May 10, 2008

Imbitasyon sa booksigning ng vpe books


Imbitahan ko po sana kayo sa May 17, Saturday (opo, 2008) 3-6 pm para sa book signing ng vpe books. Syempre, kasama doon ang book ko na peksman (mamatay ka man) nagsisinungaling ako (at iba pang kwentong kasinungalingan na di pa dapat paniwalaan). Sa cubao expo. Sana makapunta kayo. Masaya po doon. Peksman

-Eros Atalia

Para makatanggap ng mga kaparehong mensahe at makita ang magandang girlfriend ni Eros Atalia ay i-add siya sa friendster gamit ang link na nasa itaas.

Ang Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako (at iba pang Kuwentong Kasinungalingan na di pa dapat paniwalaan) ay mabibili sa lahat ng pangunahing bookstores nationwide.

Ang orihinal na larawang ginamit ko sa taas ay kinuha ko ng walang pahintulot kay "Kring" sa
blog entry niyang ito. Magpapaalam sana ako kaya lang nakakatamad.


15 comments:

Anonymous said...

hahaha
ayos

libreng plugging
si atalia sa iyo
:)

kapag nagkaroon ba ako
ng libro
ipo promote mo rin ako?
bwahahaha

atto aryo said...

dahil alam kong sinungaling ka (mamatay ka man!), di ko tuloy alam kung totoo itong libro. hehehe

Anonymous said...

happy mother's day to your mom!!! god bless you!

Kris Canimo said...

uhm tungkol san ba mga libro nia?

Anonymous said...

weeheeee!!!

parang bob ong din ba sya???

baka matagal n nmn dumating yan sa bookstore dito sa baguio!

amf!!!

Jared Richard Uy said...

meron na nito dito sa cebu! woohoo!

Anonymous said...

maiba ako, lam mo ba na PR 4 and page rank ng blog mo? totoo nga yata ang nabasa ko na mas mataas magbigay ng ranking si Gagol sa mga foreign language blogs.

Oman said...

kakatuwa cover. joke book ba ito o compilation ng mga trivial things? sensya na di ko kilala author eh.

Anonymous said...

tama ka pre..maganda nga yung girlfriend nya.

mukhang magaling talaga sya magsulat.

Anonymous said...

totoo pala ang libro?

Abad said...

totoo ang libro, wala talaga akong kredibilidad.

madalas siyang kinukumpara kay bob ong. pero kung ako ang tatanungin mas magaling siya. kaya lang parang mas madaling imarket yung libro ni bob ong kasi kahit anong edad maa-appreciate yung gawa niya.

Dakilang Tambay said...

wow.

nakita ko toh kahapon sa bookstore.

bibili sana ako kaso wala ako pera.

next time na lang :)

Poli said...

Naging prof mo rin ba siya sa USTe? Oo maganda talaga gf nun kumag na 'yun.

graceless said...

grabe. asensado si sir atalia. haha.

Anonymous said...

http://markonzo.edu coverings bagged http://www.hugthecloud.com/profiles/blogs/aldactone-for-acne