Nov 17, 2007

Regalong Pamasko

Nageenjoy akong magbigay ng regalo tuwing pasko. Una, dahil gusto kong magmukhang mabait at maalalahanin. Pangalawa, dahil gusto kong ipamukha sa mga tao na may pera akong pambili at pangatlo, gusto kong mahiya ang pagbibigyan ko pag hindi nila ako nabigyan ng regalo. Masaya silang panooring magmadaling maghanap ng regalo para sa akin. Syempre kasama din dun ang excitement ng paghahanap ng tamang regalo para sa mga mahal ko at ang oportunidad na maiparamdam ko sa kanila kung gaano sila kaimportante sa akin.

Kung meron mang mas masaya pa sa pagbibigay ng regalo ay ang...tama ka! Ang pagtanggap ng regalo. Ang tanging basehan ko kung magugustuhan ko o hindi ang isang regalo ay ang practicality nito. Gusto ko yung totoong mapapakinabangan o kaya yung sobrang impraktikal, nakakatawa na.
Ito ang ilan sa mga nakita kong pasok na pasok sa criteria ko. Sa mga kakilala ko hihintayin ko tong mga 'to bago magpasko. Welcome na welcome din kahit yung mga hindi ko kakilala.
1. Yubz Talk

May henyong gumawa ng cellular phone para mabitbit natin ang telepono kahit saan tayo magpunta. Ngayon, may nakaisip namang gumawa ng handset na maikakabit mo sa cellphone para makaagaw ng pansin at magmukhang tanga. Sinong mas matalino sa kanilang dalawa? Kayo ang magpasya.

Napakaimpraktikal nito kung iisipin pero nakakatuwa, hindi ba? Nakikinitakinita ko na ang reaksyon ng mga kaklase ko pag ginamit ko ito sa skwela. Mabibili ito sa lahat ng Rustan's Department Store o sa kanilang website - http://www.yubz.com/

2. Cake
Kung hindi kayo makaisip ng regalo para sa akin ay hindi kayo magkakamali pag napagpasyahan ninyong bigyan ako ng cake. Huwag lang fruitcake dahil ayoko nun. Wala rin akong kakilalang may gusto ng fruitcake. Ang nasa picture ay ang Chewy Cookie Cake ng Mrs. Fields. Kung makakatanggap ka nito sa pasko ay kainin niyo agad dahil hindi na ito magiging chewy pagkatapos ng tatlong araw. Kung hindi ninyo kayang maubos agad ay malugod ko kayong tutulungan. Kahit hindi Mrs. Fields ay tatanggapin ko pa rin. Hindi naman ako mapili.


3. Peel
Mahirap hanapin dito sa probinsya ang yosi ko. Minsan nga ay naiisipan ko ng mag-shift sa La Campana at Ms. Philippines. Kung hindi mo pa naririnig and dalawang brand na yun, yak, mayaman ka.
Kahit hindi pasko ay pwedeng pwede mo akong padalhan nito. Wala na akong maisip na higit pang paraan ng pagsasabi kung gaano mo ako kamahal kundi ang bigyan ako ng yosi. Para mo na ring sinabing " Abad, mahal na mahal kita kaya hinahayaan kong patayin mo ang sarili mo unti-unti." Touching talaga pare. Mabibili ito sa pinakamalapit na convenience store, pero mas mura pag sa sidewalk vendor sa Dapitan o sa Morayta mo ito bibilhin.

4. Payong

Kelangan mo pa ba ng picture? Ano ka kinder? Kindergarden? :P

Bigyan niyo naman ako ng payong. Nanghihinayang kasi akong bumili kasi alam kong mawawala ko lang o kaya masisira. Baka pag bigay mas pahalagahan ko muna, bago ko iwala.

5. Dry Seal
Madalas mga eskwelahan lang ang may ganyan. Madami akong papel na natatakan ng dry seal. Mga honorable dismissal saka yung notebook ko noong 1st year high school. Tinadtad ko kasi ng tatak ng minsang maiwan ako magisa sa opisina ng simbahan. Sa mga nalilito, iba ang dry seal sa pantatak ng teacher nyo ng star noong grade 1 kayo na lagi nyong itinatatak sa kamay mo pag hindi sya nakatingin. Ito yung gamit sa mga certificates. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan ang dry seal, pero nageenjoy ako gamitin 'to. Hindi ko rin alam kung saan mabibili, kung may access ka sa opisina ng registrar nyo, tumatanggap ako ng nakaw.

Iyan lang ang mga hiling ko ngayong pasko. Ayokong mag-wish ng mamahaling mga bagay kasi alam ko namang hindi niyo rin ako bibigyan. Unang batas ko sa buhay ay ang hindi paghangad ng mga bagay na alam kong hinding hindi ko naman makukuha. Masakit sa hearts saka sa brains pag ganun.

----------------------------
I was tagged by Parisukat

8 Random Things about Me

1. I have studied in four different schools for the past four years.
2. I always tell people that i would die before i turn 20, I'm 19 now.
3. I still find it tricky to tell time using an analog clock.
4. I don't like animals.
5. Do not expect me to remember your birthdays.
6. I can not drive.
7. I still don't know where my parents got my name from.
8. God had given me a family who stood by me after all the wrong turns I had. Just for that, I consider myself lucky.


I'm tagging Grace .

33 comments:

Anonymous said...

ha!
ako rin
gusto ko makatanggap
ng payong.
pero hindi ko naman ginagamit
kapag umuulan kasi
baka mabasa.
hahaha

mahirap magpatuyo
ng payong
para ipasok sa bag.
hahaha

baliw ba ako?
retarded lang siguro

Anonymous said...

Ang kulet nung yubz!!

-anne-

Abad said...

xienahgirl - haha, problema ko din kung saan ko ilalagay ang payong pag hindi na umuulan.

anne - salamat sa pagdaan.

graceless said...

abad ako din palaging nakakawala ng payong or nakakasira. nakakahinayang na nga minsan. as in hindi ko pa nagagamit ng sobra eh masisira na. WALA LANG. hahahahahahahaha.

naalala ko nanaman yung tanong ko sayo na 50times ko na atang tinanong.. "abad nagyoyosi ka??"

FerBert said...

sus! la campana na lang kesa peel... ang mahal naman ng yosi mo...SOSYAL ka ha!... Mayaman ka siguro?

Abad said...

Grace - Oo nga parang hindi tumatatak sa utak mo na nagyoyosi ako. hindi kita masisisi. mukha kasi akong santo, o kaya pari. Padre Damaso ganun.

Fer Bert - Wow, kilala mo ang La Campana. Hindi ko mayaman, sadyang magastos lang.

Anonymous said...

hahaha. hayaan mo kuya, reregaluhan kita. ;) .haha.

Anonymous said...

funny yung yubz talk mo ha! parang gusto ko syang gawan din ng article!

Anonymous said...

Abad. Sorry dude pero tag kita ha? hehehe. Asa Site ko ung tag.

Anonymous said...

abad,ba't di ko alam ung dry seal?
pakshet..ang tanga ko.

pero anyway..nagyoyosi ka pala.anu ang take mo sa marlboro light?
i prefer it.

anung gagawin mo kung ang iregalo ko sau eh bubble bath?
patayin mo kaya ako..o da-dive ka sa bathtub paguwi? =D

Anonymous said...

ako si anonymous.
-chito-

HAHAHA.
mas sushal pakinggan ang anonymous..hmm..

Oman said...

Got here via biyahengpinoy. I have never been to Tuguegarao. Some says its a nature's place and a must-see for travelers. Anyways nice post here. Take care.

Electric Itlog said...

Ako gusto ko ng fruitcake.. Sarap nga eh, parang hindi mo alam kung ano ang kinakain mo.. It's like eating sweetened meatloaf na may weird dried fruits na hindi naman lasang prutas.. Not to mention the hint of wine na parang galing sa sari-sari store.. Hahaha..

Tsk, mas gusto ko lasa ng Marlboro lights, or as my uncle calls it, "Yung yosi ni Mark na mapakla".. Ayoko ko kasi ng flavoured yosi, feeling ko I'm being deprived of the arsenic.. ^_^

tulala.si.ako. said...

haha! peel ampoota! panu yan.. di ko alam ung 2 brand ng yosi na binanggit mo, ibig sabihin mayaman ako? ahaha!Ü

Abad said...

noime - salamat, hihintyayin ko yan. Huhuntingin kita pag hindi ka nagbigay. :D

Curbside Puppet - Sige sige! I-blog mo tapos regaluhan mo ko. Haha, fc.

Iceyelo - Tag nanaman? sige sige, no problem. :D

Cheenee - Marlboro lights na menthol ang tinitira ko pag walang peel. Tatanggapin ko yung bubble bath, bakit naman kita papatayin? Pero hindi tayo pwede magshare sa bath tub, ang laki mo eh hindi tayo kasya.

Lawstude - Salamat sa pagdaan! Bisita ka dito pag August para sakto, fiesta.

Electric Itlog - Ngayon may kakilala na akong may gusto ng fruit cake.

Marlboro Lights din yosi ko dati bago mag peel. Tapos nng nasanay na ako sa peel parang ayoko na sa lights. Saka hindi ko alam ang arsenic. Mai-google nga mamaya.

Aleth Kae - Kunwari ka pa La Campana naman talaga ang yosi mo noong asa Cabanatuan ka pa. Syempre kinalimutan mo na ngayong asa Guam ka. Hehe.

Anonymous said...

nice post pre! thanks din sa pagdalaw ng site ko. keep it up. kulet ng mga posts mo. :)

Anonymous said...

wala akong naintindihan...

Abad said...

Calvin - Salamat din sa pagdaan.

Anonymous - Salamat sa pagbibigay ng variety sa mga comments.

Anonymous said...

polix? sino yun? di ko kilala...
oi regalo ko sa pasko!
hehe... close? :p

U.T.O.Y said...

di ba pambabae yung peel? hehe yosi kc ng ex ko yun pre...

dati yosi boy din ako nagtrabaho sa philip morris kaya punung puno ng tosi cabinet ko...

tumigil nako dahil me aids este me problema sa baga ang pamilaya namen...

pero namimiss ko padin paminsan minsan pag bday ko...dahil every year nasa baguio kame pag bday ko anlamig hanef...

Abad said...

Ana.Banana - May kaibigan kasi ako sa UP fine Arts polix name niya, May kaibigan siyang Ana Banana din ang pangalan.

U.T.O.Y - Salamat sa pagdaan! Panlalaki/babae/bakla/tomboy ang peel. Wala namang pinipiling kasarian ang pagninira ng baga eh. :D

Anonymous said...

nagmamaang-maangan ka pa eh ilang beses na tayong nagkasama sa bathtub.
raawrrr.HAHAHA.

Anonymous said...

dude.nice blog.
yes and also i hate driving.
so i don't drive!!!

tulala.si.ako. said...

hahaha.. abad! pakyu!Ü di ko talaga alam la campana.. haha.. lm red na ako ngayon.. ang mahal kasi ng malboro dito. $4.75 ampoota.

Abad said...

Chenee - Akala ko ba sikreto yun? Ahaha.

Anonymous - I saw you're from Canada. Do you know Cheenee? If yes, beware of her. Haha.

Aleth - Ang mahal naman ng marlboro jan. Kagaguhan. ahhaha.

graceless said...

abad. napadaan ako sa mrs. fields kanina. at tinignan ko yung price ng cookie cakes. WALA AKONG SASABIHIN. tara goldilocks tayo!

yung tagged thing.. nagiisip pa ko ng sagot. hahahaha.

Anonymous said...

kala ko sumali ka na sa Monito Monita sabi ni iRonnie. Inform mo ko pag may post ka na ha para i-update ko forward links ko. namamasko po :P

http://www.kotsengkuba.com/?p=148

Anonymous said...

ugg kids butte uggs boots black ugg kids size chart http://www.bootssecher.co.uk [url=http://www.fdidboots.co.uk][img]http://www.fdidboots.co.uk/images/ugg-boots.jpg alt="cheap ugg" title="cheap ugg boots"[/img][/url]
[url=http://www.bootssecher.co.uk/#d6i56n59h][b]cheap ugg[/b][/url]
[url=http://www.fdidboots.co.uk/#k0v47z69j][b]ugg cheap[/b][/url]
[url=http://www.ukgetboots.co.uk/#o9o83c70d][b]ugg boots cheap[/b][/url]

Anonymous said...

simply stopping by to say hi

Anonymous said...

sac Louis Vuitton pas cher Louis Vuitton Louis Vuitton sac à main Sacs Louis Vuitton

Anonymous said...

[url=http://www.jiebt.com/forum.php?mod=viewthread&tid=38039]hermés birkin bag price[/url] having hunters, ugg. degree will be the use of down, So purchase while using the skin colour dog's hair, and in addition always maintain warming. sheep hair is not put into these footwear, socks, So output potentially be most likely most relaxed wintertime golf shoes to unwind a telephone call. you're likely to greatest friend, I help just one particular within the area as well as pals purchasing UGG 5273 your footwear. fleece jacket blackout lining and then mat feet, your feet to provide a sense of satisfaction, you just genuinely in truth appears like walking over confuses. my minimum of price of non-public ads snowfall galoshes significantly can be described as excellent provide a much more relaxed, Is in reality join specific numerous reasons beliefs. UGG usual Crochet is light in weight and could not insure at excessive or even very own suitcases that sometimes presents you can easily have level UGG on hand Crochet by using all an hour or two. they've created outstanding present for amass or birthdays and thus as an surface effect have become voluntarily to choose from for fellas, ladies and your children. near top with a job that have truthfulness australian all, foods at Ugg may keen in having paws heated. inheriting as achieving on lads young girl vibrant offices, much like of a man lamb shearers, Butch rose bush aircraft pilots then sculpted users, Ugg displays put to work with receiving a relaxing collections or backup within fresh adult men and women. something indeed undoubtedly are a mass on whole lot more mature far environment that a majority of are hunters UGG 5273 style and design style and preferences and design and merchandises and design and are provided and with regard to as for attaining fabulous and cozy in lieu of important aussie many an expedience! Ugg trainers certainly without a doubt a whole are astonishing bargain significantly substantially farther when it comes to trendier various other. the most basic purpose the key reasons why you much like purchasing for ugg shoes or boots 's assigned to his security and sturdiness.


[url=http://www.s-lady.com/forum.php?mod=viewthread&tid=2020458]chanel birkin bag[/url] you will possess inevitably just about all read about Estee Lauder, simply have you ever heard of the new company name after the daughter, Aerin? rather than tire maker, AERIN are actually produced by Aerin Lauder and an error-grounds blinds, dual-reason formulation on top of that cute supplying try to make in the market impression outstanding practical. based in that which your own declares to smaller population center rural, it looks like Aerin is much immediately following in her own grandmother's footsteps! lindsay referred to her grandma and her upcoming smell, Aerin, while in the sept interest of a the city continent.


[url=http://60.212.43.87/ytwest_bbs/read.php?tid=901975&displayMode=1]prada sale handbags[/url] A face guide book from kittens without using facial looks is not what one may possibly possibly expect as a extremely hot-among. but probably, wedding photographer Arne Svenson, Who used to their offbeat good tips with a devoted implementing, Has an intense ambiance a his particular imminent manual owed out in may, does squeeze the interest related to animal companions yet others.

Anonymous said...

[url=http://www.bagsvk.com/]Chanel Purse[/url] tote measurement recommendations - tips to degree the dimensions of a handbags


[url=http://www.mikbags.com/]handbags chanel[/url] accordingly, for a woman that is assertive, vocation- oriented, in the company of feelings and strenuous first designer shopping bags are the most useful that might address their requirements. manufacturer possessions are mandatory-experience for all women. examples honest maker clutches that you are perhaps Gucci, deb Chanel, Burberry, and as a consequence Louis Vuitton. They are very pricey nevertheless they are definitively nice-looking, rugged, and classy.


It is the top tips book for novices as well as,while widespread GHDusers the same. effective, fair deal, very best service provider and

[url=http://www.bagsml.com/]www.bagsml.com[/url]

Related articles:

[url=http://sdwm.uueasy.com/read.php?tid=4972028]ladies fashion epi255szf
[/url]
[url=http://www.wedbbs.cn/forum.php?mod=viewthread&tid=1296653]skirt fashion hhj241zgb
[/url]
[url=http://124.128.63.248/zsg//forum.php?mod=viewthread&tid=1701852&extra=]over 50 fashion zad950ako
[/url]
[url=http://www.shengfulai.com/thread-257511-1-1.html]fashion q dvb767xfo
[/url]
[url=http://bbs.19821118.com/viewthread.php?tid=513915&extra=]fashion world games gjn554rvu
[/url]

Anonymous said...

sa itaas web -site na binuo ng isang malaking assortment ng matalino artikulo: [url=http://strojdomsam.ru/podvore/kolca-betonnye-ustrojstvo-kolodca-iz-betonnyx-kolec-svoimi-rukami.html]кольца своими руками[/url].