Nov 30, 2007

Abad, anong pangalan mo?


Tuwing lilipat ako ng eskwelahan ay madali akong naalala ng mga propesor at mga opisyal ng unibersidad. Dahil yun sa taglay kong talino, kagandahang lalaki at di matatawarang sex appeal. Blog ko 'to. Bago ka magmarcha sa Makati at magbalak ng kudeta dahil sa nabasa mo ay uulitin ko, blog ko 'to. Bukod sa mga nabanggit ko, imposible akong hindi maalala dahil sa dalawang dahilan. Una, asa gate pa lang ako ay matatanaw mo na ako kahit na asa kabilang dulo ka pa ng eskwelahan. May taas akong anim na talampakan at dalawang pulgada at may timbang na katumbas ng dalawang tao. Lima kung si Mahal ang gagamiting batayan. Pangalawa, mayroon akong pangalan na parati man nating naririnig na bahagi ng pangalan ng Pinoy ay bihira namang gamitin bilang unang pangalan. Abad. First name ko yun.Marami na akong naging karanasan na nagsimula lang dahil sa pagkakaroon ko ng pangalan na apelyido ng marami. Ang iba sa mga ito ay nakakatawa at ang iba naman ay nakakapikon. Gayunpaman, tinatawanan ko na lang din kahit ano pa ang kahinatnan.

Sari-saring reaksyon ang naririnig ko sa tuwing magpapakilala ako. Madalas kong marinig ang mga gasgas na hirit tulad ng "Abad? A bad dog." Ang paborito kong bersyon nun ay yung tinext ng kaibigan ng kaibigan ko na namangha siguro sa pangalan ko kaya ako tinext ng "Abad. bad dog. Sit! Play dead!" kahit hindi naman kami magkakilala. Nang gumawa ng ingay ang TV ad ng mountain dew ay napalitan naman ito ng "Abad? A bad cheetah." Pero hindi mawawala diyan ang pinaka paborito ng lahat, ang "Abad? Jose Abad Santos." Tama, ang pangalan ko ay nakatatak sa lahat ng isang libong perang papel ng Pilipinas at sa likod ng mga Catleya notebook. Siguro naman ay alam mo na ang naging sikat na hirit sa pangalan ko ng sumikat ang kantang Bad day.

Marami din naman ang sadyang mausisa. Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong natanong kung bakit yun ang pangalan ko o kung saang bansa daw ba ito kinuha. Ang totoo niyan, sa apelyido ng kumpare ng lolo ko sa tuhod kinuha ang pangalan ko. Hindi ito kasing kulay ng kuwento ng mga pangalang hinango sa bibliya o kaya ng mga sikat na mga taong kinain na ng lupa. Nang nag Asian Studies ako ay naisip kong isagot na sa Hyderabad o kaya sa Islamabad ako pinanganak para makasakay sa pagiging Asyano pero hindi ko na tinuloy.

Marami din akong nakakainis na kuwento dahil sa pangalan ko. Kumuha ako ng kopya ng Birth Certificate ko sa NSO hotline noong nakaraang Marso. Ito ang kapirasong naalala ko sa paguusap namin ng operator:

O: First name please?
A: Abad.
O:First name po.
A:Ah, Abad.
O:Ah, unang pangalan po nila. (may tono na parang nagsasabing Tanga! First name hindi apelyido)
A: Miss, alam ko po ang first name, Abad nga. A-B-A-D
O: Ano po ulit?
A:Abad. A-B-A-D (may tono na sinong tanga ngayon? asa unang apat na letra yan ng alpabeto palitan mo lang yung C ng A hindi mo pa ma-spell)

Sa paghanap naman ng rekord ko sa mga klinika at ospital ay madalas kong mahilo ang mga nars. Lagi kasi nilang sa A hinahanap ang rekord ko. Minsan kahit nahalata ko na ang kamalian nila ay hinahayaan ko lang na maghanap pa sila ng konti. Kapag nagsawa na ako ay saka ko sasabihing "Sa A niyo po yata hinahanap, Enriquez po ang surname ko."

Noong nakaraang sem naman ay pinatawag ako ng Accounting office sa SPUP dahil may kulang pa daw sa binayad ko. Gusto ko ng magamok dahil tandang tanda ko na binayaran ko ng buo lahat ng bayarin noong umpisa pa lang. Kahit anong pindot nila sa keyboard ng computer ay hindi lumalabas ang pangalan ko. Enriquez pala ang inencode na first name ko kaya hindi nila mahanap. Karma ko na siguro yun sa pagaaksaya ng panahon ng mga nars.

May iba namang tao na kahit matagal ko ng kakilala ay nalilito pa rin. Hinding hindi ko makakalimutan ang kaklase ko last sem na nagtanong sa akin ng"Abad, anong pangalan mo?" Parang naguluhan pa ako sandali bago nakasagot. Hindi kayang iproseso ng utak ko ang tanong niya. Nagtawanan ang ibang kaklase ko at sila na lang ang nagpaliwanag. Lagi rin akong napupuna kapag alphabetical ang ayos ng pagkakaupo namin sa classroom. Dapat daw sa harapan ako. Bibilang ako ng mga limang segundo bago nila maisip na Enriquez ang apelyido ko.

Ang propesora ko naman sa literatura noong 1st year ay naiilang daw sa pagtawag ng apelyido sa mga estudyante niya. Nagpaliwanag akong pangalan ko naman yun pero hindi daw siya talaga komportable. Ang ending, tinawag niya akong junior. Mali," juuuniyeeer" na talaga namang may halong pangungutya pa sa pinakamalaking estudyante niya sa klase.

Pero ang pinakamatindi sa lahat ng pagkalito ay ang text message ng sobrang ganda kong kaibigan na si Yenyen noong nakaraang Undas.

"abaaaaaaaaad!!! Natkot ako, my nkta akong lapida dito sa loyola nakalgy, enrique s. abad!! Saka k lng naalala. Katangahan nanaman!!!:)" Pati ako ay medyo natinag. Tignan mo nga naman, nakalikha ako ng kuwento dahil lang sa apat na letra.

Ikaw, anong kuwento ng pangalan mo?

38 comments:

Anonymous said...

wahahaha... napakaganda ng pagkakagawa. Swerte ka pa nga sa pangalan eh. Nagkaron ako ng inferiority complex dahil sa pangalan ko na wag mo nalang itanong kung ano. hahaha.. Nice post abad. Pwede pa siguro magkaron ng nickname yang a-b-a-d no? konti lang naman ang permutations niyan.

Abad said...

Naisip mo din?Nakalimutan kong isali yun. marami ngang pwede, pwedeng aba o kaya bad o kaya ba pwede ring a. Shopi nick name mo diba? oo nga, ano ba pangalan mo?

Bryan Anthony the First said...

1. haba ng post
2. anong ginagawa mo sa tuguegarao?
3. a-badaff??

:-)

woof!!!

Tsina said...

nice. :)

Eumibunny said...

hi hi. :)

aleli said...

woohoo.. napakahenyo ng post na ito. nakakatuwa ang ABAD story.. nung nakita ko itong blog mo noon, akala ko talga Abad ang Lastname mo. Mabuti na lang ginawan mo ng kwento.atleast alam ko na now. oi meron din akong friend name nya: Garchitorena Cecilio(di ko alam kung alin jan surname nya)..mejo two years na rin kaming close..nahihiya ako magtanong..ahaha...pero ang nickname nya (GARCH) kaso silang dalwang magkapatid pareho GARCH ang nickname.

dak/james said...

fun tong post mo ah, ng-UST ka pala, sayang naman, bat ka lumipat? masasabi ko lang, abad is not a bad name... hehehe... be proud of it!

Mariano said...

That's a great post! I enjoyed reading it. Having that name would certainly tickle most people's imagination.

And it certainly tickled mine. Haha.

Anonymous said...

bwiset
hahaha
ako nga nabubulol
sa sarili kong pangalan
yung
introduce yourself portion
ang pinakaayaw ko
sa start ng classes

hi my name is
xie xie xienah nah
pft
:)

akala ko nga talaga
apelyedo mo
yung abad
:)

Anonymous said...

tae nga
nominado daw ako?
akalain mo yun?
e di naman ako
entertainment blog
in the first place.

Cordillera Blogger said...

akala ko code name lang ang Abad...ikaw hero ang pangalan mo ako maka-diyos masyado...kulang na lang ay ilang santo na ang pinagdasal mo pag nalaman mo pangalan kow...ganda ng post...GALING!

FerBert said...

di ko na binasa. andito na ako makati.KUDETA! lol

abad, bad dog! haha

RedLan said...

aba abad dog. marami agn naging storya ng pangalan mo. baka ilagay yan sa guiness book of world record.

enriquez abad. abad enriquez... at ako'y nalito. AE na lang.

Anonymous said...

it's four in the morning and my mom will murder me then burn me pag nalaman niang gising pa.

why?
dahil sa lakas ng halakhak ko sa linyang ito:

"Abad, anong pangalan mo?"

RedLan said...

special mention ka pala sa bago kong post.

Alvin said...

natuwa naman ako sa post mo.

kahit mahaba binasa ko dahil nakaka engganyo.

naalala ko si bob ong sa uri ng panulat mo.

nga pala, dhial sa iyong talento sa pagsulat, ni tag kita. hehe

Anonymous said...

akala ko noon ang pagkakaron ng pangalan na title ng drama sa tv - "mara clara" ay malala na.

hands down sa iyong kwento!

ps. akala ko pseudonym mo ang abad XD

Abad said...

bryan, honga nakalimutan ko din ilagay yung abadaff. Nagaaral ako dito.

tsina, eumity, salamat sa pagdaan.

Aleli, thank you! Hula ko Garchitorena ang surname niya kasi ang sagwa naman kapag pangalan niya yun.

dack, proud ako sa pangalan ko! sinipa ako sa UST. salamat sa pagdaan.

Mariano, Tama ka. Pero ang ibang tao hindi masyadong malawak ang imahinasyon. Ayoko yung tumatawag sa aking ng a-good. haha. salamat sa pagbisita.

Xienah, buti naman ngayon ay nalinawan ka na sa pangalan ko.

Mojo Potato, salamat! ano ba pangalan mo? John? Mark? Luke? Pedro? Hesus?

Ferbert, kalmahin mo ang kalooban mo! Kung hindi padadalhan kita ng tangke jan.

Redlan, masasanay ka din. Ulitin mo lang nga dalawampu't dalawang beses bago ka matulog. Abad Enriquez.

Chito, haha. Ang hirap talaga saguting ng tanong na yan, napapanganga na lang ako. Hindi ka ba nalito dati sa pangalan ko?

Lad, salamat sa pagbasa ng buo sa entry ko! Wow, Bob Ong. Mas magaling siya ng milya milya sa akin.

Madnotes, yun din ang akala ni Mojo Potato. Uy. haha. Salamat!

Anonymous said...

ok nga eh. simple at kakaiba ang pangalan mo. may iba kasi kakaiba pero ang hirap spellingin wahahah. ano kaya ipapangalan mo sa mga anak mo no? :D

graceless said...

wahahahahahahah! tawang tawang tawa ko nung kinuwento sakin ni yen yun kahit sa txt lang.

at yung bad day na song.. naaalala kita pag nadidinig ko yun pero hindi dahil sa pangalan mo [hindi nga sumasagi sa isip ko yun eh.. slow ko talaga].. kasi diba kinakanta mo yun tas hindi mo na alam yung lyrics.. parang yung kanta ni bo bice. hahahaha. saka ano.. bipolar na din ata ko. tinatamad na din ako pumasok. hahaha. kanina hindi nanaman ako pumasok kahit may quiz kami sa mandarin. wala lang hahaha nasabi ko lang.

saka pala yung theme song ng SM.. hahahahahaha

arvin said...

nakakatuwa naman=) and nice story-telling!

Anonymous said...

Haha. Oo nga. pohtek ang kulit. 00 nga malilito ka talaga. ang daming abad ang apeliyo jan sa tugue. hehehe

Anonymous said...

ha haha... tama!! ;)

i too was confused dahil akala ko abad is yer surname,, well, it doesnt make any difference dahil kahit anong gawin nila hindi pa rin matatwaran ang sex appeal mo diba!??

;)

ni link nga po pla kita ;)

Anonymous said...

abad! finally limabas na pangaln ko sa blog mo! hahahah!!! ambida kc ng pangalan mo. sali ka sa pakana ng artistang artlets ( sa UST, one of your formal schools.. :p). naghahanap cla ng gustong maging bida. tanggap ka n gad! hahaha...

c u soon abad! labyu! muah. -yen

Anonymous said...

abad! finally limabas na pangaln ko sa blog mo! hahahah!!! ambida kc ng pangalan mo. sali ka sa pakana ng artistang artlets ( sa UST, one of your formal schools.. :p). naghahanap cla ng gustong maging bida. tanggap ka n gad! hahaha...

c u soon abad! labyu! muah. -yen

The Wandering Deity said...

weird nga ng mga pinoy noh?

tatay ko shempre nakaisip ng name ko. first born. he wanted a boy para the third niya. pero girl ako.

panget maging Diosdada ang panganay nila. sagwa noh? buti na lang at least kahit paano, may sense of fashion ang tatay ko kaya i was made a junior although it's more like the 6th month with the usual Mary added before it.

you got it?

i like Abad.unique. ende boring. i'll call ya ABS! how's that. ang tanong, me abs ka ba? hahhaha!!!

oist nigawa ko na tag mo ha!

Anonymous said...

woy.
ano na naman
ang kababalaghan mo
sa mga award award?
dapat may credibility ka na
kapag ganun
:D
wala pa yata ako TAYO nun
hahaha

**jabeh** said...

O e di maganda nga kakaibang first name... lumang last name nga lang... e ako naman... lagi tinatanong... san nanggaling pangalang ko? first name pa lang. "JOHN BAILOR" na... two words... e nung grade one ako, pag pass your paper na nagsusulat pa lang ko ng pangalan... kamusta naman yun...

maswerte ka na sa panga lang mo... ano gusto mo "TEMBONG"...

http://jabeh143.wordpress.com

Anonymous said...

hek^^, matindi!

Anonymous said...

hello po. nagawi lang dito. hindi ko na maalala kung paano. pero natuwa ako sa post mo. nakakaaliw.

ako naman, ang nickname ko kasi ay mnel. everytime may magbabasa ng pangalan ko, lagi nila akong tinatanong kung paano binabasa yun. haha. most of the time, manel o em-nel ang basa nila. once may saktong nakakuha ng tamang basa which is minel... pero ang pinakapanalo so far eh yung "manuel". amfness. ginawa pa akong lalaki. =P

Anonymous said...

pasensya na, ngayon ko pa lang to nabasa kaya ngayon pa lang din magrereact.

firstname mo ...
ABAD?
ok naman ...
DABA?

n_n

Anonymous said...

hehehe dapat pala maging maingat ako sa pagbigay ng pangalan sa anak ko ehehehe

n-link kita huh...

ilokano ka manong?

Anonymous said...

hahhaha nice nice Abad!!! me kwento din sa pangalan ko, yun nga lang as a whole name not just first name tulad ng sayo(which is i think mas cool gawan ng kwento ^_^). nakakatawa at nakakainis din, well most of it eh binabale wala ko nalang as a natural occurrence sa everyday life ko ehehhe! gusto ko ring gawan ng kwento pero magiging gayagaya aku ^_^, i'd just keep it for my self or for those who ask. heheh anyway GOOD WORK!!! grats^_^

-wesley espiritu

Anonymous said...

Ewan ko kung sino ang tanga noong ni-register ka. Yung Registrar employee o yung nag-register sa yo. O pareho sila na hindi alam ang ibig sabihin ng FRIST NAME!!!

Anonymous said...

Nice read! Very entertaining aside from it's a real story. So, what's new in Tugue? Tagal na ako di nagpunta dun eh..
-Joh-

Anonymous said...

ako nga lageng npagkakamalang lalake yung pangalan ko. pesteng jomari yllana kaseng yan!
ayos. napapatawa akong magisa nitong entry na to.

Anonymous said...

abad anong first name mo? hehehe...

galing naman, simple pero dahil sa galing mong sumulat naging the best ang gawa mo... galing galing...

padaan lang... pasyal ka sa bahay ko pa malaman mo kung anong kwento ng pangalan ko. salamat hihintayin kita...

lesley said...

ABAD, mr. best debater.

astig ng post ah.. hahaha tamang tamang tama.. nakakalito nga talaga name mo. hehehe..kahit naging klasmeyt pa kita sa marketing nung 3rd year eh nakakalimutan ko paring first name mo eh abad.. ehehe

peace!:-)