Hindi metaphorical ang title ko, bagyo talaga ang pagkukuwentuhan natin.
Ilang linggo lang matapos ang huling bagyo ay dinadaanan nanaman ang probinsya namin ng panibagong bagyo. Rinig ko ngayon si bagyong Mina habang nagpapapansin sa labas ng bahay namin. Ang dala niyang malakas na hangin na kumakalampag sa yero ng ilang kapitbahay at ang tunog ng tuloy tuloy na buhos ng ulan ang nagpapanatiling gising sa akin ngayon. Sabi ng PAGASA ay bukas pa darating ang bagyo. Mahirap talagang umasa sa kanila. Hindi na yata lilipas ang isang taon dito sa rehiyon dos na hindi kami mapeperwisyo ng bagyo. Kulang na lang ay isama sa kurikulum ng paaralan ang mga dapat gawin tuwing may bagyo.
Masaya ang bawat alaala ko ng bagyo mula sa aking pagkabata. Ito lang ang pagkakataon para sa pamilya ko na makapagpahinga at makatambay maghapon sa bahay. Masarap kumain ng sopas sa hapag kainang iniilawan lamang ng kandila habang nagkukuwentuhan at nagtatawanan. Kuntento na din kami sa radyo dahil dati ay kaunting ulan lang ay mawawalan na kami ng kuryente. Sa bagay, hindi naman ganun kalaki ang pagbabago sa ngayon. Malamang nga ay bago ko matapos ang entry na ito ay mag brown out na. Noon ay naiinggit ako sa mga bahay na may generator. Generator ang sukatan ko dati ng estado sa buhay ng mga tao. Kung wala kayong generator, hindi kayo mayaman. Nang bumili sila tatay ng generator noong high school ko lang nalaman na mali ang haka haka ko.
Nang minsang pasukin ang bahay namin ng baha ay natuwa talaga ako. Yun na siguro ang pinakamalapit sa katuparan ng pangarap ko na magkaroon ng swimming pool ang bahay namin. Pinagmalaki ko pa yun sa mga kaklase ko pagkatapos. Hindi ko man lang ininda na nalugi kami dahil nabasa ang mga panindang abono sa bodega dahil doon. Wala akong kamalay-malay na may mga nawalan ng tirahan at mahal sa buhay dahil sa parehong bagyong pinanggalingan ng tubig na pinagtampisawan ko sa loob ng bahay. Yun ang pinakamalaking pagkakaiba ng mga bata sa atin. Hindi natin sila pwedeng husgahan kung nagagawa nilang maging masaya at walang pangamba sa isang araw na malilibre sila sa eskwela. Kahit madalas ay ang ibig sabihin nito ay pagkasira ng kabuhayan at ariarian nila at ng ibang tao.
Iba naman ang eksena ng tumungtong ako sa kolehiyo. Kung taga uste ka ay dapat kay Arnold Clavio ka tumutok kung may bagyo dahil siguradong alam niya ang sagot kung may pasok o wala. Noong asa uste pa ako ko natutunang kausapin si Arnold Clavio sa pamamagitan ng mental telepathy."Arnold, tinext ka na ba ng UST? Bilis, sabihin mo na bago ako maligo." "Arnold, wala pa ba? baka masayang lang pagpalit ko ng uniform." At pag handa na akong umalis saka niya sasabihing "Sa mga estudytante ng University of Sto. Tomas, walang klase sa lahat ng antas. Ito o, katetext lang, Hello sa inyo jan mga taga UST!" Makailang beses nangyari yun. Saka lang sila magkakansela ng klase pag papasok ka na o pag may mga estudyante na sa school. Sa susunod na araw naman ay madaling araw pa lang kakanselahin na ang klase para makabawi naman sa mga kawawang pumasok ng maaga ng nakaraang araw. Kung estudyante ka ay alam mo na ang karugtong ng kuwento. Magiging maaraw na at payapa ang kalangitan sa susunod na araw. Mapupuno ang mga malls ng mga estudyanteng nagpaalam sa nanay nila na magreresearch sa library.
Noon din nauso ang mga text na, "To all s2dnts, there will be no classes tomorrow, as seen on d news. pls pass. :)" Yung iba mas madetalye "Attention: The Comission in Higher Education had announced the suspension of classes on NCR and Bulacan today. For more info visit www.inq7.net . Good day." Meron ding kaswal "hoi, totoo daw na wlng pasok, tinxt ng kaibigan ko...hahaha. txt mo ung iba, inuman daw sa bahay nila kris" Sunod sunod yan kung dumating, nakakatulili na nga kung minsan. Ang mapapayo ko lang ay wag agad maniwala sa mga text message lalo na pag galing sa akin dahil madalas kong pangunahan ang DECS at CHED sa pagsuspinde ng klase. Gayunpaman, walang pagkakataong nagkamali ako. Minsan nga pakiramdam ko nakakarating sa PAGASA ang mga text ko. Kailangan ding basahin mo hangang kaduluduluhan ang mga ganyang uri ng mensahe dahil madalas ay may panggagago yan sa huli. Gaya nitong katatanggap ko lang,
" NEWS UPDATE: No classes and works on monday. 2 typhoons r xpected to hit the country ds wk. (a msg from PAG-ASA)
PAG-ASA ng mga tinatamad.
Pls. pakalat!"
--------
Tama nga ako, nagbrownout kagabi bago ko matapos 'tong entry. PAGASA alam kong nababasa niyo 'to dahil siguro ay friendster at bloghopping lang ang inaatupag niyo. Maaraw na sa amin ngayon. Sabi ninyo ngayon ang bagyo? Pero masaya akong nagkamali kayo.
19 comments:
hahaha! thomasian! hindi efficient na tagapagbalita si arnold clavio regarding suspension of classes pag umuulan. dapat si piolo pascual na lang. thomasian din naman yun ah.
si charm naalala ko hahahaha. umaambon pa lang magttxt na yan ng "may pasok ba bukas?" hahahahaha. tas nagddeclare pa ng sariling suspension of classes. baliw.
naku
ganun talaga
lalo na dito sa valenzuela
WALANG KALYE
tae yun.
pero may pasok pa rin.
hardcore boat rowing
ang dapat matutunan.
sana lagi sinasabi ng pagasa
na malakas ang ulan
kasi kapag ganon
alam na nating
pwede tayo magpunta ng beach
at magpakain sa alon
hahaha... Masarap talaga mangarap ng may swimming pool non pag bata ka pa kaya ang gawain namin eh barahan yung drain sa shower area at punuin ng tubig. Kadiri pala yun kung ngayon ko iisipin.
at grabe, tatlo kaming taga bayan ng baha dito sa blog mo abad! Kung mahirap diyan eh lalo na sa valenzuela. Ambon lang eh baha lalo na noong mga panahon ng brownout! Di ka pwede maggenerator kasi aabutin ng baha.
trip din ng pamilya ko sa ilocos na kumain ng sopas habang bumabagyo saka pakikinig sa radyo ng mga balita, tas pag hapon drama naman sa radyo. Daytoy ti maysa nga kabanata ni Mr. Lonely... Shet! nakikinig ako nun.. hahaha
Mas magaling akong maghula kung may klase o wala kesa sa PAGASA. hindi pa pumalpak yung Psychic ability ko... Magpapahula ka ba? 500 lang kada tanong... haha
Hi! :D Wala ka poh kasing CBox eh. Anyway, salamat sa pagbisita sa munti kong blog. :D Exchange links? Oh yeah,the best talaga ang JackTv. amen! hahahah :D
tga-Uste ka pala...malaking problema ko rin ang cancellation of classes...pero mabuti na lang at habang himbing na himbing ako sa pagtulog ay text naman nng text mula dean hanggang sa mga kaklase ko na walang pasok...weee! pero cgurado tambak na naman ang assignment ko nito....
i-enjoy mo na ang lamig ng bagyo...hihihi
Grace, mapili ka masyado ah, si fafa fiolo pa ang gusto mo. i-hi mo ako kay charm.
Xienahgirl, saan ka ba sa valenzuela? ipapahunting kita kila grace at ignoramus.
Ignoramus, haha, gawain din namin yun ng mga pinsan ko dati.
Fer Bert, Natawa ako sa ilocano line mo, sounds pamilyar. haha. ukis ti mais. di na ako magpapahula kasi ako ang nagdedeclare ng sarili kong holiday.
JM, sure. salamat din sa pagdaan.
Mojo Potato, UST ako dati.
Diliman na ata ang isa sa may pinakamabagal magsuspindi ng klase. kung ung ibang eskuwela ay wala ng pasok ng 12, kami alas tres pa at kung minsan sasabihin pa ng prof, ituloy na lang natin total andito na rin kayo...
nung nagbio class kami sabi namin sana bahain na ang diliman, nagalit prof namin kasi un daw ang pinakamataas na parte ng quezon city. pag baha kami baha laht...di man kau nakusensya...blah blah :<
so di pala totoo na laging maaraw sa tuguegarao? malamang hehe :P . sana wag na kayo bagyuhin dyan, this yr :)
kahit kelan talaga pasaway ang PAG-ASA!
nung college ako, sa san pedro laguna kami nakatira tapos sa adamson ako pasok.
6 ng umaga alis na ako sa bahay. kalagitnaan ng byahe, ayan na bagyo. ende pa uso celphone nun. pagdating ko sa school after almost 3 hours of biyahe, dahil sa lintek na baha sa south superhighway, eto na, SARADO ANG GATE!!! alang pasok! waaaa!!!
samantalang sabi ng PAGASA previous night, paalis na ang bagyo, dadalaw na ng China sea! ngork!
ingat-ingat na lang!
ooooooooy hahaha :D infairness long long ago na ang kwentong baha sa valenzuela. lalo na ngayong ayos na yung tullahan. sinasabi ko to dahil crush ko yung mayor namin pati yung kapatid nyang congressman. pati yung natalo na congressman na kapatid din nila na nachismis dati na tatakbo daw na kapitan dito samin. buti na lang di tumakbo kung hindi wala na kong pangtuition. wahahhaha
Madnotes, kung nagkataon palang bumaha sa diliman lubog na ang buong UST. haha, baka yung krus na lang sa tuktok ang makita.
Lilmiz, Oo, dapat pala may subtitle na "pero madalas bagyuhin". Salamat, sana nga wag na.
The Diety, Salamat. Kelan nga kayo tatama ang PAGASA? hindi ko na siguro maabutan yon.
Grace! Happy Birthday uli! Tagay!
pohtek ang bagyong yan. pahamak. binaha dun sa bahay. may baboy akong pinaaalagaan diyan. nabababad sa tubig nung bagyo. nagkasakit kahapon. pinakatay ko kanina. buwisit.
parasitiko ka.
panira ka
ng buhay ng may buhay
wahahaha
joke lang
:)
kumopya ka nga ng notes.
tsk tsk
hahaha! abad.. abad.. try mo ung champorado saka tuyo pag walang kuryente.. tas imbes na kandila, ung de gaas na lampara gamitin mo.. mas probinsyana dating nun di ba? :)
hahaha ulet! buti na lang never akong nakaranas na lumusong sa baha nung nsa uste pa ako.. :)
hahaha for the third time! astig nga ung ganun di ba? inuman ang destinasyon mo imbes na eskwelahan. miss ko na ung ganun.. :)
Tuwang-tuwa ako dati nung kasagsagan ng Iliang at Loleng (errr, Elem pa ko nun). Ang saya saya kasi isang linggong walang pasok!
Kaso andami ring nawalan ng tirahan. Yun nga lang ang masaklap.
Sunud-sunod na nga ang bagyo eh. Pagkaraan ni Mina, bumalik si Lando at parating naman si Nonoy.
Gaaaad. Patay tayo kapag nag-sama sama ang tatlong yun.
alam mo may tama ka. lately tela mali mali ang assessment ng PAGASA sa weather. pag sinabi nilang uulan,maaraw pag sinabing wlaang bagyo maya ay madilim na ang kalangitanat malakas na ihip ng hangin,hindi kaya dahil obsolete na kagamitan nila?
Post a Comment