"Be honest, even if others are not,
even if others will not,
even if others cannot."
-anonymous
"Pakyu ka anonymous! Mapanghusga!"
-others
Kung meron akong piso sa bawat estudyanteng kakilala ko na hindi nakaranas mangongpya pag quiz, wala ako kahit isang piso ngayon. Parte na ng buhay estudyante ang pangongopya. Diyan tayo nakakabuo ng sarili nating alliance. Dyan din natin makikilala ang iba't ibang klase ng estudyante pag quiz o exam ang eksena. Ito ang ilan sa kanila:
User-friendly - Sila ang mga taong kinakausap ka lang pag manghihiram ng notes o kaya ay pag may naka-schedule na quiz o exam. Madalas ay parang hindi ka niya kakilala pag nakasalubong mo sya sa corridor. Magtataka ka dahil alam naman niya pati middle name mo dahil pati yun ay nakopya nya noong nakaraang exam. Sa gabi, pag tinext mo sya para ibalik na ang hiniram na notes mo ay rereplyan ka lang niya ng "hu u?"
Palengkero - Mahirap sila hanapin pag may quiz na. Palipat-lipat sila ng upuan hangang makahanap ng Bespren ng Bayan. Para silang namamalengke ng sagot, hindi titigil hangang hindi nakukuha ang pinakasariwang sangkap. Pag nasita sila ng teacher madalas na palusot nila ang "Ma'am hindi ko makita pwedeng lumipat sa harapan?" o kaya, "Mainit po kasi sa harap kaya lumipat ako sa likod." Pag nagkaubusan na ng eksplenasyon ay sila pa ang makapal na nagsasabi ng "Nahuli ko po kasing tumingin sa papel ko yung katabi ko kaya lumipat ako dito."
Bespren ng Bayan - Pinaglihi sa pagbibigay ang mga estudyanteng ito. Hindi sila marunong magtakip ng papel pag exam. Madalas pa nga kahit wala sa plano mo ang mangopya maririnig mo na lang silang bumubulong ng sagot. Invited siya sa lahat ng inuman. Madalas silang ilibre sa canteen pagkatapos ng quiz. Badtrip sila katabi pag nagreview ka talaga kasi sasayangin lang nila ang pagod mo. Magingat lang dahil ang iba sa kanila ay malakas lang ang loob magbigay ng sagot pero hindi rin naman tama.
Bespren ng iilan - Sila ang mga wais. Nagrereview sila at pinipili lang nila ang pagpapakopyahan. Pag hindi ka nila crush, textmate o kaibigan, huwag ka ng tatabi sa kanila dahil nagiging Buwakina sila.
Buwakina - Kung mahigpit ang propesor mo sa seating arrangement at sila ang nakatabi mo, may dalawa kang choices - magaral ka ng puspusan o i-drop mo na ang subject. Kung babae sila at mahaba ang buhok, nagmimistula silang Sadako pag quiz. Nakalugay ang buhok at nakaharang sa mga sagot. Kung hindi naman ay may dala silang panyo para matakpan ang sagot nila. Kung user-friendly ka ay sila ang dapat mong kaibiganin dahil madalas ay wala sila masyadong kaibigan.
Bluffer - Parang Buwakina rin sila pero mas cool ang dating. Paborito nilang linya ang "May quiz ba? Shit, hindi ko alam! Notes nga!" pero ang totoo magdamag silang nagreview noong nakaraang gabi. Ayaw lang nilang magpakopya at gusto lang nilang magmukhang matalino dahil pumasa sila kahit hindi nagreview. Hihirit sila ng linyang hawig sa "Wow, pumasa ako, hindi pa ako nagrereview nyan!" pagkatapos maibigay ang score.
Tamang Zen - Wala silang pakialam. Lagi nilang iniisip na papasa rin naman sila kahit anong mangyari. Niloloko nila ang sarili nila na babawi na lang sila sa susunod na quiz. Memorize nila ang mi-ni-mi-ni-my-ni-mo sa lahat ng version hangang remix. Mapapansin mong sila ang kauna-unahang nagpapasa ng papel. Pag may essay naman ay nakatingin lang sila sa kawalan at kunwari'y nagiisip. Sa swerte lang sila umaasa at sa paminsan-minsang pagbulong ni Bespren ng Bayan ng sagot.
Sino ka sa kanila?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
tamang zen na bwisit sa mga bluffer.hahaha.
me kaklase kong ganun ngaun sa anatomy lab--'oh my god,you guys..im SOOO scared right now?'
(oo,accent nia ung laging patanong ung intonation sa end ng sentence)
tapos biglang 9/10.
tas sisimangot.
teacher:'what's wrong?'
bluffer:'i didnt do well. =( '
ako:ambisyosang unggoy--eh tres lang nga nakuha ko!
HAHAHA.
Chito - Ahahaha, sarap batukan yung mga ganun. O kaya pwede mo ding kaibiganin, ahaha user.
Minsan Bluffer, pero madalas tamang zen din. hehe. :p
-anne-
true. kahit ako, I've done it when I was in Mapua :)
eh yung sa mga nanghihingi ng leakage sa ibang section? dun ako..
i hate bluffers. ang sarap hampasin ng OHP sa mukha. eh, ayoko rin yung OHP, masakit sa mata eh,
Anne, Dre- salamat sa pagdaan.
Gyk- honga no, siguro sa palengkero pwede yun kasi nangangapitbahay pa sila para makakuha ng sagot. :P
ako to "Bespren ng iilan". hindi kita pakokopyahin kung hindi kita kras. Ui salamat sa link.. sige ililink na din kita. APIR!
ako yata
ang bespren ng bayan.
mabait ako e.
haha
teka
ako superstar?
hmm.
pagisipan natin
ng mabuti yan.
baka naman kasi
sa link ko ikaw kumukuha ng matatalunang blog.
:)
nilink na rin kita
salamat
:)
may kasabihan "kung mangongopya ka na rin lang, lubos-lubusin mo na kz kahit ilan lang ang kinopya mo o lahat, nangoypa ka pa rin"
ang husay. yung zen ako, definitely. whaha
Nasubukan ko nang maging lahat--pwera lang yung User-Friendly..
Nakalimutan mo yung tinatawag namin nung high-school na pyramid, yung grupong nakadepende sa isa't-isa para hindi sila babagsak.. Bawat isa mag-aaral ng isang subject, para lahat may expertise.. Tapos pag dating ng mga exam, sila-sila lang ang nagpapalitan ng sagot..
At ang favorite ko eh yung auto-pilot.. Iiwan mo lang yung test-paper mo sa kanya, pag balik mo, may sagot na.. Hahaha..
Sabi nga, "It's better to cheat than to repeat.." ^_^
Link exchange!! ^_^
Electric Itlog - Hanep yung auto-pilot, may kaklase akong ganun noong high school, sya nagpoprovide ng answers naming lahat pag math.
oo nga... everybody cheats! even your professors did that when they were younger.
never been to tugegarao pa...
oo nga... everybody cheats! even your professors did that when they were younger.
never been to tugegarao pa...
hello there Abad. ang galing galing ng post mo. it brought back memories 20 years ago when i was in college. hahah.
tamang bluffer ako. lagi. trip na trip ko yung maimpress ang mga fwends ko na perfect ang score ko kahit surprise quiz ang bigay ni ma'am. hahhahahha!!!
csi junkie na nga ako kase when you're far away from your loved ones, you have no choice but to find something else that will make you busy. csi makes my day, all the time!
happy blogging!!!
link kita ha.
I tagged you parekoi!!!
hindi ko alam kung sino ako jan. pero mabait ako pagdating sa pagpapakopya.. ha haha...
Lols...nakakatuwa. tama ka sa mga description mo. I hate bluffers too... :)
Thank for visiting my site...
Ako dati nung absent aKo tapos nung kinabukasan may exam pala, wala akong alam..haha, nangopya aq sa tapat ko, buti nlng nakatiwangwang ung papel nia kaya nakikita q though di tlga sia nagpapakopYa, magaling lang talga ako, eh biglang natakpan nia sa pang anim so nangopya aq sa kabilang side q, nakita ko ung sagot nia sa number 6. tapos yun lng ung nakopya q kasi natakpan din nia, so bumalik aq sa una kong kinokopyahan kasi kita q na uli, gang sa kahulihulihan nakopyahan q yon, ang resulta.. ako lang ang nakaperfect!! hahaha... pinatayo aq ng teacher namin at pinalakpakan ako ng mga kaklase ko kasi perfect ako..hahaha.. yung katabi ko ang mali nia number 6,yun yung time na natakpan nia kaya napakopya aq sa isang side.. haha.. tapos nung natakpan bumalik aq sa kanya, kaya tuloy naperfect q..azteeeeegggg..hehe...wala lng..
Post a Comment