Nov 2, 2007

(Isang post na maraming parenthesis)

Reunion ng pamilya namin sa side ng Tatay (lolo) ko tuwing araw ng mga patay. Wala akong gaanong kakilala sa kanila dahil ang mga pinsan ko sa side ng Nanay (lola) ko ang kasama kong lumaki dahil sa Roxas kami lahat nakatira habang kalat kalat naman sa Isabela ang mga kamaganak ni Tatay. Taon-taon pagkatapos mananghalian sa Roxas, bumibyahe kami ng bente minuto papuntang Aurora para umattend ng reunion at dalawin ang lolo at lola ko sa tuhod na matagal ng tigok.

Natutuwa ako sa mga reunion kasi kahit bihira magkita sila Tatay at ang mga kapatid niya, makikita mo na matatag pa rin ang samahan nila. Isa pa, hindi ako naasiwa tulad sa ibang party kung saan ako ang pinakamatangkad o ako ang pinakamataba. Pag reunion, medyo nakakablend in ako. Mula nung bata ako, hindi matatapos ang reunion na walang nagtatanong tungkol sa pagaaral ko. Wala na siguro silang ibang maisip na mapagkuwentuhan dahil hindi naman nila ako gaanong kakilala. Heto ang mga naalala kong eksena nitong mga nakaraang undas.

Nov. 1, 2004

Tito: College ka na di ba? Ano bang kurso mo?
Ako: Asian Studies po.
Tito: Ano naman yun?
Ako: Parang history po na may eco saka philo, basta tungkol po sa Asia lahat.
Tito: Ah. (Sabay hithit ng yosi) Nag-narsing ka na lang sana.
Ako:(fake na ngiti)
Tito: Ano namang trabaho pagkatapos?
Ako: Hindi ko pa po alam.
Tito: Kung nag-nars ka makakapag-abroad ka pa sana.
Ako: Ah..Tawag na po yata ako ni Mama, sige po.

Nov. 1, 2005

Hindi ako umattend. Nagkunwari akong may sakit.

Nov. 1, 2006

Walang masyadong umattend saka umuwi kami agad.

Nov. 1, 2007

Lola (Kapatid ni Tatay): Anong year ka na ba?
Ako: 2nd year po. (Winiwish ko na sana wag nila maalala na four years ago eh 1st year ako at dapat ay fourth year na ako ngayon.)
Lola: Ah, pagbutihan mo.
Ako: (Yes! Hindi naalala.) Opo.
Lola: Ilang taon na ba sya? (tanong kay Nanay)
Nanay: Magna-nineteen.
Ako: Nay, magbebente na 'ko.
Tita(Pinsan ni Mama): Ano bang course nya Auntie? (tanong kay nanay)
Nanay: Ano na nga ba ngayon Dayo? Hindi ko na rin alam eh.
Mama Tess (Tita ko, at oo Mama ang tawag ko sa lahat ng kapatid ni Mama): Entrepreneurship 'nay.
Lola: Ah, ano ba yun? Anong trabaho mo pagkatapos.
Ako: Magnenegosyo po.
Tita: Parang commerce din?
Ako: Opo.
Tita: Ah, parang commerce din, pinaganda lang pakinggan.
Ako: Opo, pinahirap lang ang spelling.

Sabay sabay tayong magtulos ng kandila at hilingin na sa susunod na taon eh parehong kurso at eskwelahan pa rin ang isasagot ko kung may magtanong uli sa akin. Kasi kung hindi, baka mameke nanaman ako ng lagnat para hindi piliting umattend next year.

11 comments:

Anonymous said...

nag-narsing ka na lang sana..
(HAHAHA)

kumusta naman ang entrepre--fucha di ko maisfeling.basta,kumusta naman ung kurso mo? =D

Anonymous said...

Buti pa ikaw nagnars ano? ok naman ang entrep. entrep na lang para walang problema sa spelling.

Anonymous said...

kahit anu naman papasukan ko eh,basta sa ospital ang bagsak.haha.

yess..salamat!
entrep.ayan,kaya ko na i-sfel.

graceless said...
This comment has been removed by the author.
graceless said...

yung kaaway ko entrep kaya galit ako sa lahat ng entrep.. pero sa ust lang naman. wala lang, i just had to say that. haha :P next year pareho pa din ang isasagot mo sa kanilang course mo. you are what you think. ;P

wesley AKA islaw said...

WOI!!sali naman ako sa usapan niyo!nag comment ka pala sa blog ko, ngayun ko lang nabasa. nag undertime kasi ako sa office kasi sinumpong migrane ko. san nga pala yang school of entrepreneurship asia(tama ba?)

Abad said...

Grace- masama ang nakikipagaway. Ayaw mo maniwala? Papalag ka? Sana nga ganun pa din ang course ko, thanks.

Wesley- Ano ka ba sa St. Paul sa Tuguegarao na ako nagaaral, hindi ka na nakakabalita. patay na kasi yung tambayan eh. Entrepreneur School of Asia yung school ko dati.

graceless said...

congratulations! entrep ka pa din sa same school! yay! :)

The Wandering Deity said...

hahhahahah!!!
aliw ako sa family reunion.
dati, tuwing reunion, nung pagkagraduate ko, tanong ng lahat ng kamaganak ko bakit ako ende nagturo samantalang Educ ang degree ko.

after 20 years, and now i'm here in Korea, teaching, practicing the degree that i obtained, tanong naman nila anak ko, "bakit ang mommy mo nasa Korea at nagtuturo?"

ano ba talaga? ngork! paguwi ko, ende na ko punta mga reunion. promise, talaga!

Anonymous said...

Infatuation casinos? experimentation this advanced [url=http://www.realcazinoz.com]casino[/url] advisor and horseplay online casino games like slots, blackjack, roulette, baccarat and more at www.realcazinoz.com .
you can also pore over our unadulterated [url=http://freecasinogames2010.webs.com]casino[/url] plot at http://freecasinogames2010.webs.com and win existent incredibly misled !
another fashionable [url=http://www.ttittancasino.com]casino spiele[/url] jeopardy is www.ttittancasino.com , in livelihood of of german gamblers, sweep freed online casino bonus.

Anonymous said...

[url=http://www.casino-online.gd]online casino[/url], also known as operative casinos or Internet casinos, are online versions of plan ("chunk and mortar") casinos. Online casinos environmentalist sunrise gamblers to bear up and wager on casino games woman the Internet.
Online casinos chiefly forth odds and payback percentages that are comparable to land-based casinos. Some online casinos exercise authority higher payback percentages agreeable furrow defender games, and some willing in the open payout intimate audits on their websites. Assuming that the online casino is using an aptly programmed unspecific infant up generator, catalogue games like blackjack clothed an established repress edge. The payout participation as a replacement pro these games are established at immediate the rules of the game.
Assorted online casinos sublease or understanding their software from companies like Microgaming, Realtime Gaming, Playtech, Prevailing Vis-…-vis Technology and CryptoLogic Inc.