Nov 20, 2007

Trust

Trust. Pagtitiwala. Brand din ng condom. Pagtitiwala walang bata. Pag may condom wala ring bata. Makes sense no? Pag hindi mo nakuha, basahin mo uli. Minsan pakiramdam ko ay isa akong lumang condom. Magdadalawang isip ka muna kung isusuot mo pa. Hindi mo na gamitin kung wala kang sukdulang pangangailangan.

Hindi na bago ang kuwento ko. Sigurado akong mayroon kang pinsan, kaibigan, kaklase o kapitbahay na hawig ang istorya sa akin. Malamang ang iba sa kanila ay huminto na sa pagaaral dahil nawalan na ng pagasang maaari pa silang magbago. Ganun na rin siguro ang kinahinatnan ko kung wala ang aking pamilya at mga tunay na kaibigan. Nakikiusap ako na bigyan ninyo ang mga kakilala ninyong katulad ko ng pagpapasensya at pangunawa. Kung hindi ninyo kaya yun ay huwag niyo na lang silang pakialaman. Mas mabuti pang panoorin ninyo na lang silang sirain ang kanilang mga sarili imbes na kutyain at pagmataasan pa.

Madalas akong sabihan ng mas maagang oras ng pagkikita-kita pag may meeting o praktis sa eskwela. Alam kasi ng mga kaklase ko na mas madalas pa akong malate kaysa sa mga periods nila. Pinagkakasunduan na nila na ipaalam sa akin na alas-otso ng umaga ang meeting kung alas-nuwebe ito. Hindi ko naman sila masisisi dahil madalas ay late pa rin ako. Makailang ulit ko ring maririnig ang mga tanong na, "Kaya mo bang matapos yan on time?" o kaya ay, "Papasok ka ba bukas? Sure ka? Dalhin mo yang assignment natin ha?" bago ipagkatiwala sa akin ang isang gawain. Nasasanay na rin ako sa mga nakakapikong tanong ng mga kamaganak ko kung pumapasok na daw ba ako ng regular at gumigising sa tamang oras.

Mahirap magtiwala sa mga taong tulad ko na may rekord ng matinding katamaran. Parang mataas lang ako ng sampung baitang sa isang ex-con. Nahirapan akong makahanap pa ng eskwelahang tatanggap sa akin matapos kong magpalipat-lipat. Tinanggihan ako ng ilang mga taong gumagamit ng masangsang na pabango na nakaupo sa mga de-aircon na opisina. Dean yata ang tawag sa kanila. Hindi ako binigyan ng pagkakataong magbago ng mga institusyon mataas ang tingin sa sarili. Para sa kanila, isa akong dumi na sisira sa malinis nilang pangalan. Hindi ko sila masisisi dahil may reputasyon silang pinangangalagaan. Pero masakit na mabalewala dahil sa mga numerong nakasulat sa kapirasong papel na batayan ng marami sa kakayahan ng isang tao. Alam kong madaling sabihin na kasalanan ko rin naman kung bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito. Tanggap ko iyon.

Kaya malaki ang pasasalamat ko sa mga unibersidad na tumanggap pa sa akin sa kabila ng transcript of record ko na nagmumura sa dami ng failure due to absences at withdraw without permission. Sa Entrepreneurs School of Asia na naniniwala na lahat ng batang may pera ay kakayahang magbago at maging mahusay sa larangan ng negosyo. Salamat, alam kong malayo ang mararating ng inyong eskwelahan. Sa University of La Salette Roxas Campus, salamat sa papapaalala sa akin kung paano ako nagsimula. Salamat sa muling pagtanggap niyo sa akin. Sana'y isang araw ay makatulong ako sa inyo sa kahit anong paraan. Higit sa lahat, salamat sa St. Paul University Philippines sa pagbabakasakaling baka sila na ang makakapagpabago sa akin. Alam kong malaki ang aking utang na loob sa inyo sa lawak ng pangunawang inyong ibinigay. Sa aking dean na si Ms. Jocelyn Carag, hindi sapat ang pasasalamat lamang para sa pagtanggap mo sa akin at sa pagtulong upang makapagtapos at manatili na sa iyong eskwelahan. Sana'y maging karapatdapat ako sa kabutihang ibinigay ninyo sa akin.

Hindi ito ang unang beses na sasabihin ko ito, pero nagdarasal ako na sana ay ito na ang huli. Dito na ako magtatapos. Sisikapin kong maging isang mabuting chocolate flavored condom. May tamang tamis at pait, pero ang mahalaga, mapagkakatiwalaan.

19 comments:

tulala.si.ako. said...

kapit lang..matatapos ka din..

Anonymous said...

naku naman--
pumapasaway ka.

baka naman kasi
expired na
ang condom na yan?
haha

chocolate flavor?
scent lang yun diba?
malay ko.
haha

Anonymous said...

galing. keep on writing.

biyahengpinoy

ps. ifefeature ng clickthecity.com ang videos ko. check mo na lang ang blog ko from time to time para maupdate ka. baka next week, uploaded na yun.

FerBert said...

ano yung condom? hahaha...

hindi lang ikaw ang nag-iisa, marame tayo, ganyan din ako... Hindi batayan ng tunay na kakayahan ng isang nilalang ang nakasulat sa isang hamak na papel lamang. Ganyan ata kse tayong matatalino... mga tamad pumasok...(Isali ba ang sarili ko sa mga matatalino.. ang kafal ng fes ko)

Anonymous said...

I'm from Thames! I googled ESA and your site showed up. What made you leave Thames? What year ka andito? Baka nagkikita pa tayo dati. Ahm, yun lang, God Bless. I enjoyed reading. :)

aleli said...

weeeeh..natuwa ako sau..dahil naalala ko ang aking dating classmate nun sa college.. pero nakagraduate na rin xa, kasabay ng class namin..pero astig un!! kaya pag may kelangan akong advice, xa ang tinatanong ko..sa haba ba naman ng pinagdaanan..tiyak marami na xang alam sa buhya...

malamang ikaw student of lyf ka na rin..salamat sa pagdaan..

Abad said...

Aleth - Salamat! Sana nga talaga.

Xienahgirl - You tell me. Alam ko namang mas malawak ang kaalaman mo sa mga condom.

Biyahenpinoy - Wow, good for you. Sigesige, will do.

Fer Bert- Oo naman matalino tayo. Haha. Apir!

Anonymous - Last year lang, baka nga nagkasabay pa tayo. Hello sa Thames. haha. I needed to leave kasi wala ding nangyayari sakin, nagsasayang lang ako ng pera.

Aleli - Salamat! Sana makapagtapos din ako gaya ng kaibigan mo.

tulala.si.ako. said...

haha.. anong sana nga? kelangan mo talagang matapos.. namiss ko ung pagkain natin lagi sa uste.. haha! eating buddies..

Anonymous said...

I went to 5 different school and shifted 5 different courses before I finished college. how's that?

Anonymous said...

wow.. nice entry! lahat ng tao may kkayahang baguhin ang sarili niya if he really wills it!

goodluck 2u! and thanks for the visit.. sana bumalik ka pa...

Anonymous said...

Ei bro... exlinktao... add n kita sa links ko... here's mine

http://jabeh143.wordpress.com/

Abad said...

Aleth, giniba na ang Coop, saan na tayo kakain? Pinalitan nila ng mga fastfood, Nagnenegosyo na talaga yung mga pari.

Parisukat, Ok. Ngayon ko lang nakikita kung bakit sinabi mong may pagkakapareho tayo. Hindi ko na hihigitan ang record mo. :D

Rhapsody, Salamat din sa pagdaan. Hayaan mo't bibisita ako uli.

JB, ok johnny bravo.

graceless said...

pano mo nalaman ang lasa ng chocolate flavored condom?! WAHAHAHAHAHA

aleth and abad, yung mojos sa coop andun na ulit sa carpark.. ganun pa din yung lalagyan ng mga tartar sauce etc. nila kaya nafigure out kong sila nga yon. hahaha wala lang :D

some really successful prof told us na wala sa grades ang basehan ng pagkatao mo.. and sana naiisip mo din yun abad. yung mga real people who surround you, sila yung talagang nakakaalam kung ano ka talaga. and we know you're much much better than what your number of FAs would indicate. :D kung alam mo lang kung gano katalino tingin ko sayo.. sasabog na utak mo. hahahaha.

andami mo ng readers! lovesit!

Abad said...

wow, salamat Grace! hayaan mo ililibre kita ng kapirasong cookie cake pagdalaw ko. haha. Tungkol sa condom, inisip ko lang na lasang tsokolate yun kasi chocolate flavored nga eh. kasi malamang hindi naman lasang niyog pag sinabing chocolate flavor. pero baka mali ako, sabihin mo na lang sakin pag naconfirm mo na. haha.

Anonymous said...

Masubukan mo na ba yung condom na chili flavor? hehehe. para sa mga nag eego trip. ang teaser nun "Ramdam, kahit sobrang liit" hehehe

Abad said...

iceyelo, haha. wala akong balak subukan.

Anonymous said...

nakarelate ako sa laging late :( .. nasuspend na ako sa dati kong work dahil sa dami ng lates wahaha (ok na din, nakapagpahinga pa ako haha) .. cge goodluck sa iyong pagbabagong-buhay.. sana tuloy-tuloy na yan :)

The Wandering Deity said...

when i was in college, gustuhin ko mang magtamad tamaran, i couldn't. we're not that rich.

i was denied of scholarship on my sophomore year dahil binato ko sa prof ko yung palaka na pilit niyang pinapa-disect sa akin, eh yoko nga noh. kadiri kaya.

kala ko nun end of the world na. paano na ako makakatapos ng college? anim kami sa family. how would my father support my college fees?

anyway, luckily i was accepted in another scholarship. pero parang student assistant, the only difference is, i taught speech class. mahirap. klase from 7:30 am to 9:30 ng gabi. work and study at the same time.

after 5 years in college, i graduated. all my professors hugged me during commencement rites. not because they loved me but because they can't wait to get rid of a smart aleck like me.

i know you can make it. konting tiyaga lang. focus sa studies and isipin mo, in the future, how do you see yourself 10 years from now. parang strange ata na nasa college ka pa rin di ba? kasabay mo na yung mga batang elementary pa lang ngayon. dyahe di ba?

stay cool. and... STUDY HARDER!!! don't forget to blog though. i like what i am reading and so far, it brings back old memories... ancient memories about my school life:)

Anonymous said...

Hayz buti nga nagsikap ka pa at umaasa ka parin makapagtapos, ako di na tlga nakapagtapos ng kolehiyo, lalo na't may tumanggap pa skin dito sa ayala at ilang beses din ako palipat lipat ng schools and courses, hanggang sa bumagsak ako ng vocational..haha.. yun lang..hehe..