na walang tunog ngunit nagpapahiwatig na sa kabila ng lahat ay masaya ka, ay napapangiti ako. Sapagkat wala nang mas papantay pa sa pakiramdam na napapasaya mo ang taong mahal mo.

At kung iniisip mong sa akin ang mga nabasa mo ay nagkakamali ka! Hindi pa ako ganyan kakorni. haha. Pinapapost yan ni KDR at malamang ay para yan sa isang babaeng itago na lang natin sa pangalang Layla na ayaw magpatawag ng Layla. Para kay Layla, sabi nga ni Igno, SAGUTIN NA YAN!

Dito mababas ang kabuuan ng post ni KDR.

At sa May 24, 2008 na raw pala ang book signing ng VPE books sa parehong lugar at parehong oras.

Hindi ko alam kung kailan ko itutuloy ang Tips for incoming college freshmen kasi sinusumpong ako ng matinding katamaran.

18 comments:

Dakilang Tambay said...

wow. si kdr umaariba. hehe :)

sagutin na yan ...

Nanaybelen said...

at least nakilala na nya

Anonymous said...

nagkalat na ang labletter ni king daddy rich. haha. sana naman sagutin na sya niya. :p

Anonymous said...

akala ko ikaw ang in love! haha. si kdr talaga nagkakalat ng lagim sa blogosphere.

Kevin said...

Yeah, sana nga masagot na siya :)

Anyways, about doon sa mga reply mo sa blog ko...

I'm glad that made you smile. At ewan, basta from Grade 3 - 5 siguro yung mga years na iyon. Pasaway na childhood. Hehe.

At oo nga eh, hindi lang May 21. Sa May 20 papasok na dahil may orientation. Sa La Salle - Canlubang ako, at yeah, trisem doon. Sayang naman hnd mo mapopost yung first day entry mo, pero salamat sa tip tungkol sa seatmate! Tatandaan ko iyon Haha.

Si Me said...

100% kdr is in-love...

now i missed the feeling, to be "in-love", though im not on that place right now, but the letter made me think im on that place.. he he he

keep loving kdr.

arnie said...

haha! si king ni-disable pa ang comment sa kanya.

kronikels pa ba ito ng morning bolero, o totohanan na?
mejo naka-relate ako sa love letter mo bro...di ko lang maggawang magpost ng ganito.
Good luck sa love career mo!

(may narinig akong canlubang kay kevin at cabuyao kay king...mga kapitbahay ko ba kayo? sa calamba lang ako.)

Anonymous said...

kala ko pa naman ikaw ang in love! he he.

Anonymous said...

Shet ang cheesy ni cheesmack ahaha. Si Layla talaga oo, close na kung close talaga eh no.

Hala sige, ipalaganap na yan.

Anonymous said...

sinosometimes ka rin abad... me too... bummer. hahaha

Oman said...

inlab nga si kdr. at talaga naman inannounce pa sa lahat. sana magtagumpay sya, kundi... nakow...

Poli said...

Naks, isa kang dakilang tulay. Hehe.

Anonymous said...

TIMBA NGA AT PAKISAHOD ang uhog.

Pota KDR is.. is inlababo. At talagang makabagdamdamin at hindi maaruk-arok ang mga pinagsususulat nya ah!

Lol.

graceless said...

ang sweet naman.. akala ko ikaw na gumawa abad eh. haha.

Anonymous said...

sweet ang ginawa nya. lol. =D sana sagutin na si kdr.

Anonymous said...

maraming salamat sa link.pagbisita ko ulet sa tuguegarao libot mo ko ha.hehe.

in-add na kita!

Anonymous said...

akala ko para kay chito yang lab letter na yan. uyyy issue! hehehehe joke lang! fish tayu! =D

Anonymous said...

seryoso. ang lambing naman ni kdr. sagutin na yan! pagbigyan na!