Sinabi ko dito na ayaw kung makisawsaw sa politics dahil kahit anong galing mo sa pagurirat ay wala ka rin namang magagawa. Pero mukhang maiibang muli ang ihip ng hangin.
Mataas ang paggalang ko sa mga estudyanteng sumasali sa mga rally. Umattend na din ako ng rally dati, kaya lang patawa lang ang pro-life rally na yun dahil hindi naman namin alam na rally ang pupuntahan namin. Masaya lang kaming umattend dahil nakasakay kami sa bus na sinasakyan ng mga growling tigers na noon ay wala pang kabangis bangis sa paglalaro ng bola. Pang picture lang talaga ang pakinabang namin at pampadami ng tao. Nakita ko pa nga ang picture ko sa front page ng Varsitarian dahil doon. Madaming tao sa picture pero angat ako sa kanila. Literal.
Naniniwala akong, sampu sa sampung estudyante na dumadalo sa rally ay tunay na nagmamahal sa bayan. Alam ko din na malamang dalawa sa sampung estudyante sa rally ay umattend dahil ayaw nilang pumasok sa klase. Apat sa kanila ang umattend dahil masayang umattend ng rally. Masayang ikuwento sa magiging apo nila na minsan ay naging parte sila ng importanteng kaganapan sa kasaysayan ng bansa. Pito sa kanila ang nagpasyang magmartsa sa kalsada dahil sa mga imaheng araw araw nilang nakikita sa telebisyon. Marahil ay galit sila at ito ang alam nilang pinakamabilis na paraan tungo sa pagbabago. Ginagalang ko ang pagtutol nila sa kurapsyon. Alam kong bukod sa mga rason na nabanggit ko ay may mas mabigat na dahilan kung bakit pinaguukulan nila ng oras at pagod ang pagrarally. Tulad ko ay gusto nila ng pagbabago at katotohanan.
Noong 2004 ay lagi kong sinasabi ng pabiro na hindi mahalaga kung sino ang mananalong presidente dahil matatanggal din naman siya sa pamamagitan ng People Power. Heto nga’t baka magkatotoo na ang sinabi ko. Sinisiguro ko na hindi ako sasali sa mga nagmamartsa sa kalsada. Alam kong sasabihin ng iba na wala akong karapatang maghangad ng pagbabago dahil wala naman akong ginagawa. Gayunpaman, naniniwala ako na hindi ang pagpapatalsik sa pangulo ang daan patungo sa pagbabago. Kung totoo ito, bakit bumabalik tayo sa lugar na kinaroroonan natin pitong taon ang nakalilipas? Iba man ang pangalang nakalagay sa plaka at iba man ang pangalang sinisigaw sa kalsada ngayon ay sumasayaw pa rin tayo sa pamilyar na tugtugin. Siguro ay hindi tayo natuto. Maliwanag na hindi rin natuto mga nakaupo sa pwesto. Maliwanag na hindi sila natakot sa mga nakaraang pagpapatalsik sa dalawang presidente . Hindi na natin yun kasalanan. Mailipad man ng hangin ang mga Arroyo palabas ng palasyo ay hindi tayo makasisiguro na isasama nila ang palyadong sistemang nagsimula ng siklo ng pagpaskil at biglaang pagpalit ng mga nakakuwadrong larawan ng nakangising pinuno na makikita sa lahat ng presinto at ahensiya ng gobyerno.
38 comments:
Kung hndi mo inuubos ang oras kaboblog may nakakatulong k pa sana sa bayan. Ang lakas ng loob mong magsulat na parang may alam ka talaga sa naagaganap sa loob ng rally e wala ka namang kaideideya.
anonymous, nangaaway ka? cool, I've made it. hahaha.
Sabi ko, "gawagawa". tama ka, inuubos ko nga ang panahon sa blogging. Nakakaisang post ako sa isang linggo. Wala na talaga akong oras sa pagtulong sa bayan. tsk. Buti ka pa at nakakapagbasa pa ng blogs habang tumutulong sa bayan.
Kailangan lang nating tanggapin na ang opinyon parang ari yan, lahat meron.
i didn't vote last 2004. katwiran ko, carry na sino man manalo, eh corrupt din naman yan later on. see? nagdilang demonya ba ako?
honestly, nung college, wala akong kahilig hilig sa rally. sasakit lang paa ko, iitim pa ako.
actually, we Filipinos are being branded as pickle-minded from people abroad: we elect leaders and later on, when we get disappointed, we would have People Power to have the voted President ousted.
yes, it did work during the time of Marcos. but somehow, we should face the fact that People Power is becoming stale... in other words, ende na effective!
i don't think it's a good idea for students to join rallies. they should be inside the classroom, learning integrity, honesty and dedication -- the building blocks of a future good leader.
how could they learn that if they're outside, picketing in front of what, buildings in Ayala?
i should go to bed. you don't want me ranting here anymore.
sino yan si anonymous? lakas din ng loob nya noh.. ahehe wala lang, gusto ko lang sabihin lolz
wala pa akong nasalihang rally ever.. at hindi pa rin ako nakapagvote.. at wala na din akong pakialam kung sino man presidente ng bansa.. bakit ako ganito? masama ba to? hehe
para sa akin, hindi lang naman yung presidente ang problema, lahat sila.. wala bang rally ng "everyone resign!"? baka dyan sumali pa ako :D
ay.. ang taray ni anonymous! may galit sa mundo? page nya naman 'to eh.. care mo naman sa isusulat nya? lumalaki tuloy butas ng ilong ko..
abad, tama ka.. di na tayo natuto.. pilipinas kong mahal.. saan na tayo patungo pagkatapos nito? ='(
very well said dayo. ;)
minsan pag nakakabasa tayo ng mga opinyong kabaliktaran sa paniniwala natin, mali na agad ang magiging persepsyon nito sa tin, di ba, ANONYMOUS? hehe
kahit sinong santo pa siguro ang paupuin bilang presidente.. ganun pa din.
hala ka abad hehehe, Kulit mo din noh! :) Iba-ibang tao, iba'y ibang pananaw. Kei lang yan nyahahaha
natawa ako...
kasi naman buena mano sa comments dito eh nangaaway..
gusto ko sana siya i hadouken, tiger uppercut, berzerker barrage x at raygun!!
ang lakas niyang mag komento sa pag boblog heto siyang nakikibasa lang... hahaha.. mga tao nga naman..
anyway, ilang beses ko na ring binalak mag sulat ukol sa pulitika..pero napag isip isip ko, kung parehong kwento rin naman ang mababasa nila sa isusulat ko, wag na lang hindi ba? :))
at nabasa ko pala ang iyong bipolar post... mukhang kailangan kong mag pakonsulta sa espesiyalista!
unang una, sino ba yang duwag na anonymous na yan!? and lakas na loob na mag comment, ni hindi man lang magpakilala, kahit fake na pangalan takot pa!
eyniway, totoong palasak ang corruption sa ating bayan, totoong kailangan ng pagbabago. pero kung ang ipapalit natin ay ganun din, bakit pa? gugulo lang, sakit lang sa ulo.
dapat tayong mag rally para iparating sa mga kinauukulan na dapat silang mgabago dahil hindi na tayo papayag sa ganitong sistema, pero ang pagpapalit ng liderato ay hindi solusyon dito.
mahaba pa sana ang sasabihin ko pero hanggang dito na lang muna.
walang magaya si Mr.Anonymous na yan. Haha. Nakikibasa na nga lang, mangaaway pa. Loooooser. :P
Anyways, ayoko maging isa sa mga raleyista paglaki ko. Tsk. Ewan ko kung bakit, basta ako. Hihintayin ko na lang na ako yung maging presidente. lol. :)
kuya, kelan berdey mo? :D
Hala ka abab, anong ginawa mo? nyahahah. ayan pinagalitan ka tuloy.
ediba taga piyu ako
sa morayta lagi ang rally
di naman kami naaapektuhan
parang normal lang
balewala lang
pft naman
hindi ko maintindihan
kung bakit
kailangan dalhin
sa kalye ang kagitingan
ang totoong matapang
hindi puro sigaw
kundi lumalaban
si anonymous
ang isang halimbawa
ng tipikal na pinoy
hindi marunong rumespeto
sa opinyon at pagkakaiba
I hate pGMA... but i know she wont step down even though most of us want her to be out of the palace.
Hahahaha... Idol na kita anonymous! Pagpasensiyahan mo nalang si Abad... Hindi niya alam ang kanyang ginagawa eh.
Hahahaha...
Abad, congrats sa post!!! Sa wakas, made ka na talaga para sa pagsusulat.
Wahahaha..
isang bulok na cycle na lang ang nangyayari sa gobyerno natin.. hindi lang naman sa pagrarally napapakita ang pagmamahal mo sa bayan, meron pang ibang paraan at baka mas epektibo pang ibang paraang yun..
WEH SI ANONYMOUS. wahahahahahaha.
wala akong alam dito dahil ang alam ko lang eh nakakatuwa manood ng trial. yung iba magaling manggisa. yung iba sinungaling. yung iba gwapo katulad ni Chiz Escudero. :)))))
sa totoo lang ang gusto ko lang sabihin eh HAPPY BIRTHDAY BUKAS ABAD!!! i loooooveeee yeahhhh! :D
wag ka ng mag-alala,anonymous.naiintindihan ko kung bakit nagtatago ka sa pangalang kasing-kahulugan ng kaduwagan.
hulaan ko--superhero ka no?
kelangan mo ng secret identity.para patuloy kang makapag-bloghopping habang nagcocomment sa mga salot ng lipunan (mga bloggers) na tulad ni abad na nagdedemonstrate lang naman ng freedom of speech.
kaya saludo ako sayo,anonymous--mabuhay ka. =D
talaga?? nasa varsitarian ka dati?? hihi.. btw, what year ka nag aral sa uste??
never akog sasali sa rally.. magulo! hihi..
Ang galing talaga ni bebeh gel ni abad!!! hahahaha....
Mabuhay si anonymous!!!!!
Feeling ko eh iboboto niya si Pacman sa 2010 bilang presidente!!!!!
Balik ka ng balik anonymous para sipagin magupdate si abad.
Pareng Abad, ayos. Isa din ako sa mga walang pakialam na mamamayan ng Pilipinas na pinipili lang magblog kaysa sa makatulong sa kung ano mang plano ng mga tao.
Ang rally lang na sinalihan ko lang eh nung panahong ginago kame ng administrasyon ng iskwelahan namen. Ang samen lang, walang nangyare.
Ayoko ding tinatalakay ang pulitika, wala kasi akong alam. Pagagalitan lang din ako ni anonymous kung sakaling magsabi ako ng opinyon kong di niya ikatutuwa.
ano naman mangyayare sakin kung makikialam ako sa kalagayan ng mamayanan ng Pilipinas? hmmmmm hmmmm hmmmm
unang koment ng Kokeymonster.com
abad enriquez, jr. for president on 2010!!!!
hahaha...
sori badsky ngayn ko lng nabisita tong site mo. my nang-aaway pla sau tungkol sa post mo n to. haha. pampam. gusto nya dn sumikat. haha.
pag-inaway dn cguro kita dto, pag-uusapan nyo ko. hahahahahah!!!! gusto ko yon! pabida amputa! hehe.
belated happy birthday for the nth time abad! miss u very much! ituloy mo n plano mo! :p
-yen
kala ko nga din di ko kayang makialam sa pulitikang lintek na yan..wla akong interes kasi.ay,MALI.tinatamad na ako sa pagbalikbalik ng mga rallies slash himagsikan noong panahon ni Rizal at Bonifacio.Ang kaibahan nga lng ngayon, ito ay himagsikan laban sa bulok na sistema ng sariling bayan.Nakakahiya.Nakaririmarim.
wala akong sinalihang rally.Ang OA na mga ralling yan.Kahit ilang bayani pa ang magpakamatay para sa bansang ito.Mangyayari ang nakatakda.At kung anu man yon, di natin alam.
Tulad na di ko pagkaalam kung anong problema ni Anonymous na syang unang nagcomment sa post mo.Siguro sumali sya sa rally.Ang OA nya.
Sing OA ng comment ko na parang nagiging post na.Pasensya! lolz!
uy..padagdag:
sana binasa ko muna ang mga comments ng iba at nang naisali ko ang "PIBERTDEY" sayo.
Puta namang kasi si yang si Anonymous, natigilan ako.Gusto yata uminom ng tubig mula sa super haytek na batis a.k.a. KANAL.
pareng abad.. paki update naman yung link ko. Tsalamat.. :D
Uy sikat ka na. Me nang-away sa yo, tapos andaming nagreact. You have arrived! he he.
Nway, tama naman sila. Me kanya kanyang tayo paninindigan sa buhay. Maggalangan na lang. Pero, sa totoo lang, stand out ka talaga sa picture? :-)
oi, abad, nagtitika ka din?
si anonymous ata nangapitbahay sa akin at nibuset din ako. buti na lang ala kong topak these days.
hay...
sige, share mo yung pictures nung nagpapako ka sa krus ha.
pssstttt..galing bakasyon from holy week???? oo or hindi, you have no choice kelan mong tanggapin ang pasalubong ko sayo!!!!
to oh:
http://randomdemeanor.wordpress.com/2008/03/19/143/
aus tong si anonymous ah, nang-aaway.. tsk tsk..
wow! yun lang.
First of all, I dislike anonymous commenters especially if they feel like they have something pertinent to say, yet they can't assed to sign a name next to their post.
But then again, I remind myself that I am here to comment on Abad's entry and not on what the others said per se.
I disapprove of rallying in general. There are different ways to bring about change in the government/system. Right now, sacrificing the time for rallies is a loss in my pov compared if you invest it to more productive avenues, such as studying for one.
But that of course is a matter of preference.
On a more stable argument, I'd like to say that whenever we Filipinos rally to overthrow a regime we do not like, we are undermining the constitution, the institutions, that we expect expect to function.
And then people wonder why the system is not working?
Kailangan lang nating tanggapin na ang opinyon parang ari yan, lahat meron.
tang in* anglupet mo. idol!!! kung araw araw na lang may rally, ay naku. rally for all na to, dapt gawin na lang subject ito para masaya.
Kumusta naman 'yung unang comment? Guilty?
Tae, ayoko rin makisawsaw sa politika dahil wala akong hilig at pakialam.
Naaasar lang ako sa mga taong mahilig magmagaling akala mo naman may naitutulong talaga.
Ito na ang pinakamatagal kong pagbabasa ng isang 'post' dahil siya'y isinulat mo sa ating wika.
Gayunpaman (one word or three?), nais kong iparating sa iyo na malaki ang hinihingi sa atin ng ating bayan sa mga panahon na ito, nakakabulalog mang isipin.
Sa pagpapalit ng sistemang umiiral sa kasalukuyan, maari rin nating isiping palitang unti-unti ang ating sarili at ang ating pananaw. Makakatulong ito kung tayo'y matututo ng disiplina, matutong humindi sa mga masasamang patakaran, matutong tumutol sa karahasan.
Kung kailangan mag-martsa, kung kailangang mulatin ang karamihan, gawin natin ito. Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa na kaya nating baguhin ang systema. Mag-umpisa tayo sa maliit (tayo, pamilya, mga kapitbahay, ciuduad, probinsiya, bansa). Huwag nating i-alay sa mga masasamang tao ang ating kinabukasan.
Namiss ko ang blog mo, tsong!
Uhh, hindi pa ako nakakapag-rally sa buong buhay ko. Gusto ko ring maranasan kahit papaano, pero may tamang oras para dyan. :D
abad,
hindi mo ko kilala pero nakikibasa lang rin naman ng blog mo.. in fairness naman naaliw ako kahit papano.. hehehe..
para kay anonymous na my vioent reaction sa pagiging apathetic ni abad sa mga rally, wag kang mang-away.. alam mo ba na maliit na porsyento lang ng mga kabataan ang nakikijoin sa rally? parang inaway mo na rin kaming lahat na nakararami..
bakit ba galit kayong mga aktibista sa aming mga hindi nakikijoin sa inyo? konting respeto naman jan.. kasi kaming mga hindi kasali sa rally, nirerespeto din naman namin ang opinion nyo..
sau parekoy abad, saludo ako
god speed
Hello how was there.. I find some interesting topic in this site about txtmates, but ive found someone in txtmate.com. She is beautiful and were getting married.
hello,
I found and tried this free unlimited sms to all network website. You can send unlimited texts to all Philippine subscribers.
We can also meet new friends and txtmates through discussion and chat.
Visit this link http://www.txtmate.com
Post a Comment