Dec 26, 2008

Buhay pa rin

Medyo matagal-tagal rin akong hindi nakapagparamdam. Marami kasing nangyari sa pagitan ng tatlong buwan. Matakaw pala sa oras ang magkaroon ng baby. Bukod sa pagiging magastos nito, inaagaw pa niya ang madaling araw ko. Imbis nga na nagbo-blog na lang ako eh pinuputakte niya pa ako ng attacks niya.

I dont feel like myself. May iba. Ay holidays nga pala,

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!

Sana hindi niyo ako masyado na-miss. Sa susunod na taon magpopost na ako ng mas madalas! HAPPY NEW YEAR NA RIN! Woooooo

Sep 22, 2008

Philippine Blog Awards 2008


During the nominations last April, I told my friend that my only wish is to be one of the finalists, kahit token tagalog entry lang. After seeing my entry on the list of finalists yesterday, I felt like I have accomplished something already.

The description from pba2008's site says that the post should inspire the readers. That convinced me that I really have no chance of winning. After reading the other entries, I can't help but notice that mine is a little shallow compared to the rest. What made me happy was despite the lack of seriousness and depth of my post, the people behind pba2008 saw something special that made my entry a part of the list.

I'm proud of myself for making it to the finals. It's the Philippine Blog Awards! It's like the Palanca Awards for bloggers! Ok, that is not true. It's still pretty huge though. Losing won't stop me from bragging. I don't have much to be proud of lately, I need this! I already ordered seven shirts that say "Hey I'm a finalist for Philippine Blog Awards 2008! Dare to ask if I won and you're dead." I plan to wear them everyday. I also commissioned a few of my friends to follow me around, scream "Wow! si Abad ka diba? Finalist ka sa Philippine Blog Awards 2008!" and ask for my autograph.

I had no idea that the awards night was yesterday. Again, thanks to everyone who rooted for me. I will try to write here again. Salamat din sa kung sino mang nagpangalan sa akin ng Abad. :)

Here is the list of finalists for the Single Post under the Personal category.

Abad,anong pangalan mo?
ILoveYouDaddy
IsItTimetoWriteABookorNot
Kuya’sUnsentLettertoBunso
Forthyshort-timebliss
UnsentLetter
Here’stoYou,JudeCross(theidiotformerlyknownasJudasdelaCruz)
Reflective:ToAffirmWhatIHoldDearestInMyExistence
TsunamiAlert

Congratulations to the winner! Below is the entry from a truly deserving winner, Martin Perez.

Outofschool,part1:Forks

Click here to view the rest of the winning blogs.

Sep 4, 2008

Para kay Tito Manny

We are having our exams this week here at sunny SPUP and I'm loving it. Exam for me means less time in school and more time for trivial things like.. like this. Of course I also spend some time for reviewing and reading my photocopied notes, usually around 30 minutes before the exam. Five years of college and I still have the study habit of a 3rd grader with ADD. I guess some people really never learn.

You know who else never learns? Tito Manny. MANNY PACQUIAO, UTANG NA LOOB, STICK TO BOXING! Don't waste your money in politics again. Instead of using your money for the 2010 elections, give it to me instead. I know exactly where to spend it. I'll buy my own school that will give SPUP a run for their money. First agenda, give myself that elusive college diploma in an instant. Booya!

I'll name my school Abad School of Sciences or ASS. We will be called Bad Asses! Sweet. I have another idea, how about Abad University of Technology? AUT? That would be cool right? The students would be called pa-AUT. You have to be Ibanag or good in using context clues to get that one. I'll just figure everything out once Tito Manny decides to give me the money. I hope he's reading this.

Jul 21, 2008

Project lafftrip edited

Nagbago ang isip ko. Ito na ang bagong listahan ko para sa Project Lafftrip Laffapalooza ni Badoodles

1.
Xienahgirl - bakit hindi pa siya nadidiskober? kailangan na niya ng book deal. pramis bibili ako ng isang sako. sure akong papatok yun, dahil una, isa siya dyosa, pangalawa dahil mahusay siya at pangatlo dahil ang mga masaklap ang lablayp swerte sa career.

2. Ferbert - ang paboritong alien ng blogosphere. malaman na malaman ang bawat post na akmang akma sa kanya. kasi nga. ang lakas ng loob kong makahirit ng malaman eh mas malaki pa ako diyan.

3. Mariano - dahil kahit masakit sa mata ang layout niya, kahit nagpost siya ng picture na nakadikit na sa pinakakarumaldumal na bangungot ng sinumang nakakita at kahit siya ang paboritong alaskahin ng kababaihan ay winner pa rin si M.

Jun 5, 2008

may mga kailangan lang akong ayusin.

salamat sa pagdaan.

May 24, 2008

Susan Tayo project

Be ready to be blown away cause this might just be the most brilliant idea you will ever hear from me.

A friend asked me earlier if I have any back up plans if ever I screw up again and fail to finish here at St. Paul. It really made me think. I can't school hop forever cause I don't wanna end up being classmates with my younger sibs, though that would really be interesting. So I came up with the perfect plan.

I'll knock someone up!

I don't know why it hit me just now. It's the perfect excuse for me to still be asking money from my mom for the years to come and take a time out from school. How fucking brilliant am I?

All I need to do now is find a girl to have my baby. It's perfectly simple. I'll just pick some random girl at the mall and tell her this, "Hi, ako si Abad. bubuntisin kita, k?" Come on! Who would turn me down? I'm tall, quite moneyed, I could pass as ok-looking if you're drunk, and if you're totally wasted, I could even pass as good looking (probably not), I shower everyday or at least whenever I have classes and if you have low expectations, I could even be good in bed. If you could picture me in bed doing it and not puke inside your mouth a little, give me a call. If you really are picturing me doing it, good luck trying to get that image out of your head.

I'll probably ask Janina from Bb. Pilipinas. Do you know where I could reach her? Can she even use a phone? Can she spell phone? Imagine, our kid would be a genius and a real looker. We will have the perfectest paking pamily! We wouldn't have to work cause we'll let our kids work for us on TV.

And as I've previously planned, I'll name my first kid Susan. Susan Enriquez. Regardless of the kid's gender. Just thinking of my kid's classmates teasing him/her kay Susan tayo cracks me up. Any idea on what I should call my second kid? I'm thinking of a name that starts with M. I just can't figure it out exactly.

May 16, 2008

Lab Letter

Hindi nagtagal, ang mga musikang pinapakinggan mo ay pinapakinggan ko na rin. Ang mga awiting kinakanta mo ay inaawit ko na rin. Ang mga pinapanuod mo ay pinapanood ko na rin. Ang mga paborito mo ay naging paborito ko rin. Ang mga tawanan natin. At ang ngiti mo, mga salita ng labi na walang tunog ngunit nagpapahiwatig na sa kabila ng lahat ay masaya ka, ay napapangiti ako. Sapagkat wala nang mas papantay pa sa pakiramdam na napapasaya mo ang taong mahal mo.

At kung iniisip mong sa akin ang mga nabasa mo ay nagkakamali ka! Hindi pa ako ganyan kakorni. haha. Pinapapost yan ni KDR at malamang ay para yan sa isang babaeng itago na lang natin sa pangalang Layla na ayaw magpatawag ng Layla. Para kay Layla, sabi nga ni Igno, SAGUTIN NA YAN!

Dito mababas ang kabuuan ng post ni KDR.

At sa May 24, 2008 na raw pala ang book signing ng VPE books sa parehong lugar at parehong oras.

Hindi ko alam kung kailan ko itutuloy ang Tips for incoming college freshmen kasi sinusumpong ako ng matinding katamaran.

May 10, 2008

Imbitasyon sa booksigning ng vpe books


Imbitahan ko po sana kayo sa May 17, Saturday (opo, 2008) 3-6 pm para sa book signing ng vpe books. Syempre, kasama doon ang book ko na peksman (mamatay ka man) nagsisinungaling ako (at iba pang kwentong kasinungalingan na di pa dapat paniwalaan). Sa cubao expo. Sana makapunta kayo. Masaya po doon. Peksman

-Eros Atalia

Para makatanggap ng mga kaparehong mensahe at makita ang magandang girlfriend ni Eros Atalia ay i-add siya sa friendster gamit ang link na nasa itaas.

Ang Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako (at iba pang Kuwentong Kasinungalingan na di pa dapat paniwalaan) ay mabibili sa lahat ng pangunahing bookstores nationwide.

Ang orihinal na larawang ginamit ko sa taas ay kinuha ko ng walang pahintulot kay "Kring" sa
blog entry niyang ito. Magpapaalam sana ako kaya lang nakakatamad.


Apr 26, 2008

Tips for incoming college freshmen students part I – Choosing the Right Major

Ang unang bahagi ng series na ito ay sesentro sa pagpili ng kurso. Kung natutupad lang sana lagi ang sagot natin sa “What do you want to be when you grow up?” sa yearbook noong kinder ay wala na sanang dahilan para isulat ko ito. May ilang swerteng bata na alam na agad ang kukuning kurso dahil matagal na nila itong pangarap o dahil matagal na itong pangarap ng magulang nila. Pero hindi naman lahat ay tulad nila. Para ito sa mga wala pa sanang balak iwan ang papetikspetiks na buhay high school at walang kaideideya kung ano ang kanilang papasukan.

Ang unang tip ko ay piliing mabuti ang mga taong hihingin niyo ng payo tungkol sa college. Dapat yung matagumpay na nakapagtapos sa college at alam na ang pasikotsikot ng lahat. Kung wala kang mahanap na katulad ng nabanggit ko ay maari mo na ring pagtiyagaan ang isang walang magawang blogger na maglilimang taon na sa kolehiyo at wala pa ring kasiguraduhan kung kailan siya magtatapos. Malakas ang loob kong magbigay ng tips dahil natututo tayo sa kamalian natin at sa mga kamalian ng iba. Kampante ako na marami akong mababahagi sa tila walang katapusang mga kamalian ko.

Pakiramdam ko dati noong namimili ako ng kurso sa listahang galing sa una kong eskwelahan ay
tumitingin lang ako sa Menu ng isang bagong bukas na restaurant. Gusto kong sumubok ng bago kaya pinili ko ang kakaiba sa pandinig. Asian Studies. Hindi ang maling kurso ko ang naging dahilan ng pagkakasipa ko. Ang punto ko lang ay maliwanag na hindi ka nagiging wais pag ang sinagot mo sa barkada mong nagtatanong kung bakit ang kurso mo ang napili mo ay dahil “Maganda pakingggan.”

Kung nagbabalak kang kumuha ng kursong hindi madalas kuhanin ng nakararami ay magsumikap na mangalap pa ng karagdagang impormasyon labas sa course description na binibigay ng eskwelahang papasukan.

Importanteng malaman ang sagot sa mga tanong na ito:

Pagkagraduate ko, saan na ako kukuha ng panggimik?

Ito ang madalas nakakalimutang tanungin sa sarili nila ng mga estudyanteng papasok sa kolehiyo. Kung umaasa ka na suswertehin ka na lang dahil pagkatapos ng apat na taon ay biglang tataas ang pangangailangan para sa mga nagtapos ng kursong natitipuhan mo ay malamang nagkakamali ka. Magtanongtanong sa mga kakilalang nagtapos ng kaparehong kurso kung hindi ba sila gaanong nahirapang makahanap ng trabaho. Tandaan na kaya ka pumasok sa kolehiyo ay para makahanap ng magandang trabaho pagkatapos.

Kaya ko ba?

Mahirap sagutin ang tanong na ito dahil madalas kung hindi sobra ang bilib natin sa sarili ay wala tayong ideya sa mga bagay na kaya nating gawin. Kung hindi ka mahilig sa math o science ay maaari mo pa ring hanapan ng gamit na praktikal ang mga bagay na kinahihiligan mo. Kung kaya mong manood ng tv maghapon at wala kang alam gawin kung hindi pintasan ang mga nakikita mo sa tv ay baka nababagay ka sa mga kursong tumatalakay sa media. Aktibo ka ba at parang may opinyon sa lahat ng bagay? Baka pwede kang luminya sa sining at panitik. Adik ka ba sa computer games? Maaari mo yang maging puhunan para makatapos ng kursong may kinalaman sa computer at technology. Lagi ka bang bida dahil sa pang matindi mong porma at sense of style? Baka sa fine arts ka makahanap ng kursong babagay sa iyo. Maganda ka ba at may talent sa pagkanta, pagarte o pagsayaw? Bakit ka pa magaaral? Magartista ka na lang.

Apat na taon ang ilalagi mo sa college. Limang taong kung naisipan mong maging engineer. Baka higit pa kung sakaling mabuntis ka o magpalipat lipat ka ng kurso o eskwelahan. Mahalagang gusto mo ang gagawin mo dahil sabi nila ay mas magaang pagaralan ang mga bagay na interesante para sa iyo at alam mong mapapakinabangan mo pagkatapos.

Kung wala ka pa ring napulot na kapakipakinabang sa lahat ng naisulat ko ay huwag mawalan ng pagasa. Bukod sa wala naman talagang natututunan sa akin ang mga mambabasa ng blog na ito ay bata ka pa at punong puno ng potensyal. Lahat ng bagay, kung gugustuhin, ay maaaring matutunan. Wala ka mang maisip na kagalingan mo ngayon ay sigurado akong darating din ‘yon sa iyo dahil ang college ang isa sa pinakamagandang lugar para makilala mo pa ng lubusan ang sarili mo. Maaaring dito ka magsisi kung bakit ka bumili ng cd ni Hannah Montana at mandiri sa pagbili mo dati ng notebook na may picture nila Kim Chiu at Gerald. Maraming bagay na kung ngayo’y akala mo’y hindi mo magagawa ang kayang kaya mo palang gawin.


Ano mang kurso ang mapili mo ay tandaan na ang higit na mahalaga sa lahat ay kung gaano ka kapursigido para matapos ang napiling kurso. Sa aspetong yan, ikinalulungkot kong hindi na kita matutulungan.


Abangan ang mga susunod pang post na tatalakay sa exams, mga propesor at unang araw ng klase.

Mar 5, 2008

Gawagawang Istatistiks ng mga Estudyanteng Raleyista

Sinabi ko dito na ayaw kung makisawsaw sa politics dahil kahit anong galing mo sa pagurirat ay wala ka rin namang magagawa. Pero mukhang maiibang muli ang ihip ng hangin.

Mataas ang paggalang ko sa mga estudyanteng sumasali sa mga rally. Umattend na din ako ng rally dati, kaya lang patawa lang ang pro-life rally na yun dahil hindi naman namin alam na rally ang pupuntahan namin. Masaya lang kaming umattend dahil nakasakay kami sa bus na sinasakyan ng mga growling tigers na noon ay wala pang kabangis bangis sa paglalaro ng bola. Pang picture lang talaga ang pakinabang namin at pampadami ng tao. Nakita ko pa nga ang picture ko sa front page ng Varsitarian dahil doon. Madaming tao sa picture pero angat ako sa kanila. Literal.

Naniniwala akong, sampu sa sampung estudyante na dumadalo sa rally ay tunay na nagmamahal sa bayan. Alam ko din na malamang dalawa sa sampung estudyante sa rally ay umattend dahil ayaw nilang pumasok sa klase. Apat sa kanila ang umattend dahil masayang umattend ng rally. Masayang ikuwento sa magiging apo nila na minsan ay naging parte sila ng importanteng kaganapan sa kasaysayan ng bansa. Pito sa kanila ang nagpasyang magmartsa sa kalsada dahil sa mga imaheng araw araw nilang nakikita sa telebisyon. Marahil ay galit sila at ito ang alam nilang pinakamabilis na paraan tungo sa pagbabago. Ginagalang ko ang pagtutol nila sa kurapsyon. Alam kong bukod sa mga rason na nabanggit ko ay may mas mabigat na dahilan kung bakit pinaguukulan nila ng oras at pagod ang pagrarally. Tulad ko ay gusto nila ng pagbabago at katotohanan.

Noong 2004 ay lagi kong sinasabi ng pabiro na hindi mahalaga kung sino ang mananalong presidente dahil matatanggal din naman siya sa pamamagitan ng People Power. Heto nga’t baka magkatotoo na ang sinabi ko. Sinisiguro ko na hindi ako sasali sa mga nagmamartsa sa kalsada. Alam kong sasabihin ng iba na wala akong karapatang maghangad ng pagbabago dahil wala naman akong ginagawa. Gayunpaman, naniniwala ako na hindi ang pagpapatalsik sa pangulo ang daan patungo sa pagbabago. Kung totoo ito, bakit bumabalik tayo sa lugar na kinaroroonan natin pitong taon ang nakalilipas? Iba man ang pangalang nakalagay sa plaka at iba man ang pangalang sinisigaw sa kalsada ngayon ay sumasayaw pa rin tayo sa pamilyar na tugtugin. Siguro ay hindi tayo natuto. Maliwanag na hindi rin natuto mga nakaupo sa pwesto. Maliwanag na hindi sila natakot sa mga nakaraang pagpapatalsik sa dalawang presidente . Hindi na natin yun kasalanan. Mailipad man ng hangin ang mga Arroyo palabas ng palasyo ay hindi tayo makasisiguro na isasama nila ang palyadong sistemang nagsimula ng siklo ng pagpaskil at biglaang pagpalit ng mga nakakuwadrong larawan ng nakangising pinuno na makikita sa lahat ng presinto at ahensiya ng gobyerno.

Mar 2, 2008

I am bipolar.

Have you ever felt extremely worthless that you think the world could do just fine without you? Have you ever felt so empty that as if the littlest enthusiasm for anything that you like was sucked out of you? Can you remember the single most painful time in your existence that almost made you wish you were never born? Now, if you could just relive that moment, feel every teardrop, endure that same heartache. Right after that I want you to think of the days when you were at your highest. Try to remember the times when you were so flippant and giddy over something that you feel so passionate about. I want you to once again hear your screams when your favorite basketball team won the finals. Remember the times when you were so excited about a single project that might just change your life. Thoughts rapidly racing through your mind as you picture every moment of it. Try your hardest to see yourself going through each of those emotions one by one in almost every single day of your life. It’s not easy, is it? It kinda sucks.

I have been diagnosed with Bipolar 2 disorder with rapid cycling for half a year now. If you took what I wrote above seriously, you already had a good peek into my mind. Some people might call me manic-depressive while others would just describe me as “may konti- konti” or “may sayad” after hearing about my case.

Our country has almost zero knowledge of the dozens of psychiatric disorders that a lot of us Filipinos experience. Very few of us here in the Philippines are diagnosed and are getting proper medication. The rest are just being branded as sumpungin, napaka batugan, walang pangarap, walang hilig matulog ng maaga, hindi mapakali, papansin, masyadong masayahin, kiti-kiti or other traits that seem relatively normal. This is because most psychiatric disorders have symptoms that normal people experience on a lesser level and frequency. See, I am just like you. Only most of the time, depression and mania are no longer a choice for me but a regular company that I have to stick with as they come one after the other. So please don't tell me to try to control my emotions. It's like telling a diabetic to control his blood sugar level.

I have thought long and hard before making this post because I am afraid. I’m afraid that I don’t know that much for me to write in behalf of everyone living with bipolar disorder. I’m afraid that the readers might not take me seriously (save your jokes for the next posts guys). I’m afraid that people just won’t care.

I googled Bipolar Philippines and found very few pages that would help Filipino bipolar patients like me. Living with bipolar disorder is hard enough for anyone, making others understand makes it even harder. This is the only way I know to raise awareness about bipolar disorder in the Philippines. I would soon be making a new blog entirely dedicated to this cause.

Feb 27, 2008

Social Climbing Logo Contest by Reyna Elena

Makikisocial climb lang ako at hahabol sa pagboto para sa Social Climbing Logo Contest ni Reyna Elena.


1. Entry # 4 by Kotsengkuba 2. Entry # 2 by Malen
3. Entry # 3 by Malen
4. Entry # 3 by Pinoy Ambisosyo
5. Entry # 5 by 100% Batangueno

Feb 12, 2008

Busy ako

Hindi ako makapaniwalang nabasag na ang tulog-kain-school-tulog-kain-sigetuloglang routine ko. Wala na nga akong oras maginternet. May bago akong raket, gumagawa ako ng chocolates. Huwag kayong magalala, hindi ko naman kinakain lahat kaya kumikita pa rin ako. Babalik ako pagkatapos ng Valentine's. Marami pa akong bebentahang mga taong may love life. Pakyu sila.

Ang dami kong chocolates, wala naman akong bibigyan. Pinupulutan na lang namin pag lasing na kami. Ang sagwa ng lasa!

Expected Comment:

Wala kang pagbibigyan? Bigyan mo ako! :)

Jan 26, 2008

Narito na kapatid ang babago sa buhay mo!

Kasama ko sila Mark at Mikhail noong isang araw. Hindi ko madalas makita ang dalawang kaibigan kong yun dahil madalas silang busy at pareho silang Bibbo kids. Si Mark ay pulitiko sa eskwelahan namin at bida sa iba't ibang activities tulad ng paggawa ng bahay,pagsave kay mother earth, pambababae, pagpapacute sa mga 1st year at ilan pang importanteng mga bagay. Si Mikhail naman ay abala sa VCF, sa munisipyo bilang legislative assistant at sa mga negosyo niya na unan, pampatulog, pharmacy, graphic design, dvd, pasaload, cook, yaya, lava. Ako naman ay madalas ding abala sa, ah. Pagaaral? Edit ko na lang mamaya. Marami silang opinyon sa politics, current events, gadgets, at media at marami naman akong alam sa.. ahh. Edit ko na lang din mamaya. Minsan ay intelektwal ang pinaguusapan namin kaya madalas ay nagkukunwari na lang akong nakakasunod kahit minsan ay wala akong alam o pakialam sa tatakbong presidente sa 2010 o sa pamamalakad ng mga opisyal sa Tuguegarao. Hindi ko alam kung paano nila natatagalan ang kababawan ko. Wala kaming pinagkakasunduang mga bagay pero masaya kami laging magkakasama.

Hindi ko na maalala kung paano napunta sa relihiyon ang usapan namin. Nabanggit ko tuloy ang isa sa mga lihim na pangarap ko na hindi ko pa natutupad. Bago ko sabihin yun ay iisa-isahin ko muna ang mga natupad ko na.

Una ay ang magpamigay ng leaflets sa mall. Nagawa ko na 'to dati sa RP sa Ermita. Kinuha ko lahat ng leaflets ng Burger King sa Dapitan (na bookstore na ngayon. Mas kailangan ng burgers ng mga estudyante kaysa sa libro mga sira!) saka ko binaon sa RP. Naalala ko pa ang excitement ko noon. Mabilis kong naubos ang mga leaflets kahit pa may ilang tumangging tanggapin ang pinamimigay ko. Kung sa palagay niyong hindi pa kayo nakakasubok ng rejection ay subukan ninyong magpamigay ng leaflets.

Pangalawang pangarap ko naman dati ay ang maging elevator operator. Natupad ko na rin 'to ng minsang mag-host kami ng seminar sa CFAD building ng uste. Dahil late nanaman ako ay nasa itaas na ang mga kaklase ko para sa seminar ng makarating ako sa lugar. Pagpasok ko ng elevator ay saktong walang nakaupo sa upuan ng operator. Hindi ko alam kung may elevator operator talaga sila o hulog talaga ng langit ang upuan dun. Saktong hindi ako naka-uniform ng araw na yun kaya siguradong hindi ako mapapagkamalang estudyante. Naka necktie kasi ako para sa seminar, medyo overdressed para maging elevator operator pero pwede na rin. Nakailang akya't baba pa lang ay nagsawa na ako. Sa maikling panahong 'yon ay nakaramdam ako ang weird sense of control ko sa mga nakasakay at nakarinig ng ilang putol ng kuwento ng mga estudyante tungkol sa mga propesor at kaklase nila. Parang malungkot ang trabahong yun. Andun ka lang maghapon, manik-manaog. Ang tyansa mo lang na makapagusap ay pag sinabi ng pasahero ang palapag na destinasyon nila. Hindi pa nga yun matatawag na conversation dahil wala naman talagang masyadong pwedeng isagot sa mga salitang "3rd floor." Pano mo naman bibigyan ng variety ang sagot mo? Hindi ka naman waiter para sabihing "excellent choice sir" o kaya jeepney driver para sabihing "third floor? seven fifty boss pag estudyante." Hindi ka din lrt2 para aliwin ang sarili mo sa pagsabi ng "We are now reaching the third floor, paparating na sa ikatlong palapag. Next floor, 4th floor. Susunod, ika-apat na palapag."

At ang panghuli nga ay ang nabanggit ko sa kalagatnian ng pagkain namin ng pizza nila Mak at Mik noong isang araw. Ang pagtatag ng sarili kong relihiyon! Kumikitang kabuhayan talaga yon. Isang kasal isang araw, solb na. Malabo pa ang plano pero ang pangalan ng samahan na itatatag ko ay ang Abadista. Minungkahi naman ni Mik na kanta para sa aking samahan ay "Abad namin" Iniisip ko din kung puwede ang "Abad ginoong Mari....mar, aw!" Alam kong ngayon pa lang ay gusto niyo nang makisapi pero hindi pa plantsado ang plano. Sasangguni muna ako sa katolikong eskwelahan ko kung pwede akong magtatag ng sarili kong samahan. Sa ngayon ay diyan muna kayo sa sariling ninyong relihiyon.

Jan 21, 2008

Master

Lumipat nanaman ako ng kwarto sa boarding house namin. Nabakante kasi yung malaking kwarto na may connection ng cable tv. Pangatlong lipat ko na 'to ng kuwarto. Nakakapagod. Wala man lang nagbalak na tumulong sa akin dahil sa walang kakuwenta kuwentang rason,

"Ang laki laki mo, kaya mo na yan."

Walangya, lagi na lang 'yang mga komentong yan ang naririnig ko. Sa kalye habang naglalakad ako ay laging may mga batang kung makatitig sa akin ay pakiramdam ko para akong karakter na lumabas sa telebisyon o sa computer game. Nang bata pa ang mga pinsan ko at bulol pa ay "master" ang tawag nila sa akin. Wow, bossing pigyur talaga ako. Yun pala ay hindi lang nila masabi ang monster. Halimaw naman oh! Kaya pala pag palapit ako ay nagsisigawan sila ng

"Master! Master! Jan na sha!"

Ibang klase talaga ang lahi ko, nauuna pang matutong mangutya ang mga bata bago matuwid ang dila.

Hindi lang pambata ang appeal ko, mabenta din ako sa mga grown-ups. Dahil siguro bihira ang 'sing laki ko dito sa probinsya ay talagang sagana ako sa atensiyon. Di ko na mabilang kung ilang beses ko ng narinig ang pagkagulat ng mga tao pag nakasalubong nila ako. Napapalingon ang lahat. Ngayon alam niyo na na may isa pang paraan para maging head-turner bukod sa pagkakaroon ng pang artistang dating. Magpataba kayo, tignan ko lang kung hindi madama ng sobra ang presence niyo. Literal. Kaya masaya ako sa timbang ko.

Madaming stereotypes sa mga matataba. Pag mataba daw maliit ang patotoy. Pag malaki naman daw ang sapatos ay malaki rin ang alaga. Kalokohan yan pareho! Mataba ako at malaki ang sapatos ko, size 12. Pero baka totoo yan pareho at nabalanse lang ng sukat ng sapatos ko ang sumpa na kakabit ng timbang ko. Ewan. Kung kailangan ninyo ng pruweba ay itext niyo lang ako at papadalhan ko kayo ng mms picture. Nang sapatos ko! Dumi ng utak nito. Isa pang laganap na stereotype ay ang matataba daw tamad. May isang pagkakataon na hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pahayag ng nanay ng ex ko.

"Yan ba ang boypren mo? Mataba. Tamad yan anak. Tamad yan."

Tama naman siya kaya wala akong angal ng ikuwento yan sa akin. Ayos sa first impression 'no? Pero natutunan rin naman niya yata akong magustuhan dahil tinawag niya akong anak minsan. Noong nagbreak na kami ng anak niya. Yun lang pala ang hinihintay niya para magustuhan ako.

Isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit nabibigla ang mga tao pag nakita nila akong umiyak. Minsan pagkatapos kong ibalita sa nanay ko sa pamamagitan ng telepono na umani ako madaming singko at kailangan ko ng maghanap pa ng bagong eskwelahan ay di ko mapigilang maiyak dahil sa sinabi niya. Sinabi niya na ayos lang daw yun at kailangan ko lang hanapin ang gusto ko. Wala daw mangyayari kung sisisihin niya ako. Pagbutihin ko na lang daw talaga sa susunod at pinaalahanan ako na hindi lahat ay may pangalawang pagkakataon. Hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang pagkamaintindihin ng nanay ko. Lumabas ako sa kwarto na halatang kaiiyak at sinalubong ng tawa ng pinsan ko. "Umiyak ka ba? Hahahahahahaha. Ang laki laki mo hindi bagay sa'yo." Kanino ba bagay ang pagiyak? Sa mga payat? Pati ba naman ang pagiyak naimpluwensiyahan na rin ng fashion? Ga-master naman na kabadtripan yan oh!

P.S.
Ang tumawag sa aking ng Master sa comment niya ay kakainin ko ng buhay gamit ang malaki kong kamay, matatalim na ipin at bungangang kulay green at naglalaway habang nakititig ang aking nanlilisik at malalaking mata na may nagpuputukang ugat. Sige! Maglakas loob ka.

Jan 17, 2008

Pray for us, seryoso.

Nakaka-anim na Theology na ako, at dahil iba ang course description ng mga nakuha ko na ay kailangan kong kumuha ng anim pa dito sa St. Paul. Sa dami nun ipaglalaban kong makagraduate ako ng dalawang kurso, entrep at pagpapari. Walang tao sa classroom pag pasok ko sa Theology class ko noong isang araw. Asa labas ang lahat ng kaklase ko kasama ang daan daan pang mga estudyante. May namatay daw na madre dahil sa sakit kaya wala kaming klase. Nagtitipon-tipon ang lahat sa harapan ng opisina na kinamatayan ng madre. Ilang minuto lang ay may dumating ng sasakyan na may dala ng kabaong.

Sa kagustuhan kong makiusisa ay lumapit din ako pero huminto na ng nakita ang mga kaklase at kaibigan ko sa mga upuan sa silong ng puno malapit sa opisina ng madre. Tawagin natin silang pare1, pare2, pare3 at pare4.

Pare1: Hoy walang klase.
Ako: Oo nga namatay daw yung madre, sinong madre ba yung namatay?
Pare1:Ewan ko, yung matanda.
Ako:Sino nga?
Pare1:Yung matanda.
Pare2:Dalawang araw lang daw yung lamay pag ganyan e.
Pare3:Sana dalawang araw tayong walang klase!
Pare2:Kahit bukas lang ng maga.
Pare4:Huwag may pasok kami ng hapon bukas, i-whole day na sana.
Ako:Kanina pa kayo dito?
Pare4:Oo.
Ako:Anong ginagawa natin dito?
Pare4:Nakatambay.
Pare3: Cool dito eh.

May dumating na babae naming kaklase, tawagin natin siyang gurr. (ganyan i-pronounce ng kapatid ko ang girl)

Gurr: Oh, bakit andaming tao?
Pare3: May namatay na madre.
Gurr:Eh? Hindi nga?? Bakit?
Pare3: Nasagasaan.
Pare4:Oo, yang Toyota na naka-park diyan ang nakasagasa.
Pare4:Hindi nasagasaan ng roller blades.
Gurr:Peste, namatay talaga yung madre.

Nagannounce na magkakaroon daw ng misa.
Takbuhan palabas ng school ang maraming tao, pati kami. Pray for us.

Jan 14, 2008

Masaya ka ba?

Mahirap magbalik-tanaw at sabihin kung kailan ang huling beses akong naging masaya. Bilang tao, malaki ang posibilidad na nakangiting aso lang ako sa mga pagkakataong inakala ng iba ay tunay akong maligaya. Minsan pati ako ay naniwala sa sarili kong mga palabas. Natural nga siguro para sa atin na magastang masaya at maayos para lang makapantay sa larawan ng saya na nakikita natin sa ibang tao. Gayunpaman, palihim nating alam na sa likod ng masasayang larawan na pilit ipinapakita sa atin ng mga taong kinaiinggitan natin ay nagtatago rin ang bihis na bihis na kalungkutan. Sino ba kasi ang nagsabi na kailangan natin maging masaya? Bakit natin iniisip na ang sukatan ng buhay ay ang dalas ng pagkakataong naging masaya tayo?

Habang ka-text ko ang kaibigan ko noong isang araw ay nasabi ko na parang masaya ako. Nang tanungin niya kung bakit ay hindi ko kaagad nasagot. Ngayon ko lang siguro naisip ang dahilan kung bakit ko nasabi 'yon. Iba ito sa nararamdaman ko sa tuwing susubukin kong makalimot sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay habang pinaniniwala ang sarili ko na sapat na 'yon para maging masaya. Iba rin sa pakiramdam na may nagawa akong hahangaan ng mga kaibigan o mga kaklase ko. Hindi rin ito tulad ng saya na dulot ng ideya na may babaeng nagkakagusto at nangangailangan sa akin o ng ideya na may ginagawa akong tama para sa iba. Hindi rin ito ang uri ng saya na nararamdaman ko sa tuwing napapatunayan ko ang halaga ko sa mundo.

Nitong mga huling araw ay namuhay ako na ang tanging laman lang ng aking isipan ay kung saan ako kakain ng tanghalian at kung ano ang gagawin ko para hindi maubos ang araw ko katutulog. Nang nakaraang linggo ay madalas dalawang oras lang ang kailangan kong ilagi sa eskwela. Wala pang cable ang tv sa kwarto at naiwan ko ang charger ng laptop. Napilitan akong magbasa dahil sa kawalan ng paglilibangan. Alam kong abala ang mga kaibigan ko kaya't wala akong maayang lumabas. Hindi ko rin naaabutan sa eskwela ang mga madalas kong kainuman. Tuwing hapon ay tumatambay ako sa isawan sa harap ng bahay at paminsan-minsan ay nakikipagkuwentuhan sa mga tambay na hindi ko naman alam ang pangalan. Sa loob ng matagal na panahon, itong linggo lang na ito lang ako hindi nakadama ng pangangailangan na maging abala, na makipagkita sa mga kaibigan o aliwin ang sarili ko sa pamamagitan ng mga nakasanayan kong gawin. Payapa at tahimik ang aking isipan.

Hindi ako sigurado kung tama ako ng sabihin ko sa aking kaibigan na masaya ako. Maaring nalito lang ako at ginawang magsingtulad ang kawalan ng gagawin at kasiyahan. Pero doon ko nakita na masyado tayong maraming ginagawa at masyado tayong maraming iniisip na kailangang patunayan. Namumuhay tayo sa sukatan na ginawa ng ibang tao para sa atin. Madalas nating tanungin ang sarili natin kung masaya nga ba tayo. Sa maraming pagkakataon na hindi natin nagustuhan ang sagot ay kaagad tayong magiisip ng mga bagay o mga tao na tutungtungan natin para maabot ang kasiyahan. Bihirang magtugma ang taas ng ating layunin sa taas ng narating na natin. Sa oras na magtagpo ang dalawang iyon ay tatanungin nanaman natin kung masaya tayo hangang sa bumalik ang sagot na hindi. Doon ay magsisimulang muli ang siklo ng paghahanap natin ng saya.

Laging may kulang. Hindi lahat ng hangarin natin ay magiging totoo. Kung kaya lang nating tanggapin ang mga ito ay baka mas maging mahimbing ang tulog natin sa gabi. Hindi ito tanda ng pagsuko ngunit tanda lang ng pagtanggap natin sa katotohanan ng buhay. Hindi iikot ang mundo na tugma sa kahilingan mo pero kaya mo itong sabayan at pakinabangan. Wala pa akong gaanong alam, at marahil ay umiling ka sa ilang bagay na nabasa mo. Gayunpaman, naniniwala ako na ang buhay ay hindi dapat sukatin sa mga oras na naging masaya tayo dahil mababalewala ang iba pang nating karanasan na 'sing halaga din ng saya. Sa tuwing mararamdaman mong malungkot ka at mapansin mong may kulang sa buhay mo ay wala kang dapat ikabahala. Ang ibig sabihin lang nito ay buhay ka at dapat isipin na hindi ka nagiisa. Minsan, para maging masaya tayo, kailangan lang natin tanggapin na hindi sa lahat ng oras ay maaari tayong maging masaya.

Jan 12, 2008

Hindi ito gimik


Kailangan ko lang gamitin yang title kasi alam kong bihira lang ang sumeseryoso sa sinusulat ko.

For more info please visit Kat's blog at tissuepaperworld.pansitan.net

Jan 7, 2008

Exam week

Exam week namin ngayon. Sa dati kong eskwelahan ay "hell week" ang tawag ng iba sa exam week. Nakasalamin ang mga bibbo, walang kolorete sa mukha ang mga babae at hindi tusok tusok ang buhok ng mga lalaki. Sa linggong ito pwedeng masukat ang kahandaan ng mga estudyante sa kapal ng kanilang eye bags at sa dami ng bitbit nilang libro. Sa ibang unibersidad nga raw ay hindi na maharap maligo o magbihis man lang ng ilang estudyante. Kaya nga siguro hell week ang tawag dahil nagkalat sa campus ang mga zombie na mukhang bumangon mula sa hukay.

Sikat na tambayan ng mga estudyante ang kapihan, convenience stores at mga fast food na bukas bente kwatro oras para magreview. Tanong nga ng propesor ko dati ay, wala daw ba silang sariling mga kwarto na pwede nilang gamitin para makapagbasa ng tahimik? May mga
pampublikong lugar naman talagang akma para sa pagaaral tulad ng mga kapihang malapit sa eskwelahan o malayo sa mga sikat na gimikan. Sa mga lugar na gaya ng nabanggit ko ay pwede kayong makiusap sa mga kasabay ninyo na hinaan ang mga boses kapag naguusap dahil nakakaabala sila sa inyo. Pero kung may balak kang magaral sa mga kapihan sa kilalang puntahan ng mga tao para mag-party at magingay ay huwag kang magrereklamo kung may nakakaabala sa'yo, pwera na lang kung naghahanap ka talaga ng away.

Hindi ko alam kung paano nagagawang magaral ng iba sa pampublikong lugar. Hindi pwede sa akin ang ganon. Mukha kasi akong tanga pag pinipilit kong intindihin ang mga binabasa ko. Kung may kasabay naman akong magaral ay makikipagkuwentuhan lang ako hangang sa makalimot na kaming pareho na may exam kinabukasan. Hindi tuloy ako naiimbita ng mga kaibigan kong sumama sa kanila para magkape habang nagrereview. Isang beses lang akong nakasama sa gimik habang hell week noong minsang gusto daw nilang manood ng sine at magpahinga muna sa pagbabasa. Hayup. Saka lang ako maaalala pag labas na sa pagaaral ang lakad.

Mistulang may grand assembly ng mga tamad sa klase ang mga photocopy centers tuwing exam. Sa mga panahong tulad nito bida ang mga masisipag magsulat. Kapag hindi mo sila kaibigan ay magdasal kang may kaibigan kang kaibigan din nila dahil yun lang ang pagasa mong magkaroon ng kopya ng mga notes na kailangan mo para makapagaral. Bida rin ang mga masipag magdala ng USB flash drives at walang takot na kumukopya ng mga presantations ng propesor ng walang pahintulot. Paano kaya kung ipagbawal ang photocopy machines at anumang makina o paraan na makakapangopya ng mga dokumento sa Pilipinas bukod sa sariling sulat kamay? Mababawasan siguro ang mga magaaral sa Pilipinas at baka isa na ako sa mga matagal ng tumigil sa pagaaral.

Para sa mga katulad kong may exams ngayong linggong ito, anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nagrereview ka? Dapat inuuna mo ang pagaaral kaysa sa pagiinternet.

Expected comment:
bakit ikaw nagboblog ka, hindi ba dapat nagrereview ka rin?

Jan 6, 2008

Tagnamo

Hindi ako nagmumura. Sasabihin ko lang na ang mga tags na hindi ko pa nasasagot ay sinagutan ko na sa tagnamo.blogspot.com. Kung may mga tags pa kayo ay isend niyo lang sa akin.

Maraming nagsabi na masyado raw akong mapili sa Gelpren kaya inedit ko na ang qualifications. Iisa pa lang kasi ang nagaapply, wala pa yata sa katinuan. Sana ngayon ay swertehin na ako.

Jan 3, 2008

Job Vacancy

Ilang araw na ring nakikipagtaguan ang araw sa bayang ito. Sabi nga ni pareng Ice ay extreme Tuguegarao daw ang Tuguegarao. Napakainit sa maraming bahagi ng taon pero pag dating ng Disyembre at Enero ay mangangailangan ka ng makapal na kumot para labanan ang lamig ng gabi. Rason na para sa ibang tao ang kalagayan ng panahon para maging malungkot. Dahil sa ginaw at dahil may bago na talaga siya, ay lalong ipinamumuka sa'kin niyang si universe na magisa nanaman ako sa mga panahong kailangan ko ng kayakap. Buti na lang ay napakatalino ko at hindi ako desperado kaya naisip kong i-post ito:





WANTED: GELPREN

Qualifications:

-Female (It doesn't matter if you weren't before, as long as you are now)
-preferably single
-at least 5' 4"in height
-18-22 yrs. old
-living away from parents
-just a little out of my league
-excellent communication skills
-wiiling to work as a personal alarm clock and organizer
-knowledge in web design and/or cooking is an advantage
-no experience required
-experience in babysitting would be helpful
-able to handle my mood swings
-must, at all times, look pretty in public esp. around my friends
-must be patient, understanding and accepts "jan lang" and "ewan" as decent responses.
-low maintenance and willing to split the bill once in a while
-applicants must be willing to work in Tuguegarao or wherever I find convenient
-must be willing to work in extended periods. Who am i kidding?
-must be willing to work on graveyard shifts, holidays and weekends
-naliligo
-walang sakit
-marunong gumamit ng cellphone

Requirements:

-NSO birth certificate
-NBI or Baranggay clearance
-4 passport size pictures
-Curriculum Vitae
-duly accomplished application form
-recommendation letter from a past boyfriend (if available)
-certificate of good moral character, not valid without the school's dry seal(for students)
-kindatan mo lang ako solb na.

This is a limited time offer only. There are only two slots left.
For a copy of the application form in pdf or word format and my home address email me at:
or at:
Leave a comment for referrals or inquiries.


Matapos kong basahin ay ngayon ko lang napagisip-isip kung gaano kahirap ang trabahong ino-offer ko. Kaya sa rason kung bakit matagal na bakante ang posisyong yan, saludo ako sa'yo. Salamat.

Jan 1, 2008

Nakikiuso

Dahil bagong taon na ay kailangan kong maging-in at gumawa din ng post tungkol sa pagbabalik-tanaw, resolutions, bagong simula, prediksyon at sa kung anu-ano pang mga bagay na idinidikit natin sa new year.

Unahin na natin ang mga bagay na natutunan ko sa taong 2007. Una diyan ay ang mga mahahalagang leksiyon sa buhay tulad ng kailangang doble ang ibayad ko sa tricycle pag hapon kung gusto kong makauwi kaagad. Higit pa roon, natutunan ko ring kahit saan man ako mapadpad ay kakayanin kong harapin ang mga pagsubok sa araw araw sa tulong ng Diyos, pamilya, mga kaibigan, tamang kabobohan at isang kahong pancit canton. Nalaman ko rin na sa lahat ng pagkakataon ay pagkakalooban ka ng Diyos ng mga kaibigan sa panahon ng pangangailangan. Sa ganoon ding paraan natutunan ko na may mga bagay na ako lang ang maaaring gumawa at hindi pwedeng iasa sa iba. Hindi naman lahat ng nadiskubre ko ay maganda. May nagsabi sa akin na hindi raw totoo si Santa Claus. Muntik na talaga akong maniwala. Napansin ko ring paikli ng paikli ang pasensiya ko at hindi ko pa rin makayang seryosohin ang mahahalagang mga bagay sa lahat ng pagkakataon.

Isa pang usong-uso tuwing bagong taon ay ang mga prediksiyon at mga gawaing pinaniniwalaang maghahatid ng swerte sa atin. Araw araw na lang ay pinuputakte ang tv ng mga manghuhula at mga experts sa kung anu-anong pampaswerte para tayo ay pagkakitaan. Hindi naman siguro masamang pakinggan ang mga ito pero nababadtrip talaga ako. Lalo na sa mga manghuhulang nagmamagaling na tumama daw ang prediksyon nila noong isang taon. Kaya ko rin namang manghula. Para ano pa't patay na patay ako kay madam Auring. Ang hirap naman sikmurain ng sinabi kong yun. Hindi ko kailangan ng crystal ball o kahit crystal meth para manghula.

Sa showbiz:
  • Isang young actress ang mabubuntis ng isang mayamang pulitiko.
  • Sikat na couple maghihiwalay dahil makakabuntis ng isang young actress ang asawang pulitiko.
  • Isang news anchor, lilipat sa kabilang istasyon.
  • Dating matinee idol aamin sa totoong kasarian.
  • Isang Pinoy Indie film, aani ng parangal mula sa iba'tibang bansa.


Ekonomiya:

  • Presyo ng dolyar, patuloy na bababa.
  • SM magbubukas uli ng mga malls. Henry Sy, hindi titigil hangang hindi nalalamangan ng SM ang dami ng mga municipal halls sa Pilipinas.
  • OFW patuloy na madadagdagan.
Pulitika:

Walang magbabago. Next!

Edukasyon:
  • 30 % ng pangunahing mga unibersidad ang magtataas ng tuition fee.
  • UP, magrarally.
  • Budget para sa mga pampublikong paaralan babawasan.
  • UP, magrarally.
Isports:
  • Manny Pacquiao, patuloy na yayaman.
  • NU bulldogs, mananalo laban sa UST growling tigers.
  • PBA superstar magpapakasal sa sexy star na girlfriend.
Sa blogosphere:
  • Dalawang magkaibigang bloggers magkakatuluyan, relasyon ililihim.
  • Isang sikat na blogger, kakalat ang sex video sa youtube.
  • Isang bagong anonymous blogger ang sisikat.
  • Hiatus, lalaganap.

Meron din akong mga tips para sa bagong taon.

  • Swerte sa bagong taon ang bilog. Pag naubos ang bilog at wala pa kayong tama ay magpabili na lang ng 4x4. Wag sosobrahan ang paginom ng bilog o 4x4 dahil kung hindi ka mabugbog sa daan ay misis o nanay mo namag ang gugulpi sa'yo.
  • Hindi totoong kailangan buksan ang pintuan pagdating ng alas-dose ng hating gabi ng bagong taon para sa maayos na daloy ng swerte. Pulbura at usok lang ang papasok sa bahay ninyo pag ganun.
  • Wag maniwala sa sabi-sabing nakakatulong sa pagtangkad ang pagtalon sa hating gabi ng bagong taon. Hindi ko naman ginagawa yun tumangkad pa din ako.
  • Sa pagibig, tignan kung compatible ang mga signs mo at ng iyong kapareha. Kung ikaw ay lalaking Capricorn, magingat sa mga Whore.
  • Swerte ang kulay orange kung makakasalubong ka ng sasakyang walang ilaw sa gabi. Iwas disgrasya. Iwasan ang kulay itim.
  • Hindi rin swerte ang pagaalaga ng daga kahit na year of the rat pa ang 2008.
  • Ang mga mamahaling crystals na pampaswerte ay malaking kalokohan. Maari itong maging simula ng sakuna lalo na kung suot mo ito sa Quiapo ng nagdidilim.
  • Swerte ang mga numerong 6 at 9 sa mga magsyota.
  • Ilan sa mga pinanganak noong 1987 amg gagraduate sa kolehiyo. Walang pakisama ang mga walangya.

Kung hindi man ako makagraduate ay magpapakuha na lang ako ng isang lamesa sa tapat ng Quiapo church. Singkwenta bawat hula.

Isang masayang bagong taon sa lahat! Para sa isa pang taon ng pakikipagkuwentuhan sa harap computer screens, tagay!