Jan 17, 2008

Pray for us, seryoso.

Nakaka-anim na Theology na ako, at dahil iba ang course description ng mga nakuha ko na ay kailangan kong kumuha ng anim pa dito sa St. Paul. Sa dami nun ipaglalaban kong makagraduate ako ng dalawang kurso, entrep at pagpapari. Walang tao sa classroom pag pasok ko sa Theology class ko noong isang araw. Asa labas ang lahat ng kaklase ko kasama ang daan daan pang mga estudyante. May namatay daw na madre dahil sa sakit kaya wala kaming klase. Nagtitipon-tipon ang lahat sa harapan ng opisina na kinamatayan ng madre. Ilang minuto lang ay may dumating ng sasakyan na may dala ng kabaong.

Sa kagustuhan kong makiusisa ay lumapit din ako pero huminto na ng nakita ang mga kaklase at kaibigan ko sa mga upuan sa silong ng puno malapit sa opisina ng madre. Tawagin natin silang pare1, pare2, pare3 at pare4.

Pare1: Hoy walang klase.
Ako: Oo nga namatay daw yung madre, sinong madre ba yung namatay?
Pare1:Ewan ko, yung matanda.
Ako:Sino nga?
Pare1:Yung matanda.
Pare2:Dalawang araw lang daw yung lamay pag ganyan e.
Pare3:Sana dalawang araw tayong walang klase!
Pare2:Kahit bukas lang ng maga.
Pare4:Huwag may pasok kami ng hapon bukas, i-whole day na sana.
Ako:Kanina pa kayo dito?
Pare4:Oo.
Ako:Anong ginagawa natin dito?
Pare4:Nakatambay.
Pare3: Cool dito eh.

May dumating na babae naming kaklase, tawagin natin siyang gurr. (ganyan i-pronounce ng kapatid ko ang girl)

Gurr: Oh, bakit andaming tao?
Pare3: May namatay na madre.
Gurr:Eh? Hindi nga?? Bakit?
Pare3: Nasagasaan.
Pare4:Oo, yang Toyota na naka-park diyan ang nakasagasa.
Pare4:Hindi nasagasaan ng roller blades.
Gurr:Peste, namatay talaga yung madre.

Nagannounce na magkakaroon daw ng misa.
Takbuhan palabas ng school ang maraming tao, pati kami. Pray for us.

22 comments:

RedLan said...

aha, eskapo...

Anonymous said...

dear panginoon,
panginoon, sana po walang madapa. amen.

Anonymous said...

hindi ko pa naranasan
na may namatay na madre
sa school namin

sa 10 years ko doon
NEVER

siguro kasi
ginagamit yung matrikula namin
sa pagpapagamot nila

Alvin said...

naway maging maayos ang lahat.

:d

amen.

Anonymous said...

condolence.. nakilala na ba ang madre? ehehe

Anonymous said...

Merong madre sa amin, si Sister Sonia. Maangas, daig pa ang sikyuriti gard na naglilibot para sitahin ang mga lalakeng naka-hair gel at tusuk-tusok ang buhok.

Buhay pa kaya yun? Madre pa kaya siya ngayon?

Ewan ko lang. Kung ano man ang dapat kong dasalin para sayo Abad, sige lang.

Coldman said...

we will pray for them, seryoso...

graceless said...

this isnt a laughing matter pero tangina. BENTA!!! tanginang ugali yan! nasagasaan ng roller blades amputa! :)) abad may bago akong joke!!! :D tell you next time. miss wa :)

Cordillera Blogger said...

sa skul noon...imbes na sad ang lahat pag may namatay na pari...lahat feeling pista...kasi walang pasok ng isang week...at may misa araw2...pagkatapos eskapo na....hehehe

Anonymous said...

sa catholic school din ako nag high school. at sanay na din akong makakita ng maraming penguins sa buong school years. pero di pa naman ako naka-encounter ng madreng nasagasaan ng rollerblades. tsk.tsk.

(add nga pala kita sa links ko ha.)

aleli said...

ahaha.. ung madre ang kelangan ipagdasal. dahil hindi alam kung ano tlaga ang dgahilan ng pagkamatay. kawawang roller blades..tsktsk.

at saan mo pla nakuha ang balita bout dun sa pag leave ko (dahil ikakasal ako)? hmmm.. Sabagay magandang balita yan.. Kaysa naman nung huling nawala ako saamin ng 3 months (buntis raw ako)...ahaha..

Anonymous said...

alin ang ipagdadasal ko? yung madreng namatay o yung sana wala kayong pasok sa mga susuonod na araw?? hehe

pero seryoso, may she rest in peace..

Abad said...

kami ang dapat ipagdasal. Sa tinagal tagal namin sa katolikong eskwelahan, nakukuha pa rin naming tumakbo pag may misa.

FerBert said...

tumatakbo ka pag may misa?
nung HS ako. sinasabi kong Iglesia ako para di ako makaattend ng mga misa/okasyon sa simbahan.. hahaha.. Kampon ni satanas..

Ilang beses ko na din binalak na patayin yung madre naming sobrang sungit pero awa ng Dyos di naman nya akong hinayaan na gawin yun...

yaan mo ipagdarasal ko yung madreng nasagasaan ng roller blades..

Anonymous said...

Nung GS ako, puno ng madre sa school namin kasi sila ang nagpapalakad. Sa pagkakaalam ko, wala pa namang namamatay na Madre sa amin nung nandunpa ako. Students, marami.

Anyways, salamat po sa pagdaan sa blog ko at hindi po kami magkaschoolmate ni Kuya Ferbet. ^^

Anonymous said...

condolence...

sa school namin 2 pari ang ibinurol sa chapel namin. at ung isa pa nga ang sabi ng iba ay nagmumulto. mabuti nalang ndi mainit ang mata ko.

The Wandering Deity said...

wawa naman si Sister. nasa langit na sha ngayon at pinagpepray nya kayong mga pasaway na estudyante!!!

Ramon Jose said...

sa catholic school din ako nag grade school and hish school. bakit nga laging ganun? pag may namatay na madre o pari laging walang pasok? kung minsan kahit may sakit pa lng na medyo malubha no classes na rin.

Anonymous said...

paulinian ka pala!

"my goal as a paulinian, is this:
to proclaim jesus christ as a good news to all and respond to the need for total salvation from materialism, unjust structures and apathy through education and care of the sick."

hehehe

Anonymous said...

Hi! Ngayon lang ako npadpad sa blog mo pero naaliw agad ako. Tiga-Tuguegarao din ako pero nagwwork ako dito sa Manila ngaun. Certified Paulinian din. Sobrang natawa ako nung kumaripas kayo palabas ng skul dhl may misa..gawain din namen yan dati. hehe

cnu nga pla ung namatay na madre? lageng greet namen sa mga madre dati ay "gudmorning monster!" lol

Anonymous said...

add mko ha dapurplehaze.blogspot.com

Abou said...

naka walong theology subject ako nung college. tapos 4 years na religion class sa high school.

bihira ako mag simba.

ni link kita. basta.