Jan 21, 2008

Master

Lumipat nanaman ako ng kwarto sa boarding house namin. Nabakante kasi yung malaking kwarto na may connection ng cable tv. Pangatlong lipat ko na 'to ng kuwarto. Nakakapagod. Wala man lang nagbalak na tumulong sa akin dahil sa walang kakuwenta kuwentang rason,

"Ang laki laki mo, kaya mo na yan."

Walangya, lagi na lang 'yang mga komentong yan ang naririnig ko. Sa kalye habang naglalakad ako ay laging may mga batang kung makatitig sa akin ay pakiramdam ko para akong karakter na lumabas sa telebisyon o sa computer game. Nang bata pa ang mga pinsan ko at bulol pa ay "master" ang tawag nila sa akin. Wow, bossing pigyur talaga ako. Yun pala ay hindi lang nila masabi ang monster. Halimaw naman oh! Kaya pala pag palapit ako ay nagsisigawan sila ng

"Master! Master! Jan na sha!"

Ibang klase talaga ang lahi ko, nauuna pang matutong mangutya ang mga bata bago matuwid ang dila.

Hindi lang pambata ang appeal ko, mabenta din ako sa mga grown-ups. Dahil siguro bihira ang 'sing laki ko dito sa probinsya ay talagang sagana ako sa atensiyon. Di ko na mabilang kung ilang beses ko ng narinig ang pagkagulat ng mga tao pag nakasalubong nila ako. Napapalingon ang lahat. Ngayon alam niyo na na may isa pang paraan para maging head-turner bukod sa pagkakaroon ng pang artistang dating. Magpataba kayo, tignan ko lang kung hindi madama ng sobra ang presence niyo. Literal. Kaya masaya ako sa timbang ko.

Madaming stereotypes sa mga matataba. Pag mataba daw maliit ang patotoy. Pag malaki naman daw ang sapatos ay malaki rin ang alaga. Kalokohan yan pareho! Mataba ako at malaki ang sapatos ko, size 12. Pero baka totoo yan pareho at nabalanse lang ng sukat ng sapatos ko ang sumpa na kakabit ng timbang ko. Ewan. Kung kailangan ninyo ng pruweba ay itext niyo lang ako at papadalhan ko kayo ng mms picture. Nang sapatos ko! Dumi ng utak nito. Isa pang laganap na stereotype ay ang matataba daw tamad. May isang pagkakataon na hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pahayag ng nanay ng ex ko.

"Yan ba ang boypren mo? Mataba. Tamad yan anak. Tamad yan."

Tama naman siya kaya wala akong angal ng ikuwento yan sa akin. Ayos sa first impression 'no? Pero natutunan rin naman niya yata akong magustuhan dahil tinawag niya akong anak minsan. Noong nagbreak na kami ng anak niya. Yun lang pala ang hinihintay niya para magustuhan ako.

Isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit nabibigla ang mga tao pag nakita nila akong umiyak. Minsan pagkatapos kong ibalita sa nanay ko sa pamamagitan ng telepono na umani ako madaming singko at kailangan ko ng maghanap pa ng bagong eskwelahan ay di ko mapigilang maiyak dahil sa sinabi niya. Sinabi niya na ayos lang daw yun at kailangan ko lang hanapin ang gusto ko. Wala daw mangyayari kung sisisihin niya ako. Pagbutihin ko na lang daw talaga sa susunod at pinaalahanan ako na hindi lahat ay may pangalawang pagkakataon. Hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang pagkamaintindihin ng nanay ko. Lumabas ako sa kwarto na halatang kaiiyak at sinalubong ng tawa ng pinsan ko. "Umiyak ka ba? Hahahahahahaha. Ang laki laki mo hindi bagay sa'yo." Kanino ba bagay ang pagiyak? Sa mga payat? Pati ba naman ang pagiyak naimpluwensiyahan na rin ng fashion? Ga-master naman na kabadtripan yan oh!

P.S.
Ang tumawag sa aking ng Master sa comment niya ay kakainin ko ng buhay gamit ang malaki kong kamay, matatalim na ipin at bungangang kulay green at naglalaway habang nakititig ang aking nanlilisik at malalaking mata na may nagpuputukang ugat. Sige! Maglakas loob ka.

39 comments:

The Wandering Deity said...

ang boypren ko eh 5'11 at 200 lbs. pero labs ko sha kase kahit kalahati lang ako ng timbang at height niya at saka sobrang lovable naman sha.

be proud of yourself. meron bang payat na HUGGABLE? sus! ala noh!

sige lang! kain lang you! o gusto mo ng Korean barbecue? punta you dito.

Anonymous said...

naku! agree ako diyan!!! huggable naman ang mga chubby na katulad natin.. :)

Anonymous said...

ako hindi naniniwalang tamad ka....hindi mo lang siguro alam kung saan mo ibubuhos ang iyong kasipagan......

Abad said...

The diety - Yes naman. Salamat. May korean BBQ din dito, pero malamang hawig lang sa lasa ng BBQ niyo jan. Sige dadaan ako jan minsan. HAHA. asa.

Linglingbells - Apir!

Anonymous - Ui, salamat sa pagcomment, Huhulaan ko, Taga Kuwait ka, nagtatrabaho sa oil company? Galing ko no?

Anonymous said...

Master!! Masterr!! hahahahah peace

Anonymous said...

hahaha...
Mabuhay tayong matataba..
mataba ako,
size 12 din sapatos ko..
haha

Anonymous said...

Mataba din ako Derma clear C. Size 10 din ang sapatos ko pero hindi ako matangkad. Lamang ka pa nga kasi maputi ka ata. Ako semi-nigger. At tamad din pala ako -ubod ng kaya malamang totoo yon. Maraming sigarilyo lang ang solusyon abad...

Anonymous said...

ilan sa mga natatandaan kong classic na linya ng panlalait na walang lohikal na batayan ay ang:

kulot, salot.
payatot, adik.
kalbo, masamang-tao.
mataba, baboy.

kung sinoman ang nakaimbento o unang gumamit niyan ay tiyak na PATAY NA SIYA! (sus, ang tagal na kaya nun.)

Anonymous said...

Ganun na lang siguro ang mga malalaking-tao. Madami ang inaasahan sa kanila na di nila dapat gawin at mga dapat gawin.

Tulad na lang ng pag-iyak. Nakakapagtaka mang isipin pero ang mga wrestler eh umiyak noong namatay si Eddie Guerrero.

Gusto ko sanang gamitin ang M-word pero nagdalawang-isip ako sa katapangan ko eh.

Galing ako sa matabang ama pero di matangkad. Medyo lumalapad na din ako ngayon kaya kailangang magbawas ng baon.

Anonymous said...

aba din ako
wag ka magalala
bagay tayo
ahahaha
:)

Ramon Jose said...

lahat pala tayo dito eh large. pero dati eh payat ako. tumaba lang nung college, puro inom kasi inatupag, ayun lagpak!

okay naman mataba ah. hindi halayang naghihirap!

Anonymous said...

master... facial wash lang katapat nyan. sikreto ng mga gwapo.

hehehe. oks lang yan pre, pagtanda mo ok yung mataba at malaki, madalang hoholdapin pagmag-isa.

Anonymous said...

ma..
mas..
mast..

wag na nga lang, :)
ayus lang yan kuya. hindi naman nasusukat sa laki ng katawan yung sukat ng ano.. ng sapatos. haha.

graceless said...

manster! :P ayoko makita ka umiyak. maiiyak din ako.

weh tinawag kang anak ng nanay nya? kinilig ka ba? :P

Anonymous said...

ahahah kyut naman ng mga pinsan mo, buyoy! lolz.. mga tao talaga ang hilig mangstereotype, wala naman yan sa taba o sa laki ng sapatos eh, nsa laki daw yan ng kamay ahahah.. wag ka mag-alala, madami na tayong mataba, ok lang kasi kyut pa din naman lolz mabuhay ang matataba! wahahah

atto aryo said...

Master, gaano ka ba kasi talaga kalaki? Ha, Master.

Maru said...

totoo yan! malalaking mama...maliliit ang titi! maniwala kayo sa akin! bwahaha!

pusa said...

oh ayan ginanti ka na ni holy kamote! LOL

kulot, salot.
payatot, adik.
kalbo, masamang-tao.


pero huggable naman talaga ang mga tabutsingtsing asnsarap pang kurotin!


@maru - HAHAHAHAHAHA talaga? totot? LOL

Abad said...

Anonymous- kilala kita, parating na ako sa bahay ninyo mamayang gabi.:P

Ferbert, hindi kaya ikaw ang nawawalang kapatid ko? Kilala mo ba ang tatay mo? haha.

Igno, ipaliwanag mo ang derma clear c. Hindi ako maputi.

Holy Kamote, tama patay na yun kaya kailangan nating gumawa ng panibagong style ng pangungutya, isip isip.

Sancho, si Mariano ka ba? Sige lang sa pagkain. join the club.

Xienah, (insert your favorite pa-virgin emoticon here) Kako na nga ba bagay tayo eh.

Monaco, Ahaha, napapala ng mga lasenggo.

Calvin, akala ko kung ano na ang sasabihin mo. Haha. Nabanggit mo na rin ang holdap, naholdap na ako dati ng mamang kalahati ko lang. May panaksak, walang laban ang laki ko. tsk.

Noime, ahaha. biglang bawi. Ading(younger sister) wag mo muna isipin ang size ng mga sapatos.:)

Grace! weh. Hindi ako kinilig, wala na kami ng anak niya nun eh. Saka sa text yun, di ko na maalala kung bakit ko siya tinext.

lilmiz, oo nga ang dami natin, dapat bumuo na tayo ng samahan ng matatabang bloggers sa pilipinas. SMB philippines.

Aryo, AHA! sa susunod na may matanggap kang regalo bomba na ang laman nun hinhdi na rosas. Ingat.

Maru, hindi kita kokontrahin wala akong laban sa Doctorate Degree mo sa hugis at laki ng kargada. Haha.

Pusa, salamat. :) kawawa nga ako minsan sa kurot ng mga kaklase ko. Akala nila tedi burr ako.

RedLan said...

Master B. hehehe. Pag mataba, huggable nga.

Anonymous said...

dapat lang na tama hula mo...kita mo IP Add ko di ba?

huggable naman talaga ang matataba...ingat lang pag nagawi sa bandang La Loma at may mag alok sa inyo ng mansanas at may dalang kawayan.....lalo na't pasko...

Anonymous said...

oo nga baka magkakambal tayo, aliens abducted me siguro nung babies pa tayo, Pisces ka din diba? 19 y/o, 6'2, mataba, size 12 ang paa, paulinian.. MAGKAPATID TAYO!!!

Anonymous said...

derma clear C - dahil uso ngayon ang corny at ayaw mong tawaging master? hahaha

Miss Kurdapya said...

wag ka mag alala kaibigan..

hindi ka nag iisa.. hehe..

mas madami na tayong seksik sa mundo!

Cordillera Blogger said...

Master! Master! Master! wehehee...peace!

wala yan sa laki...hahahasa ugali yan...

Oist punta ako jan sa feb.6-9 sa Victoria Hotel ako magsstay...wala lang...wahahaha...compare tayo ng katabaan...nyahahah...mangungulit ako ng mga tao sa Tugue...

Anonymous said...

Teka, sang St. Paul!?

Ako'y size 11 at may katabaan pero hindi sobra.

Six-footer ka ba?

Haha, so boarding house ka pala ngayon. Ayos!

Anonymous said...

OP yata ako dito. lols

naniniwala ako sa ratio ng haba ng paa:timbang laki ng palad:pututuy.

mabuhay ang payat! lols para maiba naman.

ayos ka pala Abad. nagllaro ka ba ng basketball? sayang yang laki mo.

Anonymous said...

payat ko noh but it does not matter...i think it is a matter of how you look at life...

Anonymous said...

basta para saken,seksi ka lagi,baboiboy. =)

parang ako.seksi.
bagay tayo.
hahaha.

(guess who?)

Coldman said...

wala yan sa laki nasa kuwan yan... hhahaha!

Anonymous said...

dumaan din ako sa stage na yan. ang maging mataba. pero di ako nagpadala sa mga nangungutsa, kasi iniisip ko nlang nun, sikat tayong matataba kasi pinapansin nila talaga tayo.

ngayon alam ko na ibig sabihin ng m****r pag bata ang babanggit nito.

Dakilang Tambay said...

hello! x-link tayo! pede po ba?

Anonymous said...

alam mo bang hindi ako dapat magbabasa ng mga blogs pero intro mo palang eh, wala na. hooked na ko. naks!

hindi ito ang orihinal kong kumento. kaya lang eh napahaba yung orihinal kaya naisipan kong gawin na lang siyang blog. haha. punta ka na lang dito. dahil abad, you inspire me. hahaha. =P

Anonymous said...

Onga, ang kulit ko. HAHA. Ano course mo dyan?

At tiga-Cagayan ka talaga?

aleida said...

haha nagkabf ako dati na mataba ehehe... ang sarap kaya ng mataba haha... natakot lang ibang fwenships ko... hehe, baka daw mapisat ako!

tsk tsk. huggable kaya ang mga matataba hehe.

naligaw ako dito dahil kay dr. quack quack (http://docmnel.co.cc/) hala di ako marunong ng html hehe, ayan na lang.

isa kang ma... ma... henyo na lang nga! hehehe...

Anonymous said...

takot ko lang tawagin kang master pagkatapos mong idescribe ang ggawin mo hehehehe...

anyways, add kita sa blogroll ko ha ng di ko nakakaligtaan ang address ng bahay mo...

tulala.si.ako. said...

ang tagal kong di nadalaw ah.. ano kaya itsura mo pag umiiyak ka abad?

Anonymous said...

MASTER!!!!

Nyahaha. For some reason naisip ko ang dragon ball. Un lang !
Wala akong matinong masabi. Wala talaga ako sa sarili pag nasa skwela ako....

Anonymous said...

Hello how was there.. I find some interesting topic in this site about txtmates, but ive found someone in txtmate.com. She is beautiful and were getting married.