Jan 3, 2008

Job Vacancy

Ilang araw na ring nakikipagtaguan ang araw sa bayang ito. Sabi nga ni pareng Ice ay extreme Tuguegarao daw ang Tuguegarao. Napakainit sa maraming bahagi ng taon pero pag dating ng Disyembre at Enero ay mangangailangan ka ng makapal na kumot para labanan ang lamig ng gabi. Rason na para sa ibang tao ang kalagayan ng panahon para maging malungkot. Dahil sa ginaw at dahil may bago na talaga siya, ay lalong ipinamumuka sa'kin niyang si universe na magisa nanaman ako sa mga panahong kailangan ko ng kayakap. Buti na lang ay napakatalino ko at hindi ako desperado kaya naisip kong i-post ito:





WANTED: GELPREN

Qualifications:

-Female (It doesn't matter if you weren't before, as long as you are now)
-preferably single
-at least 5' 4"in height
-18-22 yrs. old
-living away from parents
-just a little out of my league
-excellent communication skills
-wiiling to work as a personal alarm clock and organizer
-knowledge in web design and/or cooking is an advantage
-no experience required
-experience in babysitting would be helpful
-able to handle my mood swings
-must, at all times, look pretty in public esp. around my friends
-must be patient, understanding and accepts "jan lang" and "ewan" as decent responses.
-low maintenance and willing to split the bill once in a while
-applicants must be willing to work in Tuguegarao or wherever I find convenient
-must be willing to work in extended periods. Who am i kidding?
-must be willing to work on graveyard shifts, holidays and weekends
-naliligo
-walang sakit
-marunong gumamit ng cellphone

Requirements:

-NSO birth certificate
-NBI or Baranggay clearance
-4 passport size pictures
-Curriculum Vitae
-duly accomplished application form
-recommendation letter from a past boyfriend (if available)
-certificate of good moral character, not valid without the school's dry seal(for students)
-kindatan mo lang ako solb na.

This is a limited time offer only. There are only two slots left.
For a copy of the application form in pdf or word format and my home address email me at:
or at:
Leave a comment for referrals or inquiries.


Matapos kong basahin ay ngayon ko lang napagisip-isip kung gaano kahirap ang trabahong ino-offer ko. Kaya sa rason kung bakit matagal na bakante ang posisyong yan, saludo ako sa'yo. Salamat.

27 comments:

Mariano said...

ANak ng katuray yan Abad, mabigat na trabaho yan. Mukhang pang mga may years of experience na ata ang hinahanap mo at di basta-basta lang ah, haha.

Ano bang offer mo para tanggapin ng jobseeker ang posisyon?

tentenots said...

how can you find a gurlfriend that's "low maintenance" yet, "must, at all times look pretty?".... tsk, tsk... mahirap yun

aleth kae said...

anyamet.. mag-aapply sana ako, kaso ang layo ko sa'yo.. qualified na qualified sana ako sa position na yan!Ü

Iceyelo said...

may kapitbahay ako jan sa tugue na pwede kong Irefer. malapit nang maging babae yun. nyahaha

aryo said...

okay sa qualifications!!gudlak!!

ei! thanks for passin' by. will link ya.

ignoramous said...

Napaka hirap pala ng hanap mo abad. Kailangan mo ay yung gumagamit ng mumurahing make-up para low maintenance at maganda parin. Hmmmmmn...

Maganda yung tanong ni mariano. Siguro eh kailngan mo i-offer ang hacienda enriquez para may pang-akit.

FerBert said...

pasado sa qualifications mo yung katulong namin.. ano bigay ko na number nya sayo.. para lumayas na yung maingay na babaeng yun dito sa mansion ko.. tsk tsk tsk

wanderingcommuter said...

hahaha. ang kulit!!!

well, goodluck sa paghahanap kung ganun. handa-handa ka lang, mataas ang demand ng mga ganyan lately. kaya maghanda ka ng malaking sweldo. hehehe

triZzZ said...

Haha. Ayos sa qualifications. I wonder kung may papasa o mag-apply man lang. Good luck sa pang-iinterview! Hehehe.

pasilip lang ng blog mo ah! Add na rin kita. (:

Abad said...

Mariano, ignoramus, wandering commuter- Katawan ko pa lang sapat ng kabayaran. Sobra sobra pa nga, haha. Salamat sa pagdaan Wandering commuter.

Aleth - kako na nga ba't may pagtingin ka sa'kin.

Tentenots- tentay? kaw ba yan?

Ice, Fer bert - Salamat sa referral. pero sablay pareho, kailangan kasi operada na. Sa katulong naman, sawa na ako. bin der dan dat kumbaga.

aryo - salamat sa pagbisita! link din kita.

trizz- mamboboso ka pala eh. hindi na ako umaasa na may magaapply. thanks, link din kita.

redlan said...

parang secretary o katulong ang hinahanap mo. hehehe.

update mo pag may mag-apply dayan.

Mojo Potato said...

Abad, ang kaibigan kong si Diego ay magreresign na daw sa Bubble Gang dahil marami na siyang pera. Nagparetoke na daw siya sa Thailand at kamukha nya na si Angelina Jolie. Nguso pa lang daw panalo na...Padala niya daw ang application letter nya bukas...nyahahahah....

BTW, pahabol niya ....WABYU!

NYAKS!

graceless said...

same question! tenten ikaw ba yan? :D

abad may kilala akong pwede mong i-hire.. si chhhhhhhhhh HAHAHAHAHA :P

lilmiz said...

ahahah ang lupet ng mga qualifications ah.. ikaw ba ay kumpleto din nyan? (except sa "female") :P .. pero for sure kung mahanap mo na ang mahal mo, kahit kulang sya sa mga yan, tatanggapin mo pa rin ahehe gudlak! :D

Abad said...

redlan - hindi na ako umaasang may magaapply.

mojo potato - hahahaha. hindi ako naniniwalang kaya ng sensiya ang mukha niya. sabihin mo wabyu too.

Grace - si tenten nga. chineck ko. akalain mo, tahimik na nagbabasa yun biglang napacomment. hayup, inisip ko pa kung sinong chhhh. haha. manahimik ka grace, hindi pede yun.

lilmiz - underqualified ako. malakas lang loob ko maghanap. haha. salamat.

tentenots said...

yes abad, its me

babygurl ni abad said...

unang qualification pa lang: "Female (It doesn't matter if you weren't before, as long as you are now)."

pssh..it would've been easier to just propose to me,babyboy. =D

HAHAHA.
sabi na't mahal mo talaga ko eh.wag ng itanggi.tsk.

pusa said...

abah gudluck naman sa makukuha mong girlfriend, di kaya katuls hanap mo? hehehe

redlan said...

what if mag-apply c inday?

redlan said...

abad, i tagged u pala

thesocialcritic said...

hindi ko mapigilang tumawa.
adik ampf.sa dami ng qualifications mo, naku. tsk tsk.

camille said...

ay hala..

gud luck sa 'hiring'na yan.

"must be willing to work on graveyard shifts, holidays and weekends"

nakatira kba sa ospital?

monaco said...

"only two slots left", bakit, ilan ba kailangan mo?

syanga pala, strictly for humans ba ito? just asking.

duke said...

ay taga dyan ako. tuguegarao. hehehe. oo maiitim lahat ng tao dyan. kse mainet. sunog lahat ang balat. kamusta naman na ang tuguegarao.

Abad said...

Monaco, oo pang tao lang talaga. Kahit mukhang hayop na ok lang, basta tao.

Duke, ahoi! Salamat sa pagdaan. Hindi naman maitim lahat ng kilala ko. Pero umitim ako dito.

Humblejowdie said...

Wahahaha! Panalo ka talaga skin Abad!

reyna elena said...

hahaha!! me bakante pa ba? winner and post mo ever! hahaha