Nadatnan mo na ba ang sarili mong nakaupong magisa sa isang kapihan at napawari kung ano kaya ang iniisip ng estrangherang nakaupo sa katapat mong lamesa tuwing hahalakhak siya? Nasubukan mo na bang hulaan kung ano ang ibig sabihin ng lalaki sa kabilang lamesa sa mga titig at ngiti niya sa babaeng kasalo niya sa hapunan? Habang nagsusulat ako ngayon at sinusulit ang pangatlong refill ng kape sa katangi-tanging kapihan sa Tuguegarao na may wi-fi ay hindi ko mapigilan ang sarili kong basahin ang galaw ng aking mga kasabay. Samahan ninyo ako sa aking pagkamangha sa mga mukhang malamang ay hindi ko na muling makikita ngunit minarapat ng mundong ito na makasabay ko ngayong gabi.
Tanaw ko ang lamesa sa kanang sulok ng smoking area na kinauupuan ko ngayon ang isang pares na nagkukuwentuhan at nagtatawanan matapos kumain. Mukhang Amerikano ang lalaki at ang babae naman ay hindi makakailang taga rito kahit pa nakatina ang buhok. Siguro ay sa internet sila nagkakilala dahil ganoon naman lagi ang mga nadirinig kong kuwento. Hindi man maliwanag ang parteng iyon ng establisimentong ito ay naaninag ko ang mapungay na mata ng babae sa bawat panakaw niyang pagtingin sa kanyang kaharap. Naisip kong hindi pa sila gaanong magkakilala kaya hindi pa niya ito matignan ng diretso. Naririnig ko ang kanilang magkaibang punto ng pagiingles at napatanong ako sa sarili kung nagkakaintindihan nga ba sila? Totoo kaya ang tawa ng babae o pinipeke lamang niya yun upang hindi mapahiya ang kasama? Kagustuhan kaya niyang sumama sa Amerikanong ito o kinailangan lang? Sa makailang pagtingin ko sa babae ay saka ko lang napansin ang kanyang ganda. Para bang nakita ko na sa kabila ng kanyang may kulay na buhok at makinang na damit ay ang isang simpleng probinsyanang naghahangad lang ng maayos na buhay para sa kanyang pamilya. Masyado na yatang malayo ang narating ko sa simpleng tanawin lang. Wala namang makakapagsabi kung ano ang tunay na hangad nila sa isa't isa kung hindi sila lang. Hindi naman imposible na ito ang simula ng isang masayang relasyon para sa kanila. Hindi rin malayong mangyari na kabaligtaran nun ang patutunguhan ng kanilang paguusap ngayon. Sino ba naman ako para humusga?
Sa loob naman ng coffee shop ay nakaupo ang kadarating lang na pares na abala sa paggamit ng laptop at mp3 player. Ilang dangkal lang ang layo nila sa isa't isa dahil pinagdidikit sila ng tig-isang piraso ng earphone na kanilang pinagsasaluhan. Siguro ay matagal-tagal na rin silang magkakilala. Mahirap sabihin kung magkaibigan sila o kung higit pa dun. Kaswal na kaswal lang ang dating nila pero may nagsasabi sa akin na ang lalaki ay may pagtingin sa babae. Alam mo yung dating na para bang iniisip niya ang susunod niyang sasabihin? Kung tama ako ay malamang alam ko na ang laman ng isipan niya ngayon. Ayaw niyang magmukhang masyadong agresibo o masyadong interesado. Tinatantya niya kung may pagasa ba sya o maaaksaya lang paggamit niya ng gel at pabango ngayong gabi. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na ako naman ang nasa puwesto niya.
Hindi makita ng iba ang sarili nilang kumakain magisa sa labas. Mahirap nga namang mapaligiran ng bakanteng mga upuan habang naririnig ang tawanan ng magkakaibigang kasabay mo. Pero sa dalas kong ginagawa ito ay natutunan ko nang magustuhan. Natutunan ko ng tanggapin na wala mang malaking kaganapan sa buhay ko ngayon ay dapat na akong maging masaya dahil mayron naman sa iba. Isa nanaman ito sa mga gabi ng buhay ko na kung hindi ko sinulat ay magtatago na lamang sa likod ng aking mga alaala. Sinong makakapagakala sa mga inosenteng taong pinagmasdan ko ngayon na nabigyan nila ako ng kuwento? Maari din na bukas ay ikuwento nila na mayroon silang nakasabay na wirdong tingin ng tingin sa kanila.
Nakakamangha talaga kung paano pinaghahabi-habi ng lumikha ang mga kaganapan na bumubuo ng ating sarisariling mga istorya. Kung paano tayo nagiging karakter sa mga kuwento ng taong hindi naman natin alam ang pangalan. Ngayong malamig na gabing ito ay ako ang lalaking walang magawa kung hindi pagmasdan ang posibleng kuwento ng pagibig ng ibang tao. Tinadhana nga siguro na makita ko ang lahat ng ito para malaman ko na maaring bukas ay ako naman ang nasa kalagayan nila. Darating ang panahon na ako naman ang magiging bida ng sarili kong kuwento. Maaring bukas ay ang kuwento mo naman ang isusulat ko. Pag dumating ang iyong panahon, pagmasdan mong maigi kung may nakatingin sa inyong lalaki habang nagpapanggap na abala sa pag-iinternet. Huwag kang magalala, hindi siya rapist, ako lang yun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
34 comments:
i hate you.
haha
yan ang ayaw ko e
yung mga taong
tingin ng tingin.
kapag ganyan kasi
nararamdaman ko
na may tumitingin sa akin
at napapatingin din ako.
get?
dapat nilibre mo sila
ng kape dahil
nakagawa ka ng istorya
dahil sa kanila
kaya ayoko tumatambay sa mga coffee shops eh.. pero, nice observation abad..Ü
aylavet!
next time,sabay taung mang-iistalk sa istarbeks.
pag sinilbihan tayo ng restraining order--anu pa't naimbento ang binoculars? =D
abad!!!!!!!!!!
gumawa ka n kya ng libro! kalabanin mo c eros atalia! humihirit n nmn kc xa ng bagong copi-teybol buk!
-yen
Xienahgirl, hindi naman ako pahalata tumingin. Wala akong panlibre sa kanila eh, nagpunta lang ako dun para maginternet.
Aleth, salamat.
Chito, talagang may pagka-stalker ka eh no? Sige, ilibre mo ako ng kape pag uwi mo. O kaya daan na lang ako jan one time, magkakape lang, balikan.
Yen, haha. wala pa ako sa kalingkingan ni Atalia. Sabihin mo pag narelease na ang libro niya para makabili ako.
nakuha mo ang lahat ng mga tagpo sa isang typical coffeeshop... hehehhe... ung couple na amerikano at babaeng may kulay ang buhok... malamang nagkakilala nga sila sa internet! hindi un compliment kung tatanungin mo ako... kasi it only means na "exotic" ang beauty nung girl... meaning... mukha daw ________! hahaha... ay ayokong ituloy! hahahha... just fill in the blanks na lng! ^_^
thanks for visiting and writing your comments!
Natuwa naman ako sa nahinuha mo sa kanila -
dati noon may kabarkada ako, mahilig tumingin sa ginagawa ng mga tao tao. sabi namin usi sha, parati nyang sagot, "ndee, observant lang", sabay ngiti.
Marami pong salamat sa pag link :)
galing... fan mo na ko simula ngayon.
so fun. gawain ko din ang magobserba ng buhay ng mga nakakasabay ko sa jeep at gawan sila ng kwento.. which is most of the time malicious. hahaha. IM KIDDING. minsan iniisip ko kung ano ba iniisip nila. kung may problema din ba sila, ganun.. hindi mo lang alam meron na ding nakatitig sayo abad. ginagawan ka na din ng kwento. hahaha. magingat ka! :P
mayabang may wifi jan. :D
Nosy bastard, i like your entry. You finally made sense
hahaha....
regarding my blog... yes i did that on my own...
ayaw ko din ng may nakatingin... lalo pag di ko kilala...
pero pwede kung ako lng titingin.. ahahaha
Abad.. langhiya ka, sa tabi pa ng simbahan ka nagkape tapos kung ano ano naiisip mo hahahaha. Tumambay ako doon nung isang araw nang naisipan kong umuwi ng tugue. hehehe
Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya, na pag may mang-aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo.
Good weekend
hahaha. i couldn't stop laughing. that's y i hate internet bars and coffee shops, too many on-lookers. but at least your judgment are subtle. take care.
by the way, ternuhan mo naman ng sago at gulaman ang pansit.
yatot, hindi mukhang ____ yung nakasabay ko. swerte si kano. salamat sa pagdaan!
Grace, oo may wifi dito. pareho kayo ng reaksyon nung isang kaibigan ko ng nalaman nyang meron. may wifi din sa school, naunahan pa yata yung school mo. ahaha.
madnotes,jb,david santos, salamat sa pagdaan.
anonymous, i'm taking that as a compliment.
iceyelo, sa susunod na uwi mo, magingat ka sa brewyread baka andun ako. haha.
lawstude, salamat at mukhang nagustuhan mo. kunwari lang subtle ang mga obserbasyon ko, hindi ko lang maiisulat yung iba. haha.
galing ng pagmamasid... pag may nakita akong lalakeng nakatitig sakin sa tambayan kong coffee shop ay lalapitan ko agad sya at tatanungin: Abad ikaw ba yan?
ignoramus, wow. hanapin mo si chito at sabihing sa wakas ay may member na ang fan club niya. salamat.
fer Bert, ingat lang dahil baka pag hindi ako yun ay masapak ka.
nice post.. baka ikaw yung katabi ko sa kapehan kanina? lolz.. anyway, salamat sa comment..
hope to read from u again soon!
creepy! haha jok.. ako man din ay gumagawa ng kwento sa mga nakikita ko pag walang magawa pero di naman yung obvious aheheh .. mukhang masaya ang blog mo ah, babalik-balikan kita :D
He he. Iba yata epekto ng kape diyan sa inyo.
may ginawa rin akong ganon
dati
hanapin mo na lang sa site
pero parang naulit na nga ito
part 2 kumbaga.
na-high ka sa kape noh...oist! exlinks tayo...punta ako tuguegarao for a presscon nxt year eh...february yata yun...hehehe...
pasaway! magkape ka na lang noh!!!
alam mo dito sa Korea okay lang yung magstare. di ba sa atin, bad manners yun? dito, wala.
me kausap ka sa celphone, barkada mong pinay, shempre english or taglish usapan ninyo, titingin saiyo lahat ng tao sa tren. ang katapat mo, ang katabi mo, yung nandun sa kabilang dulo.
siguro sa isip nila, maraming kwento na rin ang nabuo just because i yelled "are you fucking crazy?"
at saka nga pala. yung fiance ko nameet ko rin online. pero ende ako pokpok ha. =D
nice story - biglang nagkaron ka ng characters ahhh.... ako ayoko ding mag-isa kumakain o nagkakape sa labas.. mas masaya kung may kasama kahit isa... pero un nga like you mejo sanay ka na eh...
krisjasper, baka ako yun, napadaan ako jan sa jan sa UK kanina eh.
lilmiz, salamat. hindi din naman obvious ang pagtingin ko sa kanila eh. haha.
aryo, mojo potato, baka kape ang dahilan.
the diety, deffensive ka agad eh no? kahit naman sabihin mong pokpok ka hindi ako maniniwala. ;)
rhapsody, salamat. try mo minsan, masaya.
hahahha!!!
i know you'd say that.
i had to blurt that out because some peeps think it's not "normal" to be engaged with someone you just met online.
oh well...live and let live.
magsimba ka ha!
abad, abad, X-links tayo ha? add na kita. at oo nga, nakaad ka kay grace. lol.
napo-phobia rin ako minsan pag may ganyang umaaligid aligid sa akin..
aba kahit lalaki ako iniingatan ko pa rin ang pagkalalaki ko ah..
;)
bakit kingdaddyrich? long story eh.. ;)
hind pa pala tyu magka link ano?
magmasid ng may maisulat. great post =)
hi there! thanks for visiting my site and leaving a comment. nice site! care to exchange links?
wow. opo christian po ako and i go to victory @ ortigas when i have the time (like once a year?lol joke)
ayos ang takbo ng kwento mo, natural na natural. salamat sa pagdaan mo sa blog ko. :D
im free on wednesday.ill wait for you downtown tas hatid kita sa airport around 6 or so.
sounds good? =D
I know how to stop smoking!
I've done it already!!!
I'm not a smoker now!!!
You can do it too!!!
Post a Comment