Mahirap magbalik-tanaw at sabihin kung kailan ang huling beses akong naging masaya. Bilang tao, malaki ang posibilidad na nakangiting aso lang ako sa mga pagkakataong inakala ng iba ay tunay akong maligaya. Minsan pati ako ay naniwala sa sarili kong mga palabas. Natural nga siguro para sa atin na magastang masaya at maayos para lang makapantay sa larawan ng saya na nakikita natin sa ibang tao. Gayunpaman, palihim nating alam na sa likod ng masasayang larawan na pilit ipinapakita sa atin ng mga taong kinaiinggitan natin ay nagtatago rin ang bihis na bihis na kalungkutan. Sino ba kasi ang nagsabi na kailangan natin maging masaya? Bakit natin iniisip na ang sukatan ng buhay ay ang dalas ng pagkakataong naging masaya tayo?
Habang ka-text ko ang kaibigan ko noong isang araw ay nasabi ko na parang masaya ako. Nang tanungin niya kung bakit ay hindi ko kaagad nasagot. Ngayon ko lang siguro naisip ang dahilan kung bakit ko nasabi 'yon. Iba ito sa nararamdaman ko sa tuwing susubukin kong makalimot sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay habang pinaniniwala ang sarili ko na sapat na 'yon para maging masaya. Iba rin sa pakiramdam na may nagawa akong hahangaan ng mga kaibigan o mga kaklase ko. Hindi rin ito tulad ng saya na dulot ng ideya na may babaeng nagkakagusto at nangangailangan sa akin o ng ideya na may ginagawa akong tama para sa iba. Hindi rin ito ang uri ng saya na nararamdaman ko sa tuwing napapatunayan ko ang halaga ko sa mundo.
Nitong mga huling araw ay namuhay ako na ang tanging laman lang ng aking isipan ay kung saan ako kakain ng tanghalian at kung ano ang gagawin ko para hindi maubos ang araw ko katutulog. Nang nakaraang linggo ay madalas dalawang oras lang ang kailangan kong ilagi sa eskwela. Wala pang cable ang tv sa kwarto at naiwan ko ang charger ng laptop. Napilitan akong magbasa dahil sa kawalan ng paglilibangan. Alam kong abala ang mga kaibigan ko kaya't wala akong maayang lumabas. Hindi ko rin naaabutan sa eskwela ang mga madalas kong kainuman. Tuwing hapon ay tumatambay ako sa isawan sa harap ng bahay at paminsan-minsan ay nakikipagkuwentuhan sa mga tambay na hindi ko naman alam ang pangalan. Sa loob ng matagal na panahon, itong linggo lang na ito lang ako hindi nakadama ng pangangailangan na maging abala, na makipagkita sa mga kaibigan o aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng mga nakasanayan kong gawin. Payapa at tahimik ang aking isipan.
Hindi ako sigurado kung tama ako ng sabihin ko sa aking kaibigan na masaya ako. Maaring nalito lang ako at ginawang magsingtulad ang kawalan ng gagawin at kasiyahan. Pero doon ko nakita na masyado tayong maraming ginagawa at masyado tayong maraming iniisip na kailangang patunayan. Namumuhay tayo sa sukatan na ginawa ng ibang tao para sa atin. Madalas nating tanungin ang sarili natin kung masaya nga ba tayo. Sa maraming pagkakataon na hindi natin nagustuhan ang sagot ay kaagad tayong magiisip ng mga bagay o mga tao na tutungtungan natin para maabot ang kasiyahan. Bihirang magtugma ang taas ng ating layunin sa taas ng narating na natin. Sa oras na magtagpo ang dalawang iyon ay tatanungin nanaman natin kung masaya tayo hangang sa bumalik ang sagot na hindi. Doon ay magsisimulang muli ang siklo ng paghahanap natin ng saya.
Laging may kulang. Hindi lahat ng hangarin natin ay magiging totoo. Kung kaya lang nating tanggapin ang mga ito ay baka mas maging mahimbing ang tulog natin sa gabi. Hindi ito tanda ng pagsuko ngunit tanda lang ng pagtanggap natin sa katotohanan ng buhay. Hindi iikot ang mundo na tugma sa kahilingan mo pero kaya mo itong sabayan at pakinabangan. Wala pa akong gaanong alam, at marahil ay umiling ka sa ilang bagay na nabasa mo. Gayunpaman, naniniwala ako na ang buhay ay hindi dapat sukatin sa mga oras na naging masaya tayo dahil mababalewala ang iba pang nating karanasan na 'sing halaga din ng saya. Sa tuwing mararamdaman mong malungkot ka at mapansin mong may kulang sa buhay mo ay wala kang dapat ikabahala. Ang ibig sabihin lang nito ay buhay ka at dapat isipin na hindi ka nagiisa. Minsan, para maging masaya tayo, kailangan lang natin tanggapin na hindi sa lahat ng oras ay maaari tayong maging masaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
Hello, I've been reading your blog for 3 months now and this is my first time to leave a comment. At first I thought you became jaded at such a young age but I read your entry again and realized that you made sense. We sometimes focus too much on being happy and always end up being more miserable. Hoping to read more from you! tc.
WoW! man, this is DEEP!
totoo yung sinabi mo.. para maging masaya tau, we just hav 2 axep na hindi posible na everyday tayong magiging masaya..
expect the unexpected..
Nice.
parang kay lad ang post na to ha.
minsan masaya minsan malungkot ang buhay at tama ka dahil tayo ay nabubuhay. abnormal ka kapag hindi mo naramdaman ang saya at lungkot.
seryoso ang mga posts mo lately, ano ibig sabihin niyan, tinamaan ka na, in love ka? joke.
seryoso man o nakakatawa, may sense pa rin dito.
keep it up!
Madalas din akong nagkukubli sa mga pakitang-taong ngiti at mga kalokohan na ginagawa ko pero ang totoo, marami akong naiisip sa mga panahon na mag-isa lang ako.
Marami akong nais isaalang-alang sa buhay kong ito pero wala akong kapangyarihan na gawin lahat nang yon.
Ano na lang kaya ang sasabihin ng mga tao sa isang beses na magkakasama kame ay ngingiti lamang ako at hindi magkokomento nang maingay at masigabong paraan?
Masaya sigurong malaman kung susubukan ko.
SAKTO.. GALING... kaya ko pinalulungkot ang sarili ko eh madaming mapupulot na lesson tska ang maganda pa doon eh "baka" madaming kapalit na kaligayahan sa hinaharap. Henyo ka pare. Lupit mo!
I mean, for lad*
Maybe we're not supposed to be happy. Maybe gratitude has nothing to do with joy. Maybe being grateful means recognizing what you have for what it is. Appreciating small victories. Admiring the struggle it takes simply to be human. Maybe we're thankful for the familiar things we know. And maybe we're thankful for the things we'll never know -GREY'S ANATOMY
=)
m,araming hindi masaya sa mundo dahil lagi nilang iniisp kung ano ang kulang, kung ano ang wala. sabi nga, look at the glass as half full rather than half empty.
ako, I take it one day at a time. and I don't expect too much.
ganyan talaga ang buhay minsan malungkot, minsan masaya. =)
Hope all of us will be contented.
kagrabeh, ang lalim :) tama ka nga, nasa pagtanggap lang yan kung ano ka at kung ano meron ka. nakakabadtrip lang ay yung ibang tao na pinapa-alala sayo kung ano kulang mo. wag lang tayo pa-apekto sa kanila. hehe. kaya nga gusto ko ang motto na to: "be happy coz everything sucks but you're still fine." motto nga ba yan hehe.
kung si chris gardner nga
nagpursue para sa
happyness
ikaw pa kaya?
:)
happiness is a choice
naniniwala ako
na ang mga komedyante
ang pinakamalungkot na tao
sa mundo
may pakiramdam ako na sa akin ka lang magiging totoong masaya. sa piling ko lang at sa kandungan ko lang.
may pakiramdam din akong mapapangiti kita sa walang ka-kwenta kwenta kong comment na to.
'lika nga dito! (nang makiliti kita)
doncha worry...be happy!
haha! natawa naman ako sa comment ni maru..langya!
kung ikaw ay masaya pumalakpak ka..*clap *clap!
Maru- kailangan mong pumila sa mahabang linya ng mga gustong magpasaya sa akin. Hahaha. Emo na emo ang dating bigla kang humirit! salamat!
abad ang lalim hindi ko naintindihan. mabuti naman at masaya ka. :D ako hindi masaya. wehh. uyyy tuloy ka ba sa 17? sikat ka na baka di mo na ko pansinin pag nagkita tayo. 3-6 nga lang pala class namin nun. pag pwede ka makipagkita ng mas maaga, mas masaya. si yenyen wala pa din.
yun lang. be happy. seize the happy moments for they may never come again lol
hmmm...well we can also be happy alone...sometimes we tend to forget the little things that make us happy...life is a roller coaster ride...so let;s enjoy every single second of it...
kala ko naligaw ako!
lift yer head baby dont be scared... you'll get by with a smile... :)
eh....baket nagdradrama?
may bangs ka ba?
emo itong entry mo, gayunpaman, sumasakop sa katotohanan ng buhay..
well said and well explained!
abad, thanks sa pagvote sa akin, got my award as a runner awardee for best blog batch 1.
Naala ko ung NSTP prof ko nung first year sabi nya list some things that will make you happy.
Sinulat ko if I reached the state of contentment I would be happy. Ang sagot nya, (bakla sha btw),
"ang drama mo naman!"
at un na rin ay ipapasa ko sayo hehehe :P
yay! parang hindi ikaw, pero nice. kahit di ko maxado nagets. haha. Tama ka sa mga sinabi mo, hindi naman talaga pwedeng happy tayo always. hindi lang siguro kami sanay na seryoso ka, pero i love this entry.
ako masaya pag nakabili ng bagong shoes. or yung gusto kong boots eh half price na lang. or nagtext sa akin ang anak ko or sinabihan akong pretty ng student ko.
you know what they say: happiness is just a state of the mind.
and here's what i say:
we can always decide when/what/who/why/which/how
can make us happy.
does that make sense?
Post a Comment