Jan 7, 2008

Exam week

Exam week namin ngayon. Sa dati kong eskwelahan ay "hell week" ang tawag ng iba sa exam week. Nakasalamin ang mga bibbo, walang kolorete sa mukha ang mga babae at hindi tusok tusok ang buhok ng mga lalaki. Sa linggong ito pwedeng masukat ang kahandaan ng mga estudyante sa kapal ng kanilang eye bags at sa dami ng bitbit nilang libro. Sa ibang unibersidad nga raw ay hindi na maharap maligo o magbihis man lang ng ilang estudyante. Kaya nga siguro hell week ang tawag dahil nagkalat sa campus ang mga zombie na mukhang bumangon mula sa hukay.

Sikat na tambayan ng mga estudyante ang kapihan, convenience stores at mga fast food na bukas bente kwatro oras para magreview. Tanong nga ng propesor ko dati ay, wala daw ba silang sariling mga kwarto na pwede nilang gamitin para makapagbasa ng tahimik? May mga
pampublikong lugar naman talagang akma para sa pagaaral tulad ng mga kapihang malapit sa eskwelahan o malayo sa mga sikat na gimikan. Sa mga lugar na gaya ng nabanggit ko ay pwede kayong makiusap sa mga kasabay ninyo na hinaan ang mga boses kapag naguusap dahil nakakaabala sila sa inyo. Pero kung may balak kang magaral sa mga kapihan sa kilalang puntahan ng mga tao para mag-party at magingay ay huwag kang magrereklamo kung may nakakaabala sa'yo, pwera na lang kung naghahanap ka talaga ng away.

Hindi ko alam kung paano nagagawang magaral ng iba sa pampublikong lugar. Hindi pwede sa akin ang ganon. Mukha kasi akong tanga pag pinipilit kong intindihin ang mga binabasa ko. Kung may kasabay naman akong magaral ay makikipagkuwentuhan lang ako hangang sa makalimot na kaming pareho na may exam kinabukasan. Hindi tuloy ako naiimbita ng mga kaibigan kong sumama sa kanila para magkape habang nagrereview. Isang beses lang akong nakasama sa gimik habang hell week noong minsang gusto daw nilang manood ng sine at magpahinga muna sa pagbabasa. Hayup. Saka lang ako maaalala pag labas na sa pagaaral ang lakad.

Mistulang may grand assembly ng mga tamad sa klase ang mga photocopy centers tuwing exam. Sa mga panahong tulad nito bida ang mga masisipag magsulat. Kapag hindi mo sila kaibigan ay magdasal kang may kaibigan kang kaibigan din nila dahil yun lang ang pagasa mong magkaroon ng kopya ng mga notes na kailangan mo para makapagaral. Bida rin ang mga masipag magdala ng USB flash drives at walang takot na kumukopya ng mga presantations ng propesor ng walang pahintulot. Paano kaya kung ipagbawal ang photocopy machines at anumang makina o paraan na makakapangopya ng mga dokumento sa Pilipinas bukod sa sariling sulat kamay? Mababawasan siguro ang mga magaaral sa Pilipinas at baka isa na ako sa mga matagal ng tumigil sa pagaaral.

Para sa mga katulad kong may exams ngayong linggong ito, anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nagrereview ka? Dapat inuuna mo ang pagaaral kaysa sa pagiinternet.

Expected comment:
bakit ikaw nagboblog ka, hindi ba dapat nagrereview ka rin?

22 comments:

FerBert said...

oh eto na ineexpect mong comment-
"bakit ikaw nagboblog ka, hindi ba dapat nagrereview ka rin?" hahaha

gudlak sa exam.. =)

The Wandering Deity said...

ende sa akin ang hellweek nung college. hahahaha!!! magaling akong magmemorize, pati accent ng prof ko kaya kung gayahin. ende rin uso sa akin ang notes. hahahha! ala nga akong notebook na matino nung college. nigawa ko lang sketch pad. hahahahha!!! pag matching type ang exam, eeni-mini-minee-moe ang drama ko. pag definition of terms naman, tabi lang ako sa genius ng class, sabay taas konti ng palda, pati apelyido niya pinapakopya sa akin. ahhahha!!! kaya pati grade niya, copy ko. hahhahahaha!!!

o ayan ha, me tip ka na! hala, simulan mo na mag miniskirt! LOL!

RedLan said...

Oo nga bakit nandito ka nagba-blog, dapat nari-review ka ngayon?!

hindi pwede mag-aral sa kwarto dahil ang dali maantok.

pusa said...

sows bat mo naman naisip na ganun ang comment ng mga tao? hahahaha

cramming lang ang sagot jan, di na kelangan ng mahabang review diba! =)

Cordillera Blogger said...

agree ako kay redlan...pag-exam week bawal akong pumasok ng kwarto kasi aakitin ako ng malambot na kama para matulog...at bawal ang computer...at lalo na ang internet...promise di ka talaga makakapag-aral...kaya... bakit ikaw nagboblog ka, hindi ba dapat nagrereview ka rin? wehehehe pero alam mo smart ka naman eh...stack knowledge na lang! ako tinutulugan ko ang review night...kaya natatalo ko ang mga puyat at walang maisagot dahil bangenge sa antok...wahahaha...

Anonymous said...

hindi pwede tanggalin ang mga photocopy machines sa school
siyempre
may parte ang admin dun
:)

paano ka na lang
kung wala yun?

sa bahay ako nagaaral e
sa madaling araw
doon walang excuses

walang palabas
hindi ka gutom
ANTOK NGA LANG
:)

hahaha

Anonymous said...

tapos na hell week ko nung december.

sweaters na may mantsa ng kape.walang mek-ap.ponytail na binaboy.
puta,sama pa nga ng loob kong maligo nun arawaraw--sayang sa oras eh.hahaha.

bagong sem na naman ngayon.kitakits sa kapihan sa april. =D

gudlak,baboiboy.muah.

Anonymous said...

Buti nga kayo nakapag-aral.... Ayos yan abad. Keep it up. Basta pumapasok kahit wala ng aral-aral kapag exam. May mapupulot ka naman diyan kahit pano gaya ng pag-pasa ng dahil sa suwerte.

Anonymous said...

ako din inde makapag-aral sa pampublikong lugar. di rin ako pwede sa group study. mas lalong di pwede na mag-isa kasi inaantok ako lolz. hala inde pala ako nag-aaral dati, pano ako nakagradweyt ahahah gudlak sayo! pagpray kita ahehe :)

Obi Macapuno said...

bakit ikaw nagboblog ka, hindi ba dapat nagrereview ka rin?

atto aryo said...

hehe. been there, done that. I actually miss school. miss ko ng mag-cramming!

tulala.si.ako. said...

goodluck sau abad. may maisagot ka sana sa exam nyo. nakaka-miss mag-aral.

Anonymous said...

hi abad...nakikidaan lang po...hindi kasi dapat dinidibdib ang pag aaral...talagang di ka papasa non...wala naman kasi sa dibdib ang utak eh...nasa ulo....

comment ko lang kay the deity...ok ang style mo ha...ang pag taas ng palda...wag mo lang gagawin yon pag ang exam mo ay sa subject na family planning o kaya anatomy...kasi halatang halata na nango- ngopya ka nga...............hindi sa katabi mo kundi sa kung ano ang nasa loob ng palda........

Abad said...

The diety, salamat sa tip. Masusuot ko na rin ang mini skirt ko. hahaha. iniisip ko pa lang ang sagwa na.

Anonymous, salamat sa pagdaan, hayaan mo't hindi ko didibdibin ang pagaaral.

Mariano said...

Dito din parang hell week palagi. Pero dahil sa Tamang Zen ako eh hindi ako nag-aaral. Magaling ako sa pagtatamad eh. Nadadaan naman sa iyak kapag di nakapasa.

Wala nang photocopy dito, printer lang! Haha. Saka lahat ng temptations na pwede mong gawin, magagawa mo. Pasensya na lang ako at mahina akong manlaban.

Goodluck sayo Abad. Bumalik ka mula sa impyerno ha?

Anonymous said...

this brings back memories abad. dami kong nagastos sa lintek na xerox machine na yan! tamad kasi akong mag-notes eh. tapos, dami din naming nainom na ionamin, pang study group baga, para di makatulog at retentive daw ang memory. it worked, sometimes. kaso pag pumalpak, sablay. kakalase ko nakatulog habang exam!

madnote said...

gawain kong magsulat sa klase kasi inaantok ako pag nakatingin lang sa prof unless na isa sya sa mga tipong talagang nabubuhayan ka ng loob.

Kung may bayad lang ang bawat pagpapahotocpy ng notes ko, mataas na ang bank account ko.

masarap minsan magaaral sa bubong ng bahay. mahangin at di ka aantukin kasi baka malaglag ka pag natulog ka.

uy may komento galing sa nag-iisang girlpren ni Abad. Isa nga lang ba? Ahehehe

Abad said...

Salamat sa lahat, tapos na ang exams.
monaco- nakalimutan ko banggitin yang mga energy drinks saka memory enhancer.

madnotes - isa ka pala sa mga bida pag exam. salamat sa'yo. haha. kung wala ang mga tulad mo baka kahit high school hindi ako grumaduate.

Wag ka maniwala jan sa nagpapanggap na gelpren ko. binayaran ko lang yan.

The Wandering Deity said...

ke anonymous: actually, yung subject na laging definition of terms nung college ko eh Theology. at yung genius ng class eh, seminarian. kaya super laking favor nga yung ginagawa ko pakita ko hita ko sa kanya. at saka hita lang naman eh. masaya na sha dun am sure.

di ko lam kung natuloy shang magpari. feeling ko ende. feeling ko din minsan, kasalanan ko. bwahahhaha!!!

wala ko anatomy nung college. bsed course ko eh.

U.T.O.Y said...

dear abad,

donut pel bad. ganyan din ako nung nag-aaral pa. akala nila matalino ako pero sa totoo laang e naging matalino lang ako dahil pinapagitnaan ako ng dalwang nag-uumpugang utak ng cumlaude at summacumlaude namen (swerte ko no?). yun ang tip #1 ko sayo para maipasa mo ang eksamen mo.

Tip #2. matulog at uminom gatas ng ina este gatas na malinamnam bago matulog. pampatalas daw ito ng isip lalo na kapag amoy baktol ang katabi mo.

Tip #3. laging mag wiwi o magezkyus sa titser dahil naiihe o naeebakster. bakit kamo? dun mu dukutin ang kodigo mo sa CR sigurado pasado ka bata.

nagmamahal,
utoy (nagsusulat habang jumejebs)

Abad said...

Dear utoy,

unang tip, ako na ang pinakamatalino sa amin. haha. asa.

pangalawang tip, lactose intolerant ako kaya pag ginawa ko yan ay hindi ako makakapasok kinabukasan.

pangatlo, nagawa ko na yan dati, susubukan ko uling gawin sa susunod.

nagmamahal,
abad

p.s. sa susunod wag mo nang ipasok ang computer sa cr

Anonymous said...

haha talaga pag aaral istorbo sa pag blablog,lol