Oct 8, 2007

Sari-saring kabadtripan at kahayupan

Yehey! Nanalo si Pacquiao! Mawawala na ang lahat ng problema natin, aahon na tayong lahat sa hirap at hindi na ako maghahanap ng barya sa bulsa ng maduduming pantalon ko pag paubos na ang allowance ko. Makikipagsabayan na tayo sa mga mayayamang bansa at kukuha na tayo ng maid galing sa Thailand o kung san pa man. Hindi na rin kailangan mangurakot ng mga pulitiko, dahil..aahh.. nanalo si Pacquiao. Okay. Mali naman na hindi ako magpasalamat kay Pacquiao dahil kahit sandali lang, napapagisa niya tayong mga Pinoy bawat laban niya. Pero pag narinig nyo ang kuwento ko, baka mabadtrip din kayo.

Alam lahat ng Pinoy na noong nakaraang linggo ang laban ni Pacquiao. Lumuwas ng Manila yung nanay ko at mga kapatid ko para bisitahin ang Tita kong naoperahan. Kasama din nila yung dalawang Tita ko, kapatid ng lola ko, pinsan ko saka yung Stepdad ko. Kami lang ng Lolo't Lola ko ang naiwan saka yung dalawang aso na galit sa akin kahit pinakain ko naman sila ng de lata nung pasko, yung pusa namin na nakakatakot kasi nangangagat at syempre yung dalawang ibon na "pangit" lang ang alam sabihin. May pagong din kami kaya lang matagal ng walang nakakakita. Dahil nga kami ang naiwan kailangan kong magbukas ng tindahan ng nanay ko sa palengke. At dahil nga madalang akong magisip, iniwan ko yung tindahan nung laban na ni Pacquiao at lumipat sa tindahan ng lolo ko kung saan may tv. Nandoon ang kalahati ng populasyon ng buong palengke ng mga oras na yun. Nahulaan mo na ba kung ano ang nagyari? Kung hindi pa ay baka kasing dalang din kita magisip.

Nabawasan yung pera sa kaha pagbalik ko. Napakabait nung kumuha kasi hindi niya kinuha lahat, kinuha lang siguro niya yung kailangan niya. Di ba, ang considerate nyang magnanakaw? Akala siguro ng kumuha hindi ko mapapansin. Kahit naman hindi ako masyado nagiisip, alam ko pag pera-pera na ang usapan. Haha. At doon sa pagkakataon na yun ko napagdesisyunan na kay Pacquiao ko isisisi ang lahat. Kung hindi siya naglaro, mananakawan ba kami? Kasalanan ito ni Pacquiao. Boo. At wag kang magcocomment na kung hindi ko iniwan yung tinadahan ay hindi kami mananakawan. Ano ka nanay ko?

--------------------------------------

Barrera, man, anong problema mo? Kung hindi mo dinumihan ang laban mo kay Pacquiao baka naging commercial model ka pa ng sports drink o kaya beer dito sa Pilipinas. O kaya, food supplement para sa mga umeedad na tao. Para i-quote ang TV show na umuubos ng oras ko ngayon, "BURN!"

6 comments:

graceless said...

wala akong masabi. kasalanan talaga ni pacquiao. malaki yung nawala?

Anonymous said...

hayup na kaha un--di nag-alarm.
di mo ba nai-on ung fingerprint-sensitive button na in-install ko nung araw? =D

Abad said...

grace- di naman sobrang laki. at oo, kasalanan ni Pacquiao. haha

Chito- lowbat yung alarm. WTF?

Anonymous said...

Kasalanan ng Nanay mo.

Napaka-importante ng araw na iyun! Hindi ba nila maintindihan na kailangan mong suportahan ang nambuklod ng buong bansa?

Sa dumukot? Kutkutin na lang niya kamo ang kulangot niya dahil mas marami siyang makakalkal na kulangot kaysa kayo'y uling nakawan!

Anonymous said...

ksalanan nga nung magnanakaw n nkipagboxing ; aun tuloy kinuhanan kau ng pera sa kaha ni pacquiao... ayyyy. ang labo koh,soriii... cge gn2 n lng pagalitan mo dn nanay mo hehehehe labo labo na toh

Anonymous said...

low batt ba?
anak ng..sabing wag kakalimutang icharge everytime marimar is on tv.HAHAHA.