Nakaka-anim na Theology na ako, at dahil iba ang course description ng mga nakuha ko na ay kailangan kong kumuha ng anim pa dito sa St. Paul. Sa dami nun ipaglalaban kong makagraduate ako ng dalawang kurso, entrep at pagpapari. Walang tao sa classroom pag pasok ko sa Theology class ko noong isang araw. Asa labas ang lahat ng kaklase ko kasama ang daan daan pang mga estudyante. May namatay daw na madre dahil sa sakit kaya wala kaming klase. Nagtitipon-tipon ang lahat sa harapan ng opisina na kinamatayan ng madre. Ilang minuto lang ay may dumating ng sasakyan na may dala ng kabaong.
Sa kagustuhan kong makiusisa ay lumapit din ako pero huminto na ng nakita ang mga kaklase at kaibigan ko sa mga upuan sa silong ng puno malapit sa opisina ng madre. Tawagin natin silang pare1, pare2, pare3 at pare4.
Pare1: Hoy walang klase.
Ako: Oo nga namatay daw yung madre, sinong madre ba yung namatay?
Pare1:Ewan ko, yung matanda.
Ako:Sino nga?
Pare1:Yung matanda.
Pare2:Dalawang araw lang daw yung lamay pag ganyan e.
Pare3:Sana dalawang araw tayong walang klase!
Pare2:Kahit bukas lang ng maga.
Pare4:Huwag may pasok kami ng hapon bukas, i-whole day na sana.
Ako:Kanina pa kayo dito?
Pare4:Oo.
Ako:Anong ginagawa natin dito?
Pare4:Nakatambay.
Pare3: Cool dito eh.
May dumating na babae naming kaklase, tawagin natin siyang gurr. (ganyan i-pronounce ng kapatid ko ang girl)
Gurr: Oh, bakit andaming tao?
Pare3: May namatay na madre.
Gurr:Eh? Hindi nga?? Bakit?
Pare3: Nasagasaan.
Pare4:Oo, yang Toyota na naka-park diyan ang nakasagasa.
Pare4:Hindi nasagasaan ng roller blades.
Gurr:Peste, namatay talaga yung madre.
Nagannounce na magkakaroon daw ng misa.
Takbuhan palabas ng school ang maraming tao, pati kami. Pray for us.