Unahin na natin ang mga bagay na natutunan ko sa taong 2007. Una diyan ay ang mga mahahalagang leksiyon sa buhay tulad ng kailangang doble ang ibayad ko sa tricycle pag hapon kung gusto kong makauwi kaagad. Higit pa roon, natutunan ko ring kahit saan man ako mapadpad ay kakayanin kong harapin ang mga pagsubok sa araw araw sa tulong ng Diyos, pamilya, mga kaibigan, tamang kabobohan at isang kahong pancit canton. Nalaman ko rin na sa lahat ng pagkakataon ay pagkakalooban ka ng Diyos ng mga kaibigan sa panahon ng pangangailangan. Sa ganoon ding paraan natutunan ko na may mga bagay na ako lang ang maaaring gumawa at hindi pwedeng iasa sa iba. Hindi naman lahat ng nadiskubre ko ay maganda. May nagsabi sa akin na hindi raw totoo si Santa Claus. Muntik na talaga akong maniwala. Napansin ko ring paikli ng paikli ang pasensiya ko at hindi ko pa rin makayang seryosohin ang mahahalagang mga bagay sa lahat ng pagkakataon.
Isa pang usong-uso tuwing bagong taon ay ang mga prediksiyon at mga gawaing pinaniniwalaang maghahatid ng swerte sa atin. Araw araw na lang ay pinuputakte ang tv ng mga manghuhula at mga experts sa kung anu-anong pampaswerte para tayo ay pagkakitaan. Hindi naman siguro masamang pakinggan ang mga ito pero nababadtrip talaga ako. Lalo na sa mga manghuhulang nagmamagaling na tumama daw ang prediksyon nila noong isang taon. Kaya ko rin namang manghula. Para ano pa't patay na patay ako kay madam Auring. Ang hirap naman sikmurain ng sinabi kong yun. Hindi ko kailangan ng crystal ball o kahit crystal meth para manghula.
Sa showbiz:
- Isang young actress ang mabubuntis ng isang mayamang pulitiko.
- Sikat na couple maghihiwalay dahil makakabuntis ng isang young actress ang asawang pulitiko.
- Isang news anchor, lilipat sa kabilang istasyon.
- Dating matinee idol aamin sa totoong kasarian.
- Isang Pinoy Indie film, aani ng parangal mula sa iba'tibang bansa.
Ekonomiya:
- Presyo ng dolyar, patuloy na bababa.
- SM magbubukas uli ng mga malls. Henry Sy, hindi titigil hangang hindi nalalamangan ng SM ang dami ng mga municipal halls sa Pilipinas.
- OFW patuloy na madadagdagan.
Walang magbabago. Next!
Edukasyon:
- 30 % ng pangunahing mga unibersidad ang magtataas ng tuition fee.
- UP, magrarally.
- Budget para sa mga pampublikong paaralan babawasan.
- UP, magrarally.
- Manny Pacquiao, patuloy na yayaman.
- NU bulldogs, mananalo laban sa UST growling tigers.
- PBA superstar magpapakasal sa sexy star na girlfriend.
- Dalawang magkaibigang bloggers magkakatuluyan, relasyon ililihim.
- Isang sikat na blogger, kakalat ang sex video sa youtube.
- Isang bagong anonymous blogger ang sisikat.
- Hiatus, lalaganap.
Meron din akong mga tips para sa bagong taon.
- Swerte sa bagong taon ang bilog. Pag naubos ang bilog at wala pa kayong tama ay magpabili na lang ng 4x4. Wag sosobrahan ang paginom ng bilog o 4x4 dahil kung hindi ka mabugbog sa daan ay misis o nanay mo namag ang gugulpi sa'yo.
- Hindi totoong kailangan buksan ang pintuan pagdating ng alas-dose ng hating gabi ng bagong taon para sa maayos na daloy ng swerte. Pulbura at usok lang ang papasok sa bahay ninyo pag ganun.
- Wag maniwala sa sabi-sabing nakakatulong sa pagtangkad ang pagtalon sa hating gabi ng bagong taon. Hindi ko naman ginagawa yun tumangkad pa din ako.
- Sa pagibig, tignan kung compatible ang mga signs mo at ng iyong kapareha. Kung ikaw ay lalaking Capricorn, magingat sa mga Whore.
- Swerte ang kulay orange kung makakasalubong ka ng sasakyang walang ilaw sa gabi. Iwas disgrasya. Iwasan ang kulay itim.
- Hindi rin swerte ang pagaalaga ng daga kahit na year of the rat pa ang 2008.
- Ang mga mamahaling crystals na pampaswerte ay malaking kalokohan. Maari itong maging simula ng sakuna lalo na kung suot mo ito sa Quiapo ng nagdidilim.
- Swerte ang mga numerong 6 at 9 sa mga magsyota.
- Ilan sa mga pinanganak noong 1987 amg gagraduate sa kolehiyo. Walang pakisama ang mga walangya.
Kung hindi man ako makagraduate ay magpapakuha na lang ako ng isang lamesa sa tapat ng Quiapo church. Singkwenta bawat hula.
Isang masayang bagong taon sa lahat! Para sa isa pang taon ng pakikipagkuwentuhan sa harap computer screens, tagay!
24 comments:
Happy new year ABAD! Lupet mo talaga! nice post.
ahaha naiimagine ko na yung boses mo ay tulad dun sa bubble gang na manghuhula (nakalimutan ko pangalan, basta si michael v. nagdala heheh).. galing mo talaga magsulat at magpatawa, as in! :) .. happy new year! (ulit) hehe :D
Sa blogosphere:
*Dalawang magkaibigang bloggers magkakatuluyan, relasyon ililihim.
X=nangyari na ito.
hahaha
kung alam mo lang
:)
*Isang sikat na blogger, kakalat ang sex video sa youtube.
X=weow.
sino kaya ito?
sana ikaw ito
hahaha
*Isang bagong anonymous blogger ang sisikat.
X=maraming anonymous blogger
ang sikat na.
ikaw siguro ito
hahaha
*Hiatus, lalaganap.
X=agree ako dito
:)
Ayos ito Abad, mahusay na panghuhula! Pati yung mga tips mo eh talaga namang praktikal at walang bahid ng pamahiin.
Ewan ko na lang ba kung di pa maging swerte ang kulay orange sa gabi kung bulag ang mga sasakyan! Hehe.
Nakakatakot yung paglaganap ng hiatus, sana hindi ako tamaan nun. Dun na lang sana ako sa pagsikat ng anonymous na blogger.
Happy new year SHOPI!
lilmiz, madam rosa yata. Kaboses ko talaga yun sa personal. haha. salamat.
Xienah, kung nangyari nga yan at inilihim nga nila, paano mo nalaman? inbolb ka siguro. uy. pag sex video ko ang pinost sa youtube lalangawin lang yun. Nakakaumay. baka kahit ikaw di mo panoorin. haha.
Mariano, makiuso ka na rin. hiatus! wahaha.
"Isang sikat na blogger, kakalat ang sex video sa youtube."
Hindi ako to. Promise. Hindi talaga ako 'to! Ende ko pa alam kung paano magdownload ng video sa youtube. Wahahhahahahha!!!
Happy happy new year dude! Saya ng bagong taon natin! Isang tagay ng white wine para saiyo!
wehehe...hmmm..saan kaya ako dun sa mga bloggers na hinulaan mo?
wahahaa! Oist diyan ka na sa Tuguegarao gumawa ng fortune telling shop mo...sa Quiapo marami ka nang kumpetensya...invite mo na rin si Madam Auring dyan kasi naghihirap na siya ngayon eh...
salamat sa pagsilip sa page ko ha. tinamaan ako sa post mo >>> "hiatus, lalaganap" ....haha, sapol!
minsan mas ok din ang makikiuso eh, kasi mapipilitan kna ulit bumalik sa pagba-blog (nde po ako yun) ehehe
happy new year!!! ;-)
hindi ako sikat pero feeling ko ako yung magkakaroon ng sex video na kakalat... tsk tsk tsk..
"Dalawang magkaibigang bloggers magkakatuluyan, relasyon ililihim."
kilala ko kung sino yahn! wahaha.
Happy New Year Kuya!
bakit ganun? wala pala ako sa uso at hindi ako gumawa ng post about sa nagdaang 2007 haha
anyway, isang manigong bagong taon sa iyo!
happy new year!! :D
Welcome back again. Maswerte ang taong 2008 dahil masipag kang magblog . sana ipagpatuloy mo at marami ang naaaliw sa mga post mo.
Sa mga prediction mo baka mawalan si madam auring ng trabaho. Baka pati jowa niya main-love sau.
Happy new year enriquez, abad.
Happy New Year din abad!Salamat sa dalaw!:)
idol mo pala si madame auring (LOL)! do ko alam may humahanga din pala sa @#$#%#@# na yun! he he.
hapi new year!
p.s.
I've linked you up as well. salamat.
Haha pedeng pede ng kakumpitensya si madame auring sa robinsons ermita, malapit sa food court!
"Dalawang magkaibigang bloggers magkakatuluyan, relasyon ililihim."
sa tingin ko nga rin si xienah isa rito...ating abangan
Madnote, nakita ko din sya dun dalawang beses. nagulat pa ako. Haha. Kasama niya yung syota niyang kulot, nagbabantay ng mga anting anting yata yun na tinda niya.
Happy New Year din sa lahat. Abangan na lang natin sa you tube kung sino nga ang magpapakita ng laman. Saka kung may balita na kayo kung sino ang posibleng magkatuluyan, share niyo naman sa akin.
Stumbled upon your blog while viewing comments from the Laffapalooza blog.
ASTIG na blog! Very entertaining!
i'll link u up ha. ;-)
hope ok lng. tnx....
Happy New year. nakabalik ka na pala. hehehe. welkam bak
magaling kang manghula kaibigang abad. pwede kaya akong magpahula sayo.
eto na ang aking mga ina agam agam nitong huling araw ng taong dalwanglibot pito.
kailan kaya ako liligaya (note: ayoko na ng nagsasarili, kakasawa na at nakakapanlambot kahit na me onting ngiti pagkatapos). gusto ko na kasing magkaroon ng nirvana at makasama si buddha. gusto kaya ni buddha na makaharap ako kahit na amoy jabar ako.
next, may pag-asa pa kaya akong makita ang lab op my layp sa dubai kahit na ayokong sumakay sa eroplano at barko. takot kasi akong mag fly at mag swim? e mag mental telepathy kaya ako ano sa tingin mo?
at last but not the most, ako kaya ang susunod na host ng wowowee? gusto ko kasing palitan ang format neto. gusto ko sanang maging contestant si willie at paiyakin din muna sya o pagapangin sa anay o pakagat ang etits sa cobra bago makuha ang pera. wat ya tingk?
nagmamahal,
utoy
hehe... naaliw ako sa prediksyon sa pulitika. mukhang yun ang siguradong magkakatotoo :P
kaibigang u.t.o.y, napakahirap ng pinapahula mo. Grade1-b pa lang ako sa Madam Auring's psychic school. pero susubukan kong sagutin ang mga kwelang tanong mo.
una, kung alam ko ang sagot sa tanong na yan ay sana hindi na ako nagdodownload ng porn sa utorrent ngayon. Tip: wag ng makishare ng deodorant,nakakahiya kay pareng buddha.
pangalawa, siya ang bibisita dito kaya magkikita pa kayo. pagsapit ng kabilugan ng buwan sa ikalawang kwarter ng taong ito at hindi pa siya umuuwi ay kailangan mo ng maglakas na loob na dalawin siya dahil navivibes kong pupunta ang wowowee sa dubai at makikilala niya si papi. delikado pag nagkataon.
Kung hindi mo nagawa ang nabanggit ko sa itaas ay maaaring ibigay na sa'yo ni willie ang pagiging host ng wowowee kapalit ng lab op yor layp. Kung ako ang masusunod ay ikaw na ang gagawin kong host dahil gusto ko ang ideya mo.
singkwenta lang bawat hula ser, wan pipti lahat. dagdagan mo na ng bente may kasama ng anting anting, saka trenta oorasyonan ko na din. bale 200 lahat. Padeposit na lang sa HSBC. papadala ko na lang sa FedEx yung anting anting.
Sana ay nakatulong ang hula ko para sa magandang simula ng iyong 2008.
Post a Comment